Chapter 19 - Welcome to Crescent World

2500 Words
Lily's Pov Hindi ko alam kung ilang beses ng nakatuon ang atensyon mula sa pinto ng room namin at naghihintay na sumulpot dito si Mr. Peligro. Hindi ko rin alam kung ano mararamdaman ko sa araw na ito, kinakabahan ako na parang natatae na hindi mapakali na ewan. Mixed feelings. TODAY is the day where we will go outside our own dream, in the Crescent World. Finally, the long wait is over. Simula nang malaman na namin ang mabilis na way para mahanap ang pinto ng aming panaginip, ilang beses na akong natukso na lumabas na dito. Ngunit mahigpit na ipinagbawal ni Mr. Van na lumabas dito dahil maaaring maligaw kami at makita kami ng evil dreamers kaya kahit na curious na curious na ako sa kung ano ang itsura ng Crescent World, I don't have a choice but to strongly stop myself from doing that thing. "Wala pa ba si Mr. Peligro? I earnestly want to go there right now," hindi makapaghintay na sabi ni Nef habang nakasandal sa pader malapit sa pinto ng room. Pansin ko na 'di siya mapakali at paulit-ulit siyang tumitingin sa kaniyang relos. "Masyado naman 'tong excited, don't worry papunta na 'yon," sabi ni Michelle sa kaniya. "Yep, nakita ko siya kanina habang naglalakad kami at kinakausap si Mr. Aguiluz," sabi naman ni Vin. Habang naghihintay kami na dumating si Mr. Peligro, nagulat ako nang may biglang umupo sa katabing upuan ko at nang magawi ang tingin ko dito ay nakita ko si Lou. She's looking at me, seriously. Napaiwas naman ako ng tingin sa kaniya at muling naaalala yung naging battle namin no'ng nakaraang araw. "H-hi, lily," she said. "Hm?" hindi ako makatingin sa kaniya ng harapan. Narinig ko ang malalim niyang paghinga, "Damn, I am not good at this," she said, pansin kong napakagat pa siya sa labi ng tumingin ako sa kaniya. "Go ahead, say it." kalmadong sabi ko. "Hm, I just want to apologize for what I did to you. I've hurt you so bad. I was just being competitive that time," sabi niya sa'kin. Bahagya akong nagulat sa binitawan niyang salita, I didn't expect that a strong personality like her can apologized to someone. It's kind of rare. Napahinga rin ako ng malalim, tumingin ako sa mata niya. Binabaan niya yung pride niya at humingi ng tawad sa'kin so sino ako para hindi ito tanggapin? Bahagya ko siyang nginitian, "To be honest, I am so furious to you that time. You are arrogant, you belittled me, my capabilities, what I felt to you was hate pero kung papairalin ko 'to wala namang mangyayari so yeah apology accepted," sabi ko at for the first time in my life, I've seen her smiling. "S-salamat," Totoo ba itong nakita ko? It's something unbelievable. Sana ganito na lang siya palagi, parang nakakita ako ng soft side niya today. "'Yun oh, okay na yung dalawa." malakas na pagkakasabi ni Michelle. Nagtawanan naman kaming lahat, "Should we celebrate it?" pabirong tanong ni Ian. "Pero what happened that time was intense, nagulat ako kay Lily. She's very competitive din pala at sabi ko that time, may ibubuga pa 'to," sabi ni Nef. Napailing-iling naman ako sa sinabi ni Ian, "You're mistaken, I'm just really weak," "I am very sorry talaga, that time din kasi I was thinking something from the past that made me annoyed at sayo ko nabunton yung galit ko," sabi muli ni Lou. "Happened in the past, anong nangyari sayo?" tanong ko naman. At bago pa niya maikwento sa'kin ay dumating na si Mr. Peligro dahilan para mapaupo kami sa aming mga sariling upuan. Kita ko naman ang excitement sa mga mata nila. "Are you all ready?" bungad niya saamin. "Yes, we are ready Sir. Kanina pa po" masayang sabi ni Michelle na tila nagliliwanag ang mga mata sa sobrang excited. Parang gusto pa niyang tumalon sa tuwa. "If you're ready, then let's go," sabi niya dahilan para magtaka kami. "What? Hindi po ba tayo dito magistay?" tanong ni Vin. Bahagyang umiling si Mr. Peligro, "There is an aside room for us to sleep when we go in Crescent World," "Eh bakit no'ng nagtraining kami before, doon po kami pinatulog ni Mr. Van?" sabay turo ko sa side kung saan may mga bed. "Kapag training, pwedeng dito lang sa room na 'to or kahit sa dorm room niyo pero Crescent World ang pupuntahan natin kaya kailangan ng extra ingat. When we go to the Crescent World, we can't go back to the reality, kahit anong gising sa inyo hinding-hindi kayo magigising kapag nasa Crescent World na kayo," "Seriously? So kaya pala kahit gisingin ang mga nabiktima ng evil dreamers, hinding hindi sila makakabalik sa reality dahil nasa isang lugar na sila sa Crescent World?" tanong ni Nef. Tumango lang si Sir sa kaniya bilang tugon, "Ang tanging way para makabalik tayo sa realidad ay kailangan nating makabalik sa ating sariling panaginip," sabi niya. "Are we clear?" "Yes, sir." "What are you waiting for? Let's go," He said and we followed him. **** "WOOOAH," rinig kong saad ni Michelle na tila manghang-mangha sa room na aming napuntahan. This room is called Dream Wanderer Sleeping Room at katabi lang siya ng Meeting Room ngunit mas maliit ito compare doon. What makes me amaze is because of the painting on the wall, mayroon ditong isang malawak na daan at may makikitang mga kabahayan sa bawat pinto. Ang ganda ng pagkakapinta nito at halatang pinagisipan at pinagplanuhan ng maayos. "Bago tayo magsimula, may papaalala lang ako. I already inform the other wanderer na itu-tour ko kayo outside your own dream, pagkakita niyo sa pinto huwag muna kayong lalabas. May susundo sa inyo, either Carson or Kiara, or me. Got it?" Tumango kami sa kaniya agad. "Noted, sir." Sumunod kami sa kaniya, pagpasok namin sa room na ito ay may isang pinto pa kaming pinasukan. Pagkapasok namin medyo madilim ang paligid, ang tanging nagbibigay ng liwanag ay ang mga backgrounds sa bawat sulok ng room. It has a beautiful night sky background that makes me amaze. May mga bituin na masayang nagniningning and there is also a purple crescent moon. Feeling ko bless na bless yung mata ko sa napakagandang bagay na nakikita ko, it makes me happy. May isang music din na nagpeplay na parang hinehele ka kapag maririnig mo ito, hindi mo siya maririnig sa labas dahil soundproof ang room, parang inantok ako bigla. Ang sarap niya sa pandinig. It's a different sa music na pinlay ni Mr. Aguiluz during a dream game at Mr. Van during training, this one is much better. Much more relax and peaceful in the ear. "Shocks" gulat na sabi ni lou nang makapunta kami sa bed area. Tumambad saamin ang nakahigang si Mr. Aguiluz, Mr. Van, Ms. Martinez at iba pang teachers, pati yung dalawang students na dream wanderer, mahimbing silang natutulog lahat ngayon, that means that they're on the crescent world. "You may choose on the bed na gusto niyo pagtulugan," halos pabulong na sabi saamin ni Mr. Peligro at sinenyasan kami na humiga na sa mga extra bed na nandito. Agad akong pumunta sa pinakadulong part, there are lots of extra bed kaya walang dahilan para mag-unahan kami. Napapikit ako nang maramdam ko ang lambot ng hinihigaan ko ngayon, ang lamig pa ng paligid dulot ng malakas na aircon. Sinong hindi makakatulog sa ganitong sitwasyon? "Stay relax, listen to the music and sleep" huling paalala ni Sir bago siya humiga sa isang extra bed rin. "Got it, Sir" Ian said. Like I usually do when I am about to sleep, I covered my eyes first. This is it. Katulad ng sinabi ni Mr. Peligro, nirelax ko ang sarili ko, hindi ako nagisip pa ng kung anu-ano. Sakto wala ako masiyadong tulog kanina---- **** I DID realize that I am in my dream immediately. Dahil sa mga advices ni Mr. Van sa'kin, kahit papaano ay naiimprove ko na yung mga dapat kong pagtuunan ng pansin pero kailangan ko pa rin magensayo araw-araw at hindi pa rin ako dapat magpakampante dahil naniniwala ako na may maiimprove pa ako. Maganda ang napaniginipan ko ngayon, I am reading a book in my old school, at the library. Siguro dahil namimiss ko na rin magbasa ng libro dahil bihira ko na lang siya magawa ngayon. Mabilis akong tumayo, pinalitan ko ng scenario ang panaginip ko. Nag-imagine ako ng isang street way na naging strategy ko para mabilis kong mahanap ang pinto. Tumakbo ako sa daan na iyon pakanan. Wala pang minuto, nakita ko na ang kumikinang na kulay purple na pinto. I took a deep breath before I go there. Pagkarating ko sa pinto, bubuksan ko na dapat ito pero may nagpihit na ng doorknob dahilan para kabahan ako at mapaatras. No way. Pumasok dito ang isang lalaki na hindi ko mamukaan. He is wearing like a black leather hood jacket and blue pants also, at may mask din siyang suot suot. He took off his mask at doon ko siya nakilala, it's Carson. "Putek, akala ko evil dreamers" sabi ko habang napapahawak sa kaniyang dibdib. Natawa siya bahagya sa inasta ko, "Medyo nerbyoso ka rin pala!" "'Di naman, naninigurado lang syempre," sabi ko naman. "Anyway, Are you ready to see the beauty of the crescent world?" saad niya. "Yep but I am feeling nervous" "Tara na, susunduin pa natin. si ano---pangalan no'n. Si Mi--" "Michelle," pagpapatuloy ko sa gusto niyang sabihin. "Ahh oo, siya. Anyway, let's go" nabigla pa ako nang hinatak na niya ako palabas doon sa pinto. Hindi ko maiwasang mapapikit ng mata. This is it, I can finally see it with my own eyes. Ang bilis ng t***k ng puso ko ngayon, ramdam ko yung naguumapaw na excitement sa aking katawan. I can't believe at this moment, I will see Crescent World. Mabagal kong minulat ang mata ko at halos mapanganga ako sa mga nakikita ko ngayon. Teka, is this really a Crescent World? Napakurap-kurap ako ng mga mata. This is fantastic. Wala man lang kailaw-ilaw dito, kinuha naman ni Carson ang isang damit mula sa gilid. Napatingin ako sa pinto ng panaginip ko, it's lighting so bright ngunit agad itong nawala ng makalabas kami. Buti na lamang ay nagbibigay ng liwanag ang mga bituin, pati ang higanteng crescent moon sa langit. Naglalakad kami ngayon sa malawak na daan, tama si Mr. Peligro para kaming nasa isang apartment. Habang naglalakad kami, may mga iba't ibang pinto rin kaming nakikita na iba't iba ang kulay. Isa rin ito sa nagpapaliwanag in this dream world. "Teka, nasaan na yung iba?" tanong ko habang naglalakad kami, hangga't maaari hindi ako humihiwalay sa kaniya dahil baka may humablot na evil dreamers saakin. Nakakatakot din. "Bago tayo pumunta sa place kung saan kayo magkikita-kita, susunduin muna natin si Michelle." matipid niyang sabi habang diretso lamang na nakatingin sa daan. Maya-maya tumigil kami sa isang kulay black and white na pinto, binuksan naman ito ni Carson at pumasok kaming dalawa. Nakita namin si Michelle na gulat na gulat din ng makita kami, nasa pinto na siya at naghihintay. "Omygash, Lily? Carson? Is this real?" sabi niya saamin na napapahawak pa sa bibig. Napatingin ako sa loob ng panaginip niya. She's imagining something old, nakasuot ang mga tao na baro't saya at nagsasayawan habang may tumutugtog na isang makalumang kanta. "Hoy Lily, what are you waiting for? Let's go" sabi ni Carson saakin. "Ay sorry" sabi ko na sumunod na sa kanila. Masiyado akong nagenjoy sa mga scenario sa loob ng dream ni Michelle. Mukhang may nadiscover ako na something sa kaniya dahil dito. She likes vintage, huh. "Hutek, totoo ba itong nakikita ko? " nanlalaking mata at namamanghang saad ni Michelle nang makalabas kami sa panaginip niya. This is also her reaction when the first time we came in the Crescent High. Her reaction is always exaggerating at the same time it's funny. "Aray, nakakasakit ka na ah," gigil kong saad. Nakailang palo nanaman siya sa'kin ngayon tapos ang sosolid pa. Mukhang hindi siya aware na masasakit ang lahat ng 'yon. Sandali siyang napatigil sa paglalakad, sinampal-sinampal, kinurot-kurot niya ang kaniyang sarili bago marealize na lahat ng nakikita niya ay totoo. "TAKTE, TOTOO NG---" malakas na sigaw niya pero tinakpan agad ito ni Carson. "Huwag kang maingay, baka nakakalimutan mo na may mga gumagala na evil dreamers d'yan sa tabi at naghahanap ng mabibiktima nila, gusto mo ba mahuli?" sabi ni Carson sa kaniya. Napatakip naman siya ng bibig, "Sorry naman, nadala lang ng kasiyahan" Maya maya, natanaw na namin sila Mr. Peligro, Vin and Ian doon sa isang gilid. Naguusap yung dalawa samantalang si Mr. Peligro, walang imik at nakatingin lang saamin habang pinagmamasdan kaming papunta sa direksyon nila. "I told you, si Michelle yung sumigaw kanina. May isandaan ako sayo ah," rinig naming sabi ni Ian kay Vin na nagkapustahan pa ata. "As far as I know, I don't agree with our agreement," sabi ni Vin. "Hoy, ano nanaman yang pinagsasabi----" "Huwag ka sabing maingay eh." inis na sabi ni Carson muli kay Michelle nang mapalakas muli ang boses nito. "Sabi ko nga," "Teka, nasan na yung dalawa? Si Lou at Nef?" tanong ko naman nang mapansin kong sila na lang dalawa ang kulang. "Si Kiara ang nagsundo sa kanila," si Mr. Peligro. "Speaking of them..." turo ni Ian sa likod dahilan para mapalingon kami. Naririnig namin sila Lou at Nef na tila nagbabangayan habang papalapit. Rinig na rinig mo yung mga naglalakasang mga boses nila. Luh? Anong pinag aawayan ng mga 'to? "Hindi nga ikaw 'yon, mali ka ng nakita." si Nef na tila frustrated na. "Don't lie to me, Nef. I saw it in my own eyes at tsaka pwede ba? kung may galit ka sa'kin sabihin mo sa'kin hindi yung inaatack mo ako patalikod," halos magsalubong na kilay ni Lou. "Shut up, both of you. Tsaka niyo na ituloy yang away niyo dahil baka mapaaway tayo ng di oras dito. Marinig kayo ng mga evil dreamers d'yan" pigil sa kanila ni Kiara. "Mukhang may misunderstanding kayo huh? Bakit anong nangyari?" tanong ko nang makarating na sa direksyon namin. "Itong lalaking 'to, nakakabwisit," "Hindi nga ikaw 'yon, ang kulit naman." "K-----" "What happened ba?" tanong ko. Lou rolled his eyes, nakakrus na rin ang mga braso niya. "This man is a trash. Pinuntahan namin siya sa dream room niya at alam niyo kung ano iniimagine niya? He's imagining that he's fighting at ang iniimagine niyang kalaban ay yung mukha ko. He is punching and kicking me like a punch bag, grrr" "How many ti-----" "Sshhh" napatigil kami ng sumenyas si Mr. Peligro na huwag maingay. Inilagay niya ang kaniyang hintuturo sa kaniyang bibig, pinakiramdaman namin ang paligid. "Teka ano 'yon?" natatarantang saad ni Michelle. May naririnig kaming malakas na yapak, someone's running so fastly. "We have to hide, hurry" sabi niya dahilan para mataranta ang iba sa amin. Mabilis kaming nagtago kung saan mang place pwede kami magtago. Huwag naman sana evil dreamers 'to. We can't even fight yet if ever.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD