Chapter 18 - Suggestions

1150 Words
Lily's Pov Napansin ko na biglang nagkainteres ang mga teachers at iba pa sa kung ano man ang suggestion niya. Hindi na ako magugulat kung maganda ang magiging output kung ano man ang isusugest niya, Ian is really good at this. Planning and strategizing. "What are your suggestions, Mr. Ian?" Mr. Van asked. During training on finding a door, he will easily memorize the way. He has own strategies that he never shared to us, malaki ang maitutulong niya sa pagplano. Binigyan niya muli ng isang ngiti si Mr. Van nang tanungin siya nito. "Actually, matagal kong hinintay yung time na 'to na magkaroon ulit tayo ng meeting dahil ang dami kong napansin these past few days, "Bago tayo magplano, we better think first kung saan tayo nagkukulang. Kailangan muna nating isipin yung bagay na kung saan kailangan pa natin iimprove." sabi ni Ian. "At saang bagay sa tingin mo tayo nagkukulang? at kailangan natin iimprove?" tanong ni Carson sa kaniya, nakakunot ang mga noo nito at nag-iisip siguro kung ano ang tumatakbo sa isip ni Ian. Napaisip siya sandali, "I know it's been just a couple of weeks since we started to went here and know this mess pero isa sa tingin ko na kulang natin ay pagdating sa communication." "What do you mean by that? Anong pinagsasabi mo d'yan? Make sure that is the good idea." sabi ni Mr. Delubyo. Takte talaga ng teacher na ito... grrrr "Last week, habang nasa meeting kami ay may isang tao ang nabiktima. Kiara took so much time to report it to Mr. Peligro. Mga kalahating minuto pa ata ang lumipas bago ito maireport sa inyo, "napansin ko na kailangan pa tayong puntahan ng iba at tumakbo ng kay haba -haba para lang mareport saatin na may nabibiktima, sobrang dami pang process na nangyayari, kailangan natin iimprove ito." nanatiling kalmadong sabi ni Ian. Napatingin ako sa iba, napatango sa kaniyang sinaad. Tama yung sinabi niya, just like what happened to others. Ang bagal ng process bago mareport ito, ang layo-layo pa ng hospital at kulang sa mga sasakyan para makarating doon agad. Tapos syempre para malaman nila Mr. Aguiluz na may bagong nabiktima, kinakailangan pang pumunta ng isa sa'ming dream wanderers sa Crescent World at iinform ito sa kanila which is ang tagal ng proseso. Anong solusyon dito? "You have a point, Ian and what do you think is the best way to improve this?" tanong ni Mr. Aguiluz sa kaniya, napaisip kaming lahat. Ano nga ba ang way? Hmm. "'D'yan na papasok ang pagplano, Mr. Aguiluz na tsaka natin gagawin. Right now, I suggests na isa-isahin muna natin yung kailangan natin iimprove, kasi kung plano lang tayo nang plano na hindi pinag-iisipan, hindi talaga magiging effective yung plan natin" sabi ni Ian at sumang-ayon naman lahat sa kaniya. Ang galing talaga nitong si Ian. Napatingin siya saakin nang makita niyang nakatingin ako sa kaniya, kinindatan niya ako. What is that? "Thanks for the suggestions, Mr. Ian. How about the others? ano pa sa tingin niyo ang kailangan pa natin iimprove?" sambit ni Mr. Aguiluz dahilan para mapaisip nanaman kami. Hmm, ano pa nga ba? Sa daming nangyayari sa paligid bakit tila wala akong maisip? Ang hirap talaga 'pag 'di ka magaling sa ganito 'no? Hanggang tagapakinig ka lang? "I have something in my mind," itinaas ni Nef ang kaniyang kaliwang kamay at sinenyasan naman siya ni Mr. Aguiluz na magsalita. "I think isa rin sa kailangan natin iimprove ay yung skills ng bawat isa sa atin in terms of defending ourselves, hindi lang nating mga dream wanderers but also those lucid dreamers as well. "I think one of the factors kung bakit hindi sila nagdadalawang-isip na biktimahin ang bawat isa sa atin ay dahil alam nila na mahina tayo, alam nila na wala tayong binatbat sa kanila kasi hindi lahat tayo kayang lumaban, it seems like they underestimating us, kampante sila na matatalo nila tayo in an easy way." Nef said at napatango rin ang bawat isa samin, ewan ko lang kay Mr. Delubyo. "'Yun lang naman Sir, suggestion ko lang. Sana huwag niyo ko ibash" sabi niya bago muling umupo. "He's actually right, Sir. Katulad ng sinabi saamin ni Mr. Peligro na kailangan natin magtulungan, kung tayo lang mga dream wanderers ang kikilos at aasa lang saatin ang iba we will never defeat them, hindi matatapos ang lahat ng ito. "Tsaka,thirteen lang po tayong mga dream wanderer, compare sa evil dreamers ang dami yata nila" tugon ni Michelle. "I agree, yes, we'll think about that. Don't worry" sabi ni Mr. Aguiluz at inilista niya ang mga suggestions ng iba saamin. Napatingin siya sa orasan na nakasabit sa gitna, "Anyway, Our free time has ended. That's all for today, we have to go back in a crescent world. Hopefully, may masave tayo ngayon, we can do this." sabi niya kaya nagsitayo na kami. "and for those new dream wanderers, you did a great job. Keep training." ngumiti siya saamin and we did the same. At naglakad na kami palabas ng Meeting Room. "Ang sarap sipain palabas ni Mr. Delubyo kanina, grabe niya tayo ipressure," sambit ni Lou. "Same, nainis ako sa kaniya kanina sa totoo lang. Buti na lang ang galing ng mga friend natin magsuggest" sabi ni Michelle. "Pagpasensyahan niyo na si Mr. Delubyo, mabigat ang pinagdadaanan niya." sabi ni Mr. Peligro na nasa harapan namin. "Kahit na Sir, wala siyang right to say those words to us." sabi ni Lou. Napatingin ako sa kaniya, kay Lou. Napatawa ako ng bahagya, naalala ko yung pinagsasabi niya sa'kin no'ng nagkalaban kami. Those words that made me pissed off, that time wala siyang pinagkaiba kay Mr. Delubyo. Hanggang ngayon, 'di pa rin kami nagkakausap ni Lou. Hindi kami nagpapansinan dahil nga nagkaroon ng tensyon sa'min. Aware ako na hindi lang ako ang nainis sa kaniya, siya rin. Masyado kaming kinain ng pagiging competitive namin at tuluyang nawala sa aming isip that it was just part of the training. "Naalala niyo yung sinabi ko sa inyo, yung first man na nabiktima ng dream wanderers?" tanong niya, tumango kami bilang tugon. "It is his son, simula noon naging ganon na siya laging mainitin ang ulo at nawalan na ng gana para ngumiti" Nabigla kami sa sinabi niya, omg. Kaya pala ganon siya, grabe. "Kung kayo siguro 'yon baka maging ganon din kayo, kaya intindihin lang natin siya," sabi ni Mr. Peligro. "Eh ikaw Sir, bakit blanko lagi ang emosyon mo? Hindi ka pa namin nakikitang ngumiti," tanong ni Nef. Napatigil kami sa paglalakad nang napahinto si Mr. Peligro at humarap saamin. Akala ko sasagutin niya yung tanong ni Nef pero iba yung sinabi niya. "Nagtext saakin si Mr. Aguiluz, kailangan ko tulungan sila sa Crescent World. Maiwan ko na kayo. For now, you have to be prepare." "Prepare for what, sir?" tanong ni Vin. "I think it's time to tour you in Crescent World,"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD