Lily's Pov
Kuno't-noo namin siyang tinignan dahil sa bagay na kanyang sinambit.
"Special and More Special, what do you want to convey Ma'am?" tanong ni Michelle.
"Can you please enlighten us?" sabi naman nang babaeng masungit kanina.
Muli lang kami nginitian ni Ms. Lopez habang nag-aayos ng kaniyang table.
Maya-maya nagawi ang tingin namin mula sa pinto ng Guidance Office nang may nagbukas nito.
"I will be the one who will explain this to you," sabi ng isang lalaking teacher.
Formal ang kaniyang kasuotan, makapal ang lenses ng kaniyang eyeglass, matangkad, hindi naman kaputihan o kaitiman.
Nakatayo lang siya sa tapat ng pintuan habang may hawak-hawak na isang libro. Nakatingin lang siya saamin na walang emosyon, seryoso, blanko lang ang mukha.
"Yes, students. Siya ang magiging teacher niyo sa History, he's Mr. Peligro" pagpapakilala sa kaniya ni Ms. Lopez at binati naman namin siya.
Mga ilang segundo lang ang lumipas ay tumunog na ang bell na ibig sabihin ay simula na ang klase.
"Teka, Ms. Lopez. Hindi nga po pala namin alam yung section namin. Wala yung pangalan namin sa listahan." sabi ko bago ko pa makalimutan, sinang-ayunan naman ito ni Michelle maging yung tatlong lalaki at isang babae.
Ibig sabihin lahat kami na nandito ngayon ay wala pang section?
"Yes, I know at bago ko pa makalimutan. Here's your schedule at kayong anim ang magkakaklase." sabi ni Ms. Lopez pagkatapos ay ibinigay niya saamin ang schedule namin.
Teka, anim lang kami magkakaklase?
"Ano pong section namin?" sabi ko nang mapansin kong walang nakalagay na section sa schedule.
"Malalaman niyo mamaya, ieexplain sa inyo yan ni Mr. Peligro."
"Anyway, I am your first teacher. Please follow me" sabi ni Mr. Peligro at lumabas na ng Academic Head Office.
We didn't hesitate to follow him. Masiyado siyang mabilis maglakad kaya binilisan rin namin ang paglakad, walang umiimik saamin we're just following him wherever he go.
Lumabas kami ng first building at dumiretso papasok sa third building, kung saan ang building for the class of senior students like us.
Marami na ring estudyante na naglalakad at nagmamadali na rin and every students na nakakasalubong namin ay binabati siya pero hindi niya ito pinapansin at diretso lang siya sa harap at paglalakad.
Hanggang sa huminto kami sa isang Room, pinauna niya kaming pumasok. Malawak ang room na ito at may mga glow in the dark na mga decorations like moon, planets, stars na kung sino man ang makakita ay mamangha.
"Take a seat"
Dumiretso siya sa harap habang kami ay naupo na. Anim lang kaming magkakaklase pero ang daming mga bakanteng upuan.
Madali niya namang kinuha yung white board marker at may sinulat sa board.
SPECIAL AND MORE SPECIAL.
"I know how eager you are to know about this but before I explain it to you, I'd like to introduce myself first. I am Donato Peligro but just call me Mr. Peligro. Can I also know your name first?"
Nagkatinginan pa kaming lahat kung sino ang unang magpapakilala pero nagsalita na yung isa.
"Ahh, hi, I am Nicholas Edward Francisco, Nef for short" sabi ng isang lalaki, yung gulo gulo ang buhok kanina.
"I am Michelle Antonio, just call me Michelle"
"Marvin Tolentino, everyone calls me Vin"
"Ian Kyle Jackson, pero Ian na lang guys" he gave us a shy smile.
"Felicity Gonzales. Lily is my nickname"
After a few seconds of silence, we looked at this maamong mukha pero mataray na girl at the back and waiting for her to introduce herself.
She has no choice but to say her name. "Emmylou Sandoval, just call me Lou, bitches" and she rolled her eyes.
Mukhang bad mood itong si---Lou. I didn't expect that she has that kind of attitude. Hindi na lang namin pinansin yung inasta niya.
"Ang sungit talaga niya, sarap bigwasan." bulong saakin ni Michelle na katabi ko ngayon na sinuway ko naman.
"Okay, it's nice meeting you all," at binanggit niya isa-isa ang aming pangalan, "Am I mentioning your name correctly? If you don't mind, can we just call you by your nickname?"
We nod as all we agreed.
"Alright, let's start. Sit properly."
Napaayos kami ng upo, hindi ko maiwasan maexcite at kabahan, sabik na sabik na ako na malaman ang kailangan naming malaman.
He cleared her throat before he started to explain, "Yesterday, you played a dream game and the mechanics is simply you have to find the door and you need to open this. Kung sino ang makahanap ng pinto at nabuksan iyon ay siyang panalo, right?"
Tumango lang kami bilang sagot sa sinabi niya.
"And among the students who played the game, kayong anim lang ang nanalo."
"Now, I want to ask you, bakit sa tingin niyo sa daming estudyante ang sumubok na hanapin at buksan yung pinto, bakit kayong anim lang ang nakagawa nito? Wala man lang kayong narealize? or nanotice man lang? I will let you share your thoughts."
Napaisip ako sa sinabi niya, bakit nga ba? I can't think of a deep answer to that question, the only thing that comes up to my mind is because we're lucky?
What a nonsense reason.
"Hmm, dahil siguro magaling kami?" sabi ni Michelle.
"Because we are destined to win in that game?" hindi siguradong sagot ni---Ian.
May mga point naman sila pero I think Mr. Peligro wants us to think a more deeper reason why we won at wala akong maisip na matinong dahilan.
"Actually sir, hindi ko rin alam kung bakit. I actually not interested in that dream game, pagdating ko sa panaginip ko I was just imagining something. Wala sa isip ko na hanapin yung pinto na 'yon but accidentally,
"I saw this strange purple door na hindi ko naman inimagine at syempre tao lang din ako nacucurious kaya lumapit ako at binuksan ko." kwento ni Nef saamin.
"Hindi ako magaling so baka ang right answer sa tanong mo sir is we are really destined to win and receive this prize" itinaas niya yung crescent moon necklace na tila proud sa pagkapanalo niya.
"Baka naman dahil nababaliw lang tayo, guni-guni lang?" sabi naman ni Vin, napatawa ako ng bahagya sa rason niya.
All this time, that's what I think pero anim na kami ang nakaranas, so I think it's real.
"I do not know the answer also but the only thing I knew is that it's connected to the SPECIAL AND MORE SPECIAL THING" pinagdiinan ko talaga yung huling binanggit ko.
"Tsaka paano niyo nga pala nalaman na nahanap at nabuksan namin yung pinto, Sir? Imposible naman na naglagay kayo ng CCTV sa loob ng panaginip na imposibleng mangyari para malaman kung sino nanalo?" this time, I agree to this masungit girl---kay Lou.
Napatango kami sa sinabi niya. Paano nga nangyari 'yon?
Suddenly, I remembered the scenario where I saw Mr. Aguiluz when I opened the door in the dream game yesterday. Am I the one who saw him there?
"I have a question," I raised my hand dahilan para mapatingin sila lahat saakin.
"Did you see Mr. Aguiluz after you opened the door?" tanong ko.
Bakas sa mga mukha nila ang pagkabigla.
"Nakita mo rin si Mr. Aguiluz? I saw him too" nanlalaking matang sabi ni Nef.
"Hindi si Mr. Aguiluz ang nakita ko, si Ms. Martinez" sabi ni Ian.
"I saw Mr. Van when I opened the door, but what's with it?" sabi ni Vin.
So hindi lang pala si Mr. Peligro at Ms. Martinez, it's Mr. Van also.
How did it happen?
"So Mr. Peligro, can you now answer our questions? Please enlighten us immediately bago pa kami masiraan ng ulo." sabi ni Michelle na napapasabunot sa buhok na para bang naiistress na kakaisip.
Mr. Peligro just simply nods. "Alright, Don't ask anything while I am talking, are we clear?"
He cleared his throat before explaining. "You're not Lucid Dreamers, students. You're better than them. Nang makita niyo ang pinto at mabuksan ito, hindi lang kayo nanalo. Pinatunayan niyo rin na mas higit pa ang kaya niyong gawin sa mundo ng panaginip kaysa sa kanila,
"Walang sinumang Lucid Dreamers ang may kakayahan na mabuksan ang pinto na nabuksan niyo, ang kaya lang nilang gawin ay makontrol ang kanilang panaginip, and that's it. Pero iba kayo, nagawa niyong buksan ito hindi dahil swerte kayo, hindi dahil nababaliw kayo, hindi dahil magaling kayo kundi dahil isa kayong..."
Tinignan niya kami isa-isa bago sabihin ang dalawang salitang nagpamangha saamin.
"Dream Wanderers"
D-dream.. Wanderers? What?
"Your ability is not just to control your dreams but you can travel also into someone's dream and another side of dreams."
Napuno ng katahimikan sa loob ng room, napanganga ako sa sinabi niya.
Napatingin kami sa isa't isa, seryoso ba siya?
"Sandali, a-are you kidding us Mr. Peligro? Hehe" pagbibiro ni Nef.
"Mukha ba akong nagbibiro, Nef?"
"but that's impossible, Sir, we can just make our own dream and it was just all in our mind, so how can we go in someone's dream? or in another side of the dream that you said? that's unbelievable" pailing-iling na sabi ni Vin.
"And where is your evidence to support your statement, Sir? Mahirap paniwalaan ang isang bagay ng walang pruweba." sabi ni Ian, makikita mo sa mukha niya na hindi siya naniniwala.
Napaisip naman si Mr. Peligro sa sinabi niya. Para tuloy kaming nasa isang defense, siya yung researcher tapos kami yung mga panelists.
"Well, you mentioned a while ago that you saw Ms. Martinez when you opened your door, and for the others you saw Mr. Aguiluz and Mr. Van, right? They are one of the dream wanderers. Katulad ninyo nakakalabas sila ng pinto at nakakapagtravel sila sa ibang panaginip, nakakagala sila outside their own dream and that was the reason also why we knew the winners."
"Ohmygosh, so totoo nga?" sabi ni Michelle, napahawak pa siya sa bibig.
That's freaking insane, hindi kinakaya ng utak ko ang mga nalalaman ko. Hindi ko maimagine na pumunta sa ibang panaginip, that's so impossible.
So that's the reason why we saw them when we opened the door, it's because they are what they so-called Dream Wanderers.
"Do you have any questions?"
"Me," mabilis na saad ni Lou.
"How can you explain about other side of dreams? What do you mean by that? Bukod sa sarili naming panaginip, may iba pang side ang panaginip? What's with that? It's not fully clear." mukhang pati siya ay nalabuan sa tanong niya.
"That's a good question, just a second." seems Mr. Peligro got her question.
May iginuhit siya sa white board. He's drawing about something.
Hindi ko mawari kung ano ito.
Mga kabahayan? Apartment? School?
"Sorry for my bad drawing. Iimagine niyo na lang na apartment ito, malawak na apartment na madaming rooms." he said.
"What's with that apartment sir, ano kinalaman niyan sa other side of dreams?" muling tanong ni Lou.
"May tatlong uri ng tao pagdating sa mundo ng panaginip. First, ang mga taong nananaginip pero 'di nila nakokontrol ito, sila yung mga normal na tao lang.
"Second, the Lucid Dreamers kung saan alam naman natin na may kakayahan manipulahin ang kanilang panaginip and Last, the Dream Wanders which is naexplain ko na kanina at alam niyo na isa kayo." pagpapaliwanag niya.
"Each and everyone of us, para tayong nasa isang apartment at ang bawat isa sa atin ay may sariling room at sa loob ng room na iyon, may kanya-kanya tayong sariling mundo.
"Ang tinutukoy kong other side of dreams is that outside of your own world, outside your own room and we called it as Crescent World, did you get it?"
Napuno ng sandaling katahimikan ang paligid at inintindi yung sinabi niya. Masyadong malabo kumbaga sa math kailangan namin intindihin mabuti.
Base sa pagkakaintindi ko, what he is trying to convey is yung door na pinahanap nila saamin ay yung door ng room namin sa Dream World, sa labas ng door na 'yon ayon yung tinatawag na other side of dreams which is called as Crescent World.
So no'ng nakita ko si Mr. Aguiluz nang buksan ko yung pinto, he is in the Crescent World that time.
"You mean sir, kapag nakalabas kami sa sarili naming room o sa sarili naming panaginip, makikita namin yung other side ng dreams? Ano po itsura no'n? Para ba kaming nasa ibang planeta mga ganon?" tanong ni Michelle.
"It's really hard to explain, it's something fantastic that you wouldn't believe it exist. May pagkakatulad din siya sa mundong ito, you will see there some buildings, some things na meron din sa mundong ito. It's part of the dream world pero yung mga makikita niyo roon ay hindi base sa imahinasyon niyo, hindi niyo rin kontrolado ang mga mangyayari but it's far more beautiful than this world. There are only crescent moon there, and that's the reason also why we called it as Crescent World."
Hindi ko maiwasan na mamangha habang iniimagine yung dinedescribe niya sa'min, it's kind of impossible.
I asked myself, siyam na taon ko ng nacocontrol ang panaginip ko. Bakit ngayon ko lang nalalaman na may nageexist pa lang ganito?
"If that's all true sir, this is fantastic. Hindi ko maiwasan kilabutan pag naiimagine ko parang ang cool magtravel sa side ng dream na yan, sa Crescent World." komento ni Ian.
"but still, it will be fake or not real until we experienced that. Pwede niyo ba kami samahan na mawitness yan?" saad ni Vin.
"Sige nga sir kung totoo yang mga sinasabi mo, ngumiti ka nga. Kahit isang segundo lang" pagbibiro muli ni Nef.
Natawa kami ng bahagya sa sinabi niya, yung seryoso ang usapan pero bigla siyang magbibiro, anong nakain nitong si Nef?
Well, napapansin ko nga na ni isang segundo ay hindi ngumingiti itong Mr. Peligro, bakit ang cold ng awra niya. Pinaglihi ba siya sa yelo?
"Stop that nonsense, Nef. We have something important to talk" seryosong sabi ni sir sa kanya.
"I did expect from the start that you will never believe in my statement easily and some of you found it weird and impossible but everything I said to you, every words that came out in my mouth are all true. I swear"
Napuno muli ng katahimikan ang paligid, parang lahat kami nabigla sa mga nalaman namin na hindi namin ineexpect na nageexist pala.
At may isang katanungan ang nabuo sa aking isipan, isang tanong na hindi pa niya nasasagot. Isang tanong na naging dahilan kung bakit 'di kami nagdalawang isip sa kaniya.
"Sir, what do you mean about Special and More Special? How is it related to us I mean you said, Dream Wanderers?"
"Thanks for reminding me, Lily. In this Crescent High, we treated every lucid dreamers as special because of its ability but little did they know that the school treated someone who is more special than them, and it is those Dream Wanderer like you" he explained.
So mga dream wanderer pala ang tinutukoy na more special? Bakit sa anong paraan? Dahil ba mas better yung ability namin? Dahil makakapagtravel kami sa ibang panaginip?
Diba parang unfair naman 'yon sa mga Lucid dreamers?
"Uunahan ko na kayo students, if you think that it's about treatment like we will treat you like a prince and princess, you're mistaken. It's not about like that, Pare-parehas ang trato namin sa inyong mga students, you are all special and important."
If it's not about like what I thought.. para saan?
"So Mr. Peligro? What made us more special than Lucid Dreamers? What is the reason?" tanong ko.