Chapter 8 - Extremely Curious

2729 Words
Lily's Pov NAPUNO ng katahimikan ang loob ng room, lahat kami ay nakatingin lamang kay Mr. Peligro habang hinihintay ang sagot niya. He looks at his watch, "As much as I want to explain it to you immediately, naubusan tayo ng time. I will discuss it tomorrow. Bye for now, " sabi niya dahilan para mapaface palm ako. Ayan na eh, handa na akong malaman kung anuman ang gusto niyang sabihin kaso naudlot pa. "Pabitin naman si Sir," narinig kong pabulong na sabi ni Nef. Kinuha na niya yung libro na hawak-hawak niya kanina pero bago pa siya tuluyang makaalis sa room ay may sinabi pa siya saamin, "Anyway, alam niyo na ba pangalan ng section niyo? It's More Special Section. Always remember you're more special." **** "Lily, galawin mo ang baso. Magparamdam ka!" Nagulantang ako nang sumigaw itong si Michelle. Para siyang tanga na umaarte na parang tumatawag siya ng isang espiritu. I looked around and other students are looking at us weirdly here in Crescent Bookstore. "Hoy, ano ka ba! Para kang siraulo!" suway ko sa kaniya, tumigil naman siya sa ginagawa niya. "Friend, lutang ka kasi d'yan kanina pa. Ano ba nangyayari sayo? Kanina pa ako daldal nang daldal dito" "Sorry, hindi ko lang makalimutan yung nalaman natin kanina. Hindi pa rin ako makapaniwala." sabi ko sa kaniya habang bitbit itong basket na naglalaman ng pinamili namin. "Even me pero huwag mo muna isipin 'yon, maiistress ka lang. Tignan mo 'to oh, ang ganda." sabay turo niya sa isang ballpen at inihagis niya mula sa basket. Dahil may dalawang oras kami na Vacant napagpasyahan naming gamitin ang oras na 'yon para sa pagbili ng gamit. First day pa lang pero suking-suki na itong Crescent Bookstore sa daming pinapamili nitong si Michelle, palibhasa maraming pera at malaki ang allowance. Kasama rin pala namin yung mga kapwa naming dream wanderer, nakakapanibago pa rin na tawagin ang sarili na isang dream wanderer, I used to call myself as Lucid Dreamer. Nakakatuwa dahil friendly naman sila lalo na si Nef na kinakausap na kami kanina at nakikipagbiruan, maging si Ian din. Si Vin medyo serious din siya pero 'pag kinausap mo okay lang sa kaniya, maliban lang dito kay Lou na nakakahiyang lapitan dahil baka matarayan kami. Paglabas namin ng room hanggang pagpunta dito hindi man lang siya nagsasalita. "Tapos na kayong mamili?" nagulantang ako nang may bigla na lang nagsasalita sa likuran namin. Paglingon ko si Ian, kay laki ng ngiti kung saan makikita mo ang maputi niyang ngipin, "Ako na magbubuhat nitong basket niyo. Dami niyong pinamili huh," sabi niya at inagaw niya saakin yung basket na kaagad kong pinigilan. "Ahh, no, kaya ko na 'to" sabi ko sa kaniya pero nagpupumilit pa rin kaya hinayaan ko na lang. "S-salamat" I said. "Taray, sana all gentleman" natatawang sabi ni Michelle kay Ian. "Hehe, hindi naman," sabi nito bilang tugon sa sinabi ni Michelle. Sa totoo lang, medyo naiilang pa ako sa kanila kasi kanina pa lang kami nagkita at nagkakilala. Hindi rin naman kasi ako sociable na tao hindi katulad nitong si Michelle na mabilis niyang nakakaclose yung mga tao. "Nasaan na nga pala si Nef and Vin, tsaka rin pala si taray gi---I mean si Lou? Ba't parang ang tagal nilang mamili?" tanong ni Michelle. "Hm, nandoon pa yung dalawa namimili ng mura. Ang mahal kasi ng bilihin dito, sakit sa bulsa. Si Lou, hindi ko lang sure kung nasaan." Tumango-tango lang kami sa sinabi niya. Nagdadalawang isip nga rin ako bumili kanina dahil ang mahal pero sa tingin ko okay na rin, wala naman na kaming pinoproblema sa tuition dahil libre na, maging sa renta for room so okay na okay na 'to para saakin. Mga ilang minuto pa kami naghintay sa tatlo bago pumila sa counter area. Pagkatapos namin magbayad at makalabas sa Crescent Bookstore, nagkahiwa-hiwalay na kami dahil may kaniya-kaniya silang pupuntahan, samantalang kaming dalawa ni Michelle ay dumiretso sa Locker Room para ilagay itong pinamili namin. As usual, wala pang ginagawa ngayong first day of school. Aside from Mr. Peligro na nagdiscuss kanina, the rest ay puro introduce yourself lang ang nangyari at kung bakit daw namin tinake ang General Academic Strand. Marami-rami rin ang naglakakad ngayon, ang saya-saya nila habang naglalakad. Yung iba nagugulat ng makita kami tsaka magbubulungan, kanina pa 'yan sila. Ano bang problema saamin? Hindi naman kami nangangagat o may ginawang kasamaan. Is there an issue about us that we don't know? Ngayong araw, hindi talaga ako makapagfocus dahil gulong-gulo yung utak ko. Madalas akong matulala o mag-isip-isip ng kung anu-ano dahil sa mga nalaman namin ngayon kay Mr. Peligro. Alam mo 'yun, first day pa lang pero bakit parang feeling ko sasabog na yung utak ko. Paulit-ulit na nagpeplay sa utak ko yung narinig ko kanina tila ayaw ako patahimikin. I am wondering in something like paano kung dito ko na mahanap ang sagot o dahilan sa pagkawala ni dad? Bakit kami tinuturing na more special? Iniisip ko rin na siguro kaya niya sinuggest na pumasok ako dito hindi lang para may makashare-an ako ng panaginip ko dahil wala na siya, dahil rin siguro para malaman ko kung ano ang dahilan ng nangyari sa kan'ya. Sana talaga. Ayon naman ang isa sa rason kung bakit nag-aral ako dito. "Lily, nasa iyo ba yung susi ko?" tanong ni Michelle saakin, hindi ko namalayan na nandito na kami sa Locker Room, natataranta siya habang hinahalukay ang kaniyang bag. "Ahh oo, binigay mo saakin kanina. Hindi mo na maalala?" tanong ko sabay abot sa kanya ng susi. "Nakalimutan ko, 'kala ko nailagay ko na kung saan-saan." "Ang bata mo pa, makakalimutin ka ng babae ka," sabi ko. Nang mabuksan ko yung locker ko, nilagay ko ang mga extra na gamit na binili ko. Bumili na rin ako nang extra para 'di na ako pabalik-balik dahil ang layo ng Crescent Bookstore mula dito sa Senior High Building. Mayroon kaming walong subjects kaya yung iba itinabi ko na muna. Kinuha ko lang ang walong fillers at tig-iisang color blue, red, black ballpen at tsaka bumalik na kami sa Room. Kinabukasan. Bago pa mag-alarm ay nagising na ako, kahit papano ay narelax yung utak ko dahil sa dagat sa loob ng panaginip ko. Pinangako ko na 'di muna ako mag-iisip ng kung anu-ano, ang goal ko ay makapagrelax at masaya akong nagawa ko iyon. Mabilis na kaming naggayak, medyo napaaga kami. Sabik na sabik na kasi naming malaman yung patungkol sa More Special na 'yan. Seriously, I am extremely curious. Kahit na sobrang aga, maraming estudyante na ang nasa labas. May mga naglalaro sa lapag, habulan at iba pa. Nang makarating kami sa room, medyo nagtaka kami dahil bukas na ang ilaw ibig sabihin ay meron ng tao sa loob. Pagkapasok namin nandoon na rin sila lahat, akala ko kami ang mauuna pero kami pa pala ang nahuli. "Good Morning," masayang bati ni Michelle, they greeted her as well. "Ba't ang aga niyo?" tanong muli nito sa apat, umupo siya kung saan kami nakapwesto kahapon at humarap siya sa mga lalaki at nakipag-usap tungkol sa kung anu-ano samantalang ako ay nakikinig lang din sa pinag-uusapan nila. Napakabilis ng oras, maya-maya ay nagbell na at saktong dumating na rin si Mr. Peligro, as usual hindi man lang siya ngumingiti. Ganoon pa rin blanko ang face, seryoso lang. Napaayos naman kami lahat ng upo, he greeted us and we do the same. "Okay, let's continue our discussion" sabi ni Mr. Peligro nang makaupo na kami. He took the whiteboard marker at muling may isinulat sa board. DANGER. D-danger? What's with that word? Rinig kong napahinga siya ng malalim bago siya muling magsalita, "Honestly, Our life is in DANGER," Walang halong pagdadalawang-isip niyang sinabi ito, diretso at may diin. Nagkatinginan kaming lahat habang nakakunot ang noo. Why? May magsasalita dapat para magtanong pero pinigilan ni Mr. Peligro, "Like what I've said, please remain silent while I am explaining this serious and terrfying situation of us, got it?" Tumango kami at nagpatuloy muli siya sa pagsasalita. "Naidiscuss ko kahapon ang kakayahan ng isang dream wanderer and you are amazed, right? Marami sa mga dream wanderer ay ginagamit ang kakayahan nila para sumaya, ang iba naman para tumingin ng iba't ibang panaginip, "pero sa kasamaang palad, yung iba sa atin ay sinasamantala ang pagkakaroon nila ng kakaibang kakayahan sa iba, ginagamit nila ito para sa kasamaan, para ilagay sa panganib ang bawat isa sa atin." May isinulat siya ulit sa board. EVIL DREAMERS. "Evil dreamers, 'yan ang tawag namin sa mga taong katulad nila dahil masama pa sila sa masama. Mapang-abuso sila, they are the reason why the dream world is very dangerous, they are the reason why our life is in danger. "Alam niyo kung ano ginagawa nila? Pumapatay sila ng tao sa pamamagitan ng mundo ng panaginip. Sa panaginip kung saan hindi ka makukulong at walang batas na magpipigil sayo para gumawa ng masama. "Pumapasok sila sa iba't ibang panaginip at walang awa nilang pinapatay ang iba. Yung iba saatin na nabibiktima nila ay nilalagay nila sa isang lugar para ikulong para pilitin na umanib sa kanila" Nanlalaki ang mga mata ko habang naririnig ang bawat sinasabi niya. Suddenly, parang nanginig lahat ng kalamnan ko, nagsitaasan lahat ng mga balahibo ko sa katawan, the way he explained it to us, may diin na parang punong puno siya ng galit. "Before we found out that there are people like them existing in dream world, peaceful pa ang lahat. You can see how ecstacy each lucid dreamers and dream wanderer, lahat nagtutulungan, everyone is so relax. Pwede rin kasi makalabas ang isang lucid dreamer sa kanilang panaginip kung susunduin sila ng isang dream wanderer pero 'di sila makakalabas on their own. "Lahat ng payapang karanasan noon, nagbago ang lahat, napalitan ng takot at pangamba nang malaman namin na nageexist sila. "It was all started nang may isang dream wanderer ang hindi na nagising mula sa pagkakatulog. Wala siyang nakaaway, hindi rin siya nabugbog or what pero nang makita namin siya sa kwarto niya, wala siyang malay at may mga pasa-pasa siya sa katawan na hindi namin alam kung saan nanggaling. That time, we really wondered why." Mas lalo akong kinilabutan habang patagal nang patagal. I suddenly remember my Dad, this is exactly what happened to him. Hindi na lang siya nagising bigla, ang pinagkaiba lang ay walang nakitang sugat sa kaniyang katawan. He's healthy, walang nahanap sa kaniya kahit ano na magiging sanhi ng pagkawala niya. Naramdaman ko na parang bumibigat yung pakiramdam ko, ang bilis ng t***k ng puso ko. Hindi ko maiwasan maalala si dad, may kinalaman ba dito yung nangyari din sa kaniya? I did my best to calm myself, dahan-dahan akong huminga ng malalim. Relax Lily, relax. "Baka naman po may pumasok sa kwarto niya? Tapos binugbog siya? and then it was all planned?" tanong ni Vin, mukhang hindi pa rin siya naniniwala sa mga sinasabi ni Mr. Peligro. "We thought about that, Vin. May mga ilan kaming naging suspect but they said na hindi sila ang may gawa. Wala ring nakita sa CCTV na pumasok sa kwarto niya maliban sa kaniya. May cctv rin kung saan pwedeng pumasok sa binatana ang biktima ngunit walang nakita. Wala kaming pruweba no'ng mga panahon na 'yon kaya mahirap malaman kung sino ang suspect and we think another way." Tumayo siya mula sa pagkakaupo, inilagay niya sa magkabilang bulsa niya ang magkabilang kamay, naglakad-lakad siya habang nagkukuwento. "After what happened, nacurious kami ni Mr. Aguiluz sa nangyari sa kanya, alam namin na there is something wrong, something weird na nangyayari kaya nagdecide kami na puntahan siya sa sarili niyang mundo, I mean sa panaginip niya baka sakaling makita namin siya doon pero nabigo lang kami, we did not see him there that's why we find him in other side of dream, sa Crescent World. Mga halos five hours ang nagawa naming paghahanap until we saw a blood sa daan. Ayon sa nakita naming dugo, parang kinaladkad ito, sinundan namin kung saan ang hangganan ng dugo na 'yon. Alam niyo kung saan namin siya nakita?" "S-saan po, Sir?" tanong ni Ian maririnig mo sa boses niya na natetense siya sa kinukwento ni Mr. Peligro. "Sa isang house sa other side ng mundo ng panaginip. Huli na ng makapunta kami, nakita namin na may isang black hood na tumatakbo pero hindi na namin nahabol and we saw him there lifeless, nakatali yung mga paa at kamay niya at nakadilat ang mga mata habang may nakasaksak na kutsilyo sa dibdib niya" "OMYGOSH!" sigaw ni Michelle. Napatakip ako ng bibig, is this even real? napapamura na ako ng malulutong sa isip. Habang iniimagine ko ang sinabi niya, hindi ko maiwasan matakot, kilabutan, at manginig. Who the hell did that to him? That's so brutal. Napansin ko na nanginginig si Mr. Peligro, napakuyom siya ng kamao, mas sumeryoso yung mukha niya habang nagkukuwento. Napapatingin siya sa taas tila pinipigilan ang luhang gustong pumatak at kumawala. Kita ko sa mga mukha niya ang gigil na nararamdaman niya ngayon. "Hindi namin alam gagawin namin that time, we even froze for a couple of minutes bago namin siya malapitan. Sinubukan namin gumawa ng way to save him pero wala kaming maisip dahil it's on a Crescent world at kaunti pa lang ang nalalaman namin ni Mr. Aguiluz that time sa mundo ng panaginip dahil mga ilang buwan lang namin nalaman that time na nageexist ito. "We have no choice but to accept that he's gone" lumungkot ang tono ng boses niya, his voice is cracking and shaking pero tinatry pa rin niyang maging kalmado. I do understand him, kung ako yung nakakita ng ga'non in person, baka 'di ko kayanin. I will be feel trauma for sure. "Teka, sir. So this boy that you've pertaining for ay may pasa-pasa for no reason, and then you saw him in the other side of dreams na may sugat din. Does that mean when you get wound there ay madadala mo ito sa reality?" tanong ni Vin na ikinagulat ko. May point siya pero 'di ko naisip ang possibility na 'yon. Does it even possible? "Yes, you're right" sabi ni Mr. Peligro, itiniklop niya yung sleeve niya at ipinakita yung braso niyang may mahabang peklat. "Look at this, I got this wound from the other side of dream. I almost killed by evil dreamer while saving other lucid dreamer hiniwa niya ako sa braso at kailangan pa itong tahiin dahil malala ang sugat. Thanks to Mr. Aguiluz and Mr. Delubyo, they saved me." "but how is this possible? Paano nangyari 'yon? May scientific explanation ba about d'yan?" Lou said, parang naistress na sa mga nalalaman. "We have no idea yet, even me wondering why it all exists. There is no enough explanation about this, it just happened. You will never believe unless you experience this." sabi ni Mr. Peligro saamin. "but the only thing that is clear right now that we are all in danger. Naging aware tayo na hindi lang pala dito sa mundo ang may danger, sa mundo ng panaginip rin na pwede pala tayong mamatay at anytime hindi na magising 'pag napahamak tayo sa panaginip and it's very horryfying to think." I didn't expect this kind of thing, gusto lang naman namin gumawa ng sarili nating mundo diba? Bakit kailangan may mangyaring ganito pa? Kung hindi pa ako pumasok dito sa Crescent High, hindi ko pa malalaman ang lahat ng ito. Hindi ngayon mawala sa isip ko si Dad, parang unti-unti kong napagkokonekta ang lahat. "You have to be thankful because all of you are still alive, you never experience the terryfying moment kahit na hindi kayo aware sa mga nangyayari sa mga katulad natin." "And yeah, here's the answer to your question, the reason why we treated you a more special because you have a big responsibility. Bilang isa kayo sa mga dream wanderers na nakakapagtravel all over the dream world, isa kayo sa pag-asa para malaman at wakasan ang mga ginagawa ng mga evil dreamers kung tawagin namin. "Kailangan na kailangan ang mga katulad ninyo para mapanatili ang kaligtasan ng iba at magagawa natin iyon kung lahat tayo ay magtutulungan," he said with a conviction. "Now, I want to ask you. Are you willing to take this responsibility? Are you willing to sacrifice yourselves for others? Are you willing to take a risk?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD