Chapter 20 - Welcome to Crescent World II

1323 Words
Lily's Pov Habang patagal ng patagal, mas lalo naming naririnig ang bawat yapak niya. Unti-unti natatanaw na namin siya, isa siyang babae magulo ang buhok, may dugo sa kaniyang damit. Tinignan ko ang mukha niya, may black eye siya at namamaga ang kaniyang mga labi. "May tao ba r'yan? Tulungan niyo ako, nakatakas ako sa mga evil dreamers. Parang awa niyo na, help me to go back in reality." saad ng isang babae, maririnig mo sa boses niya ang takot. Mukhang narinig niya kami kanina dahil sa ingay nila Lou at Nef, at ni Michelle. I looked at her, she seems familiar. "Ian, diba siya yung junior high student na dinala natin sa hospital?" mahinang tanong ko dito, magkatabi kami ngayon sa aming pinagtataguan. Tinignan naman niya ito ng maigi at nanlaki ang mga mata niya. "Siya nga," Napatingin kami lahat kay Mr. Peligro, hinihintay namin na sabihin niya kung ano ang dapat gawin. Sinenyasan niya kami magstay sa pinagtataguan namin. Tumayo siya pati si Carson at Kiara at lumapit sa babae. Pero natakot yung babae sa kanila at napaatras kaya naman inilabas nito ang hawak niyang kutsilyo at itinututok sa kanilang tatlo. "Huwag kayong lalapit, kung ayaw niyong masaktan" nanginginig niyang saad, her hands also shaking. "H-huwag kang matakot, hindi kami kaaway. We're here to help you" sabi ni Mr. Peligro at inialis niya ang kaniyang mask. "M-Mr. Peligro?" sabi ng babae ng makilala niya ito, tila nakahinga siya ng maluwag that time. "Put that knife down, now" at dahan-dahan niyang ibinaba ang kutsilyo. Mabilis siyang lumapit kay Mr. Peligro, hinawakan niya ang dalawang kamay nito. "Tulungan niyo po ako, nakatakas ako sa kanila. Gusto ko pa mabuhay, ayokong mastuck dito, please help me so bad," pagmamakaawa niya habang tumutulo ang kaniyang mga mata. Nanginginig din ang kaniyang mga labi, nakakaawa siya dahil sa sinapit niya. Napaiwas ako ng tingin, I really hate seeing like this kind of situation, ang bilis ko talagang maawa. Even in the series that I've watched, when I saw some characters crying, nahahawa ako agad. I'm too emotional and freakin' hate it. "Don't worry, we will make sure you're safe now....Carson, Kiara, ihatid niyo na siya sa sarili niyang panaginip. Mag-iingat kayo." utos ni Mr. Peligro. "Noted, Sir" mabilis na saad ni Carson. Napansin ko na nag-aalinlangan na sumunod sa kanila ang babae. "Why? Huwag ka nan----" "How can you so sure na mapagkakatiwalaan sila?" tanong ng babae kay Mr. Peligro. Nanlaki ang mga mata ko sa binitiwan niyang salita, what does she mean? "Anong gusto mo iparating?" tanong ni Mr. Peligro, he seems curious but his face is just a blank emotion. "Nang dinala nila ako sa kulungan nila, I saw a student there na nakita ko sa school natin, he is their allied." seryosong saad niya. Nagkatinginan kami ni Ian dahil sa binitawan niyang salita. WHAT? FOR REAL? "What the freak it is" bulong ni Ian sa'kin, ramdam ko ang init ng hininga niya tumatama sa'king mga balat. "Seryoso ka ba sa sinasabi mo? How can you be so sure with that? Kilala mo ba siya?" tanong ni Kiara sa kaniya. "I saw this on my own two eyes, hindi ako pwedeng magkamali. I don't know his name pero tandang tanda ko ang mukha niya" sabi pa ng babae. "Kaya Sir,pl---" "Tsaka na lang natin pag-usapan 'yan. Kailangan mo muna makabalik sa realidad, huwag kang mag-alala mapagkakatiwalaan sila, they will help you," sabi ni Mr. Peligro. Tinignan ng babae yung dalawa. "But sir, I am scared" "Trust us, hindi kami kaaway." sabi naman ni Carson. "Tumatakbo ang oras, hatid niyo na siya" sabi ni Mr. Peligro. The girl had no choice but to listen to Mr. Peligro at umalis na sila para ihatid siya sa kaniyang sariling panaginip. I am happy that she managed to escape. Sinenyasan kami ni Mr. Peligro na lumabas na mula sa pagkakatago. "Mabilis ko lang kayo ito-tour, mapanganib talaga dito sa crescent world. May katanungan ba kayo?" sabi niya at mabilis na naglakad. We are walking in the street right now, hindi ko maiwasan mapatingin sa mga apartment na nakikita ko both sides, daan-daang ang mga nakikita naming pinto na may iba't ibang kulay. I can't believe that this kind of world exists pero nandito na kami ngayon, nakikita na ng dalawang mata namin ang dating kinuwento saamin ni Mr. Peligro. Ito ang ebidensiya that we all waiting for. "Like what I've told you before, nakatira tayo sa isang apartment at ang bawat isa sa atin ay may room. Ano? Hindi pa rin kayo naniniwala?" tanong niya. "Simula pa lang sir, naniwala na ako sa sinabi mo" masayang sabi ni Michelle, halos mapunit na ang ngiti sa mga nakikita niya. "Sir, kanina ko pa pinagmamasdan yung bawat pinto. Bakit po iba't iba ang kulay ng pinto ng bawat wanderers? May meaning ba ang mga ito?" tanong ni Vin habang tinitignan ang mga pinto na pinagmamasdan namin. "Yes, every color of the door has its own meaning, as you can see. May limang kulay ang mga ito such as White, Purple, and sky blue. Mayroon ding black and black and white" "Then what does it mean, sir?" tanong ko. "Tignan niyo yung mga may kulay white na pinto" turo niya doon sa hilerang mga pinto na puro puti, "Lahat ng makikita niyong kulay white ang pinto, they are just a normal people nananaginip sila pero wala silang kakayahan na makontrol ang kanilang panaginip," pagpapaliwanag niya. "what about for those who have purple door?" tanong ni lou. "Sa purple na pinto naman, lahat ng may purple door ay isang dream wanderer. Pansin niyo, bibihira lang ang magkaroon ng purple door dahil bibihira lang ang binibigyan ng abilidad na katulad ng ibinigay sayo. You are so blessed to have that ability," "And those who have sky blue door, sila naman yung mga lucid dreamer, am I right sir?" tanong ni Nef. Mr. Peligro just nod as he agreed to Nef. Natanaw ko naman yung isang room na tila color black ito kaya hindi naman ko rin naiwasang mapatanong sa kaniya kung ano ang ibig sabihin nito at itinuro ko sa kaniya yung room na color black ang kulay ng pinto na tila napundi yung ilaw. "Actually, it was Mr. Jackson's Dream Room." "Woaah" sabay sabay na tugon namin dahil sa gulat. "Kapag walang ilaw ang isang pinto, it means na nasa labas sila ng room nila. Dito rin namin naiidentify minsan kung sino ang nabibiktima ng mga evil dreamers ngunit huli na rin namin nalaman. So far, wala pa sa kalingkingan ng pangkalahatan ang nakikita natin, "Imagine, nasa bilyon na ang populasyon ng mundo at ang bawat isa sa'tin ay may room kaya sobrang lawak din ng Crescent World na ito. Ang mga kadalasang naililigtas lang natin ay ang nag-aaral sa Crescent High. As much as possible, we wanted to but we can't. Ang tanging way para mailigtas ang lahat ay wakasan ang mga kasamaan ng mga evil dreamers," sabi ni Mr. Peligro. Pansin ko na naglalakad kami sa isang malawak na daan. May mga buildings din kaming nadadaanan, ang tahimik ng paligid at tanging kuliglig lang ang aming naririnig. "May isa pang kulay, yung Black and White. Ano naman meron don, sir?" tanong ko. Sandali siyang napatigil sa paglalakad, tumingin siya sa'min, "That's the saddest color in this Crescent World, lahat ng pinto na may Black and White ang kulay, sila yung mga sumakabilang buhay na," malungkot na saad niya. Nalungkot din ako sa aking narinig, naalala ko nanaman si Dad. "Mr. Peligro?" tanong ko, natuon naman ang kanilang mga mata sa'kin. "Could you tell me where is the dream room of my dad?" Tinignan naman niya ako sa aking mata, umiling-iling siya, "I am sorry Lily but it is not the time to do that," sabi niya. I just nod, I understand that we have something we have to do. Nagpatuloy muli kami sa paglalakad, nag-eenjoy ako sa mga nakikita ito. "As you can see, may mga iba buildings dito katulad nito na parang hotel ang datingan and this, like a school" pagpapaliwanag niya saamin nang madaanan namin yung dalawang buildings." "Woah, it's bigger than the buildings in our school." sabi ni Ian. "May tao ba doon, sir?" Vin said pero umiling-iling lang si sir sa kaniya. "Before, we came inside of that building pero nang simula ng nagkagulo hindi na." pagpapaliwanag niya. Napatingin muli ako sa mataas na building na 'yon and here I am, nacucurious kung ano itsura ng loob. I really want to see. "Pwede ba tayong pumasok sa loob? I want to see what's inside," tanong ko. "For now, no. Kailangan nating mag-ingat, may possibility kasi na maglagay ng trap ang mga evil dreamers sa mga buildings dito at maaari nila tayong mahuli if ever," We have no choice but to listen to Mr. Peligro. Siya ang nakakaalam kaysa sa'min, may point naman siya we have to be extra careful. "Pst Pst Pssst" Napatigil ako sa paglalakad nang may marinig akong parang sumisipol. "Guys, narinig niyo 'yon?" tanong ko sa kanila. Napatigil din sila sa paglalakad at kunot-noo akong tumingin, "Huh? Ang alin?" clueless na tanong sa'kin ni Michelle. "I heard someone said pst," sabi ko. Natahimik naman sila ng ilang segundo at pinakinggan ang paligid pero wala na kaming narinig. "Wala naman Lily, baka guni-----AHHH!" "NEF!" Sabay-sabay na sigaw namin nang biglang may sumulpot na isang tao at hinawakan sa leeg si Nef. Nakasuot siya ng itim na damit, itim na pantalon. Nanlaki ang mga mata ko nang maalala ko yung pinakita sa'ming larawan ni Mr. Peligro. THIS HUMAN IS A EVIL DREAMER. "STAY AWAY FROM HIM, AKO ANG LABANAN MO!" malakas na sigaw ni Mr. Peligro, nang aatake na sana siya ay bigla na lang itong nawala sa aming paningin na parang bula at naglaho. Natulala ako sa nangyari, paanong nagawa niyang magteleport? Tumingin kami kay Mr. Peligro, maging siya ay nabigla. How does tha-- "WAAAAH!" isang malakas na sigaw ko nang biglang may humablot ng aking buhok, galing siya mula sa taas at tinakpan niya ang bibig ko. "LILY!" rinig ko pang tawag ni Michelle sa'kin bago lumiwanag ang paningin ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD