Lily's Pov
"Sana magising na siya," malungkot na pagkakasabi ni Michelle.
Kasalukuyan kaming nasa hospital ngayon at binabantayan si Nef. Since hindi naman makakapasok sila Mr. Van at Mr. Peligro dahil aligaga sila sa pagligtas sa mga nabiktima ng evil dreamers, napagpasyahan naming pumunta dito at kumustahin kung ano ang kalagayan ni Nef ngayon.
It's been two days simula nang mangyari ang pangyayaring hindi namin inaasahan. Hanggang ngayon hindi pa rin nahahanap si Nef dahilan para mag-aalala kami ng sobra sa kaniya. Nagkaroon na siya ng black eye at pumutok din ang kaniyang labi na patuloy na ginagamot ng mga nurses at doctors dito.
Samantalang si Carson at Kiara ay patuloy na rin nagpapagaling dahil sa mga sugat na natamo nila at ngayon ay pwede na silang madischarge sa hospital. Laking pasasalamat ko na talaga sa dalawang 'to, kung hindi sila dumating para iligtas ako tiyak na hindi na ako makakabalik sa realidad, niligtas nila ako sa binggit ng kamatayan.
After what happened in the Crescent World, hindi na ako mapakali at paulit-ulit na pumapasok sa utak ko yung mga nangyari. Nagbigay siya sa'kin ng matinding takot at trauma ito, minsan kapag may humahawak sa'kin katulad ni Michelle inaalis ko agad dahil ang palaging naiisip ko that's evil dreamer.
Kada naalala ko, sumisikip yung paghinga ko at para akong sinasakal. Klaro pa rin sa'kin kung gaano sila kalakas katulad ng isang sipa lang niya kay Carson no'n ay tumulpat ito sa pader. The way she managed to s***k me at iangat niya ako at isa pa hindi ko rin magets na may kakayahan silang magteleport, they say that they are strong but didn't say that they have an ability to do something impossible.
or maging sila hindi rin aware dito?
"Hays,"
Nagising ako mula sa pagkatulala nang mapansin ko ang pagbuntong hiniga ni Ian habang nakaupo at latang lata, "Gusto ko na matapos ang lahat ng 'to. Ang pangit sa pakiramdam,"
"Truth, pero malabong mangyari 'yan sa ngayon. The situation is getting heavy and heavy each day, it sucks." sabi muli ni Michelle.
"Ilan na raw ba ang mga nabiktima?" tanong naman ni Lou.
"Nakausap ko si Mr. Peligro kanina, nasa thirty na raw ngayon, nakakaalarma," si Vin.
I took a deep sigh, ang bigat talaga sa pakiramdam. Para akong nanlumo sa dami na ng kaso, hindi dapat mapanatili ang ganitong sitwasyon, kailangan namin gumawa ng mabisang paraan.
"Woah!" napalingon kami kay Ian nang nanlalaki ang mga mata niyang tinuro yung kamay ni Nef.
Biglang bumilis yung t***k ng puso ko, "Bakit? Anong nangyari?" tanong ko.
Lahat kami ay napatayo sa aming kinakaupuan at tinignan yung kamay ni Nef para malaman kung anong nangyari, "Gumalaw yung daliri niya," sabi ni Ian.
Maya-maya hindi ko maiwasang mabigla nang dumilat na ang kaniyang mga mata, "He's awake! Nurse, he's awake," isang malakas na sigaw ni Michelle.
Mabilis namang dumating ang isang nurse at kaagad na chineck si Nef, tumabi muna kami saglit sa isang gilid habang chinecheck niya ito, I am happy that he's awake already.
Napalingon siya sa direksyon namin, "Guys..." bahagya siyang ngumiti pero nanghihina pa rin siya, "I am glad, you're safe," sabi nito sa'min at napapikit siya dahil siguro sa mga sugat niyang sariwa pa rin hanggang ngayon.
Babangon sana niya ngunit pinigilan ito ng nurse, "Don't, you have to rest first," mahigpit na pagpapaalala nito kay Nef.
Nef has no choice but to listen to the Nurse, after siyang icheck ay iniwan muna siya ng Nurse at muli kaming naupo sa kinauupuan namin kanina.
"You're awake," sabi ko sa kaniya, ngumiti naman siya sa'min.
"Ako pa ba? Malakas 'to no," bahagya siyang natawa maging kami rin.
Bilib ako dito kay Nef, sa kabila ng nangyari sa kaniya he is managed to smile. Kung ako 'yon, baka 'di ko kayanin.
"Finally, the joker boy is back," pagbibiro ni Michelle.
Papaluin sana siya si Nef sa braso kaso hinawi ko agad yung bakal niyang kamay.
"Bugbog na nga yung tao, papaluin mo pa," sabi ko naman, nagpeace naman siya kay Nef.
"Anyway, can I ask you kung paano ka naligtas? Sino ang nagligtas sayo?" pagbabago ni Vin sa topic.
"Mr. Jackson found me inside the huge building, I managed to escape. I did my best because I want to be alive,"
"Anong ginawa sayo ng mga evil dreamers? Did you see its face?" tanong muli ni Vin na tila curious na curious.
Nef was about to answer the question of Vin pero may biglang nagsalita sa gilid malapit sa pinto dahilan para magulat kami, pagtingin namin it's Mr. Peligro, "I think it is not the time to ask him about what happened, he needs to rest first and feel relax. He is still in process of recovery,"
Lumapit siya sa nakahigang si Nef at kinamusta ang pakiramdam nito, tinignan niya rin yung sugat na natamo nito at maya-maya ay kami namang lima ang hinarap niya.
"Kayong lima, nagpunta ako dito para iinform kayo na magkakaroon tayo ng meeting after lunch. Pumunta kayo ng mas maaga dahil sa sitwasyon natin ay palagi tayong naghahabol ng oras, maliwanag?" walang emosyon na saad nito.
"Yes, sir."
****
DAHIL hindi pa okay si Nef ay hindi siya makakaattend ngayon sa meeting, sa ngayon ang kailangan niya munang gawin ay magpagaling at mabawi yung lakas niya at iinform na lang namin siya sa mga mapag-uusapan sa araw na ito.
Nauna kaming nakarating sa mga teachers at ang hinihintay na lang namin ngayon ay si Mr. Aguiluz na nakakapagtaka dahil siya lagi ang nauuna sa'min.
"How was your feeling, Lily?" napatingin ako sa likuran at pagtingin ko nandoon yung dalawa na si Carson at Laura.
"I am fine, kayo dapat ang tinatanong ko d'yan dahil mas worst ang nangyari sa inyo,"
"Maayos na, wala na akong sakit na nararamdaman. Pagaling na yung sugat ko," sabi naman ni Kiara.
"Yep, me too,"
"Salamat talaga sa inyo, I'll be forever grateful," I said sincerely.
Natawa naman ng bahagya si Carson at binigyan naman ako ng isang maganda ngiti ni Kiara, "Ano ka ba, what we did is the right thing to do. Our responsibility is not just to save other people but also to save our co-dream wanderers," sabi ni Kiara sa'kin.
"She's right at kapag nakakita ka rin ng isang tao na nasa panganib, don't hesitate to save them. Isang simpleng tulong mo ay pwedeng makapagligtas sa isang tao," sabi naman ni Carson.
Parang naantig yung puso ko sa narinig ko at mas lalo akong ginanahan sa pagiging isang dream wanderers ko, those words I will take it as my inspiration.
Maya-maya ay dumating na si Mr. Aguiluz, he came in the right time. Nabaling ang atensyon ko sa hawak niyang isang papel na may drawing na mukha na parang nakita ko na somewhere.
Napaayos kami ng upo at tumuon lamang ang atensyon sa harapan at ilang segundo lang ay nagsalita na siya.
"I am glad to inform you that we managed to save three students this day, sana ay mamentain natin ito sa mga susunod pang araw," sabi ni Mr. Aguiluz, tumayo siya sa kaniyang upuan at naglakad patungo sa white board.
"Sa ngayon, may twenty seven victims pa tayong kailangan iligtas. Don't lose hope,"
"Hopefully Mr. Aguiluz, pero ano na po pala ang panibagong plano natin?" tanong ni Mr. Jackson, napangiti ako nang makita siya. He was the one who save Nef, thanks to him.
Nginitian naman siya nito, "That's what we're going to talk about for this meeting," sabi nito.
"but before that, I want to show you something," sabi ni Mr. Aguiluz, kumuha siya ng isang tape mula sa drawer at idinikit sa white board yung isang drawing.
"Sir, whose that face?" tanong ni Mr. Van dito.
Tinignan ko siya ng maigi, she's a girl at parang pamilyar sa'kin yung mukha niya. Parang nakita ko siya somewhere, hindi ko maiwasan mapaisip kung sino ang babaeng ito.
At nanlaki ang mata ko nang mapagtanto ko kung saan ko siya nakita.
She's the girl from the Crescent World.
Tama, siya nga 'yon. Siya yung sumakal sa'kin at nambugbog kila Carson at Kiara.
Naamaze ako sa drawing ni Mr. Aguiluz, kamukhang-kamukha talaga niya yung babae.
"This girl is evil dreamer," seryosong tugon niya sa'min.
Nabigla naman ang lahat sa binitawang salita niya.
"After a lot of years, finally mayroon na rin tayong suspect,"
"Paano niyo po nasabi that she was an evil dreamers, Sir?" tanong naman ni Michelle, parang hindi siya makapaniwala.
"I saw her eye to eye, and Lily saw her too," tugon nito at nabaling naman ang paningin nila sa'king lahat.
"Ah--yes, I saw her. She's the one who attacks me,"
"So siya rin yung umattack sa'min? How did you know her face, sir?" gigil na tanong ni Carson.
"I got the chance to take off her hood, I was shocked for a second because it's the first time. Mahuhuli ko na sana siya kaso tinulak niya ako at nakatakas siya,
"Ang napansin ko sa evil dreamer na 'to, she is something unordinary. We are aware that the evil dreamers are really strong but this girl is stronger than others,"
"Yes, sir. I agree with you. Damn, ang lakas niya, kaya niya akong paliparin sa simpleng pagsipa niya. I didn't expect that thing," pagsang-ayon ni Carson.
"And also, she can teleport and run fastly," sabi ko, "Naalala ko, no'ng time na sinasakal niya ako. Nagawa niyo akong maiangat na walang kahirap hirap," kwento ko sa kanila.
I found myself shaking and my heart is beating faster. Grabe talaga ang epekto nito sa'kin.
"Bakit ho parang gulat na gulat kayo? Hindi po ba kayo nakaranas na makipaglaban sa mga evil dreamers na katulad nila?" curious na tanong ni Ian.
Napailing lang sila, "No anak, not yet. Ang tanging nakakalaban namin ay isang evil dreamer na bihasa talaga sa pakikipaglaban at malakas ngunit yung teleporting, pagtakbo ng mabilis, it's all new..." sabi naman ni Mr. Jackson.
"That's the proof that they are getting stronger but I was wondering why they have something ability like that while us....don't have," sabi ni Mr. Van.
"That's a hard thing to know, yung pag-alam nga lang sa identity ng evil dreamers hindi natin magawa, 'yun pa kaya," inis na sabi ni Mr. Delubyo.
Once again, I rolled my eyes. Minsan na lang siya magsalita ngayon tapos negative pa yung sinasabi niya.
"I do believe if we will going to be united til' the end, we will get to know about that but for now let's focus on our suspect," sabi ni Mr. Aguiluz sabay turo sa babaeng dinrawing niya.
"We knew her face already but we still don't know where she is and her name, her backgrounds in life. Sa mga teachers na nandito, namumukhaan niyo ba yung itsura niya? Did you know her?"
Tinignan naman nila ito ng maigi na halos manliit na ang kanilang mata, maya-maya napailing iling si Ms. Martinez, "I am sorry sir pero wala pa akong nakikitang ganyang mukha, she's not my student."
"Same," sabi ni Mr. Jackson at umiling iling lang din ang ibang mga teacher.
"It means that she's not studying here, ano kaya ang way para makita natin siya?" tanong ni Mr. Aguiluz sa'min at napatingin din sa taas, nag-iisip ng plano.
"We have to know her name, first pero paano?" si Mr. Van.
"Malabo nating mahanap siya kung sa mukha lang ang mayroon tayo unless she's studying here at makikita natin siya dito kaso hindi. Napakalawak ng mundo para isa-isahin natin para mahanap lang siya, " si Ms. Alisah.
"Wala ka pa bang nakitang something sa kaniya? I mean baka may tattoo siya or something or iba pang impormasyon para matunton natin siya," tanong si Mr. Martinez.
"Unfortunately, I only see her face and her hood. Tinignan ko na rin yung hood na 'yon, it's just a plain black hood walang designs,"
Napansin kong napahinga ng malalim yung iba sa'min, mukhang mahihirapan kami matunton kung sino ang babae na 'yan. Walang kaming hawak na matinding impormasyon tungkol sa kaniya.
Maya-maya bigla namang nagtaas ng kamay si Ian, "Out of topic, I think aside from this girl may isa pa tayong magiging suspect,"
Kumunot naman ang noo ko sa sinabi niya, maging yung iba, "What do you mean, Ian?" tanong ni Lou sa kaniya.
"Hm, natatandaan niyo yung nagtour tayo ay may nakita tayong babae na takot na takot at sinabi niya no'ng huli na may nakita daw siyang isang lalaking estudyante na nag-aaral dito na isa daw evil dreamer? I clearly remember that she said that thing," tanong ni Ian.
Agad akong napaisip 'di kalaunan ay naalala ko na yung gusto niya iparating, "Regarding that Ian, pinuntahan ko na siya kaso hindi pa siya nakakausap, nakatulala lang siya minsan at biglang iiyak. She's in traumatic condition right now at sabi ni Ms. Alisah," sabay turo sa kaniya, "na posibleng magiging matagal pa ang recovery niya kaya wala pa tayong makukuhang impormasyon sa kaniya sa ngayon," sabi ni Mr. Peligro.
Nagkaroon ng sandaling katahamikan dahil mukhang wala pa rin kaming mahahanap na sagot. Kahit isang suspect lang sana na magiging way para sa'min na malaman ang tungkol sa mga evil dreamer, okay na okay na sa ngayon.
Kaso mukhang hindi pinagkakait pa ito sa'min ngayon.
"Huwag kayong panghinaan ng loob, mapagtatagumpayan din natin ang lahat. Ang mahalaga ay may suspek na tayo, kailangan na lang natin sila hanapin," pagmomotivate ni Mr. Aguiluz.
"Siguro sa oras na ito, let's now proceed on planning. Kung paano natin mas magiging matibay yung paghandle natin sa sitwasyon natin ngayon, kung may suggestion kayo just raised your hand,"
Lou immediately raised her hand, "I think Mr. Aguiluz, kailangan din natin itrain ang mga lucid dreamer sa pakikipaglaban katulad namin dahil hindi lang naman tayo ang kumakaharap ng masalimuot na pangyayaring 'to. When we train Lucid dreamers, there is a high tendency na maiisave pa nila yung sarili nila sa mga evil dreamers,"
"I thought about that Lou but the problem is, wala tayong time para magtrain sa kanila. Wala ring ideya ang mga Lucid dreamer teachers pagdating sa pakikipaglaban, tayo-tayo lang ang may alam at lagi pa kaming nasa Crescent World, so sino ang magtuturo?" si Mr. Aguiluz.
Napaisip naman si Lou sa tanong niya at tumingin siya dito ng seryoso, "If you give me a chance, I will be the one who train them," sabi nito with determination.
And all of us were shocked even those teachers.