Lily's Pov
Hindi maipaliwanag ang nararamdaman ko nang magliwanag ang aking paningin. Para akong lumutang sa ere sa mga sandaling ito. Nakakaramdam ako ng hilo na nasusuka na ewan.
Pagdilat ko wala na sa paningin ko ang mga kasama ko. Nananatili pa ring nakapulupot ang mga braso ng evil dreamer sa aking leeg dahilan para bumilis ang t***k ng puso ko.
Hindi na ako nagdalawang isip, kinagat ko siya at isiniko ang kaniyang tiyan dahilan para mapasigaw siya sa sakit at nagkaroon din ako ng chance na makatakas sa mga kamay niya at dali -daling tumakbo.
Isang beses pa lang ako nakakapunta sa Crescent World, hindi ko pa alam ang pasikot-sikot na daan. Wala rin akong ideya kung gaano ako kalayo sa kanila ngayon at kung saan ako dinala ng demonyong ito. Ang tanging nasa isip ko ay hindi niya ako mah-----
Napatigil ako sa pagtakbo nang bigla siyang sumulpot sa aking harapan. Galing siya ulit sa itaas at tumalon mula sa direksyon ko. Hindi ko mawari kung isa ba siyang lalaki o hindi dahil nakatakip ang kaniyang mga mukha.
Paano niya nagagawang magteleport at maging mabilis? May hindi pa ba kami alam patungkol sa mga evil dreamers?
"Saan ka pupunta? Ms. Beautiful?" sabi niya saakin, tila nagsitaasan ang mga balahibo ko sa katawan nang marinig ko ang boses niya.
Makapal ito at nakakatakot.
Naglakad siya palapit nang palapit saakin dahilan para mapaatras ako. Wala man lang akong dalang armas para panlaban sa kaniya.
Hindi rin ako makapagimagine ng weapon dahil hindi rin uubra sa Crescent World ang lahat ng armas na iisipin ko. Tatagos lang ito sa kaniya at hindi ito tatalab dahil may mga real weapon talaga na nandito sa Crescent World at 'yon ang tanging way para malabanan ko siya.
Kaso wala, Mr. Peligro did not give us. He didn't expect also na may mangyayaring ganito sa'min.
Nasan kaya sila?
"H-huwag kang lalapit," nanginginig kong saad sa kaniya habang umaatras. Tumingin ako sa paligid, kailangan ko makatakbo, kailangan ko makatakas sa kaniya or else I am going to die.
No way.
Tumawa siya ng bahagya, "Paano kung lumapit ako? Anong gagawin mo?"
Habang tumatagal, mas lalong bumilis yung t***k ng puso ko na animo'y parang gusto na nitong lumabas. Sa bawat pag-atras ko ay siya namang paglakad niya papalapit sa'kin.
What way should I do? Damn, I am in trouble.
Halos mapamura ako sa isip nang wala na akong aatrasan pa, nakasandal na ako ngayon sa isang pader. Para akong binuhusan ng malamig na tubig at naestatwa na lang ako sa aking kinatatayuan at nanlalaki ang aking matang nakatingin sa kaniya.
Ano nang gagawin ko? Patay ako nito.
"Please, don't"
May inilabas siya mula sa bulsa, halos manghina ako nang makita ko ang hawak niya ngayon, it's a knife. Pinaglalaruan niya ito sa kaniyang mga kamay habang nakatingin saakin.
"Wanna die already?" tumatawa-tawa siya, isinandal niya ang kaniyang kamay sa pader, sobrang lapit na ng mga mukha namin sa isa't isa dahilan para mapaiwas ako ng tingin sa kaniya.
Itinapat niya yung kutsilyong hawak niya sa aking leeg, napapalunok ako ng laway ng maramdaman ko ang tusok nito. Wala siyang awa, parang normal na lang sa kaniya ang pumatay ng tao.
Anytime pwede niya itong idiin sa aking leeg.
Teka, anong gagawin ko? Kailangan ko makaisip ng paraan para makatakas sa evil dreamer na 'to.
Katapusan ko na ba?
Napapikit ako ng mata.
Kailangan ko maging matapang, I should defend myself kung gusto ko pa mabuhay.
Nanatili kami sa ganoong sitwasyon, I took a deep breath at nilakasan ko ang loob ko, itinulak ko siya ng buong pwersa ko. "I SAID DON'T EVER DARE COME NEAR ME!" I shouted, tinignan ko siya ng matalim.
Napakuyom ang mga kamao ko, kung patuloy lang kami matatakot sa kanila mas lalo silang magkakaroon ng lakas ng loob para biktimahin ang bawat isa sa amin.
He laughed at me like a devil, "'Yan, yan ang gusto ko matapang HAHAHAHA" he said na parang nang-aasar pa at napapahawak sa tiyan.
"Pwede ba? Stop joking around, hindi ka nakakatawa" matapang na sabi ko sa kaniya pero deep inside nangangatog na lahat ng kalamnan ko.
I have to be brave.
Nagbago ang timpla niya dahil sa sinabi ko, kung kanina tumatawa siya ngayon ay nakatingin siya saakin at nanlilisik ang kulay itim niyang mata, he is like a monster that wants to do an evil thing right now.
Umihip ng malamig na hangin. Nang dumampi ito sa aking katawan, tumayo ang lahat ng balahibo ko. I see his eyes, it is full of anger and evil.
"Matapang ka talaga, huh?"
Sa isang iglap, hindi ko namalayan na nakalapit na muli siya saakin, isinandal niya muli ako sa pader.
I heard again his devil laugh like he's enjoying doing this, "DIE NOW!"
Napapitlag ako dahil mabilis niya akong sinakal ng sobrang higpit. Ramdam ko ang gigil niya.
He's too strong.
Buong pwersa akong magpumiglas at tanggalin ang mga kamay niya sa pagkakasakal pero wala akong magawa, masiyado siyang malakas.
"B-bitaw-an m-o a---ko"
"Ano? Nasaan ang tapang mo?" pagmamayabang niya na tila pinapamukha niya sa'kin na wala akong laban sa mga katulad niya.
Aaack, anong gagawin ko?
Maya maya nararamdaman ko na umaangat na yung paa ko, he is too freakin' strong. Sumisikip ang paghinga ko at umiinit bigla ang paligid.
Could somebody help me?
"WAHAHAHAHAHA!" tumawa siya ng malakas na parang demonyo nang maiangat niya ako habang sakal-sakal.
Unti-unti, I feel so weak. Nagiging tatlo na ang paningin ko sa paligid, nanlalabo na ang panigin ko. Yung bawat pagtawa niya ay tila umeecho sa tenga ko.
Am I going to die?
I'm not ready yet.
Ang dami ko pang gustong gawin sa buhay. May kailangan pa akong gawin---
"BITAWAN MO SI LILY!" sigaw ng isang babae, pagkatingin ko ay si Kiara.
Pinalo niya yung evil dreamer ng bato sa likod dahilan para mabitawan niya ako.
Napaupo ako sa lapag, hinabol ko ang hininga ako, napaubo-ubo ako at mabilis ang paghinga. My heart is skipping a beat, I feel so weak. Para akong nawalan ng enerhiya at nawalan ng boses.
Kala ko katapusan ko na.
Napalingon ako sa kanila, napahawak sa ulo yung lalaking evil dreamer at dumudugo ito dahil sa malakas na pagpalo sa kaniya ni Kiara ng bato pero parang wala lang sa kaniya 'yon, paulit-ulit siyang nagmumura, tinignan niya ng masama sI Kiara.
"You freaking bullshit!" mabilis siyang nakapunta sa direksyon nito at nasugatan niya sa braso ito gamit ang knife na hawak-hawak niya pagkatapos ay malakas na tinadyakan dahilan para tumulpat ito sa malayo at magpagulong-gulong sa lupa.
Nanlaki ang mga mata ko, bakit napakalakas niya?
"KIARA!" sigaw ni Carson, pupuntahan dapat niya ito pero sinugod na rin siya ng evil dreamer.
"HOW DARE YOU HURT HER?" gigil na gigil na sabi ni Carson.
"SHE GOT WHAT HE DESERVES,"
They are fighting right now, bawat suntok na ibinibigay ni Carson sa kaniya ay nadedepensahan lang niya hanggang sa sipain din siya nito at tumama siya sa isang pader.
"AHHH!" daing nito.
Sinubukan kong tumayo pero nanghihina talaga ako, parang biglang lumambot ang mga tuhod ko.
Kailangan ko silang tulungan.
Lumapit siya sa direksyon ni Carson na ngayon ay iniinda ang sakit dulot ng pagkatama sa pader, hindi pa siya nakakatayo pero kinuwelyuhan niya si Carson at pinagsasapak.
Parang bato niyang hinagis si Carson muli sa pader.
Nakaramdam ako ng panggigigil. Wala man lang akong magawa.
I need to help them, what am I so useless?
"YOU CAN'T DEF-----AHHHH!" sigaw nito nang may isang pana ang tumama sa braso ng lalaki na hindi ko mawari saan nanggaling.
Napaluhod siya habang hawak-hawak ang braso niyang tinamaan ng pana.
"AHHHH!" napapasigaw siya sa sakit, dali-daling dumaloy ang dugo nito sa braso.
Maya-maya napatingin ako sa isang lalaking mabilis na tumatakbo, sandali ko pa itong tinitigan bago ko makilala.
Si Mr. Aguiluz.
Nasa likod niya ay may isang bow and arrow. Siya ang nagpana doon sa lalaki.
Napatingin siya sa direksyon ko pero agad siyang tumakbo papunta sa direksyon ng evil dreamers na namimilipit sa sakit.
Hindi na siya nagdalawang isip, tinanggal niya ang black hood na suot-suot ng evil dreamer dahilan para makita namin ang mukha niya.
Napaawang ang bibig ko nang makita siya, is s-she a girl? I thought he is a boy because of his voice.
Tinignan niya ng masama si Mr. Aguiluz, nanlikisik ang mga mata niya na tila lumuwa na ito "STAY AWAY FROM ME!" sigaw niya at malakas na itinulak si Mr. Aguiluz at tumakbo ng mabilis palayo.
Hahabulin pa sana ni Mr. Aguiluz ito pero hindi na niya ito naabutan sa sobrang bilis nitong nakaalis na parang bula. Napansin kong napasuntok siya sa hangin.
Pumunta siya sa direksyon ko, "Ayos ka lang?"tanong nito at inalalayan niya akong tumayo. I am feeling so weak yet. Inakbay niya yung kaliwa kong braso sa balikat niya.
"S-salamat, Mr. Aguiluz,"
"Where is Mr. Peligro, bakit hindi mo siya kasama?" tanong niya.
"N-na----"
"LILY!"
Napatingin kami sa direksyon nang may tumawag saakin, tumatakbo sila Michelle papalapit saakin.
Nang makarating siya sa pwesto ko ay niyakap niya ako ng mahigpit, "Ano? Kumusta? Okay ka lang? Nasaktan ka ba?" nag-aalalang tanong nito.
"Ok lang ako," I said sa mahinang boses, maya-maya naaalala ko, "Please help Carson and Kiara. Mga sugatan sila," sabi ko sabay turo doon sa dalawa.
Vin and Ian, and Mr. Peligro did not hesitate to go their direction. Inalalayan nila itong tumayo.
Pinaupo nila sila malapit sa'min, iniinda nila yung mga sugat na natamo nila. Si Kiara ay nagkaroon ng sugat sa braso dahil napuruhan ito ng evil dreamer kanina, si Carson naman ay sa mukha dahil pinagsasapak siya nito.
Ian held my neck, kita ko ang pag-aalala sa mata niya, "Did the evil dreamer choke you. Pulang-pula ang leeg mo,"
Bahagya akong tumango, "Yes, thanks to them," sabi ko sabay turo sa dalawa, "They saved my life, akala ko katapusan ko na kanina," sabi ko.
Naramdaman ko ang bigat ng atmosphere, "Mr. Peligro, what happened? It's your responsibility to save them," seryosong saad ni Mr. Aguiluz sa kaniya.
Napayuko naman ito na tila hiyang-hiya sa sarili, "I am sorry, it's my fault. I should have take care of them," sabi niya.
Bigla naman akong naawa sa itsura ngayon ni Mr. Peligro, "Ah Mr. Aguiluz, it's not his fault. It's our responsibility to take care ourselves," I said.
Mr. Aguiluz just give us a deep sigh, he looked stress, "Okay, I think it's better na makabalik na kayo sa reality. Kailangan na agad magamot ni Kiara at Carson, and you... Lily," sabi niya sa'min.
We just nod at them at nagsimula ng maglakad pero napagtanto ko na hindi ko pa nakikita si Nef, "Teka, where's Nef? Nakita niyo na ba siya?" nag-aalalang tanong ko.
Natigil kami sa paglalakad, napasapok sila sa ulo lahat. "Oo nga pala, si Nef. We haven't seen him yet," sabi ni Ian.
Bigla akong kinabahan, "Mr. Aguiluz, we need to find him, he needs to be save,"