Lily's Pov
Para akong nabingi sa narinig ko mula kay Mr. Peligro.
Mga ilang segundo pa ang kinailangan ko para tuluyang magsink-in yung mga tinanong niya saamin. Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko.
He's right that it is really a big responsibility kaya mahirap makapagdecide.
"Do we need to answer that question immediately? What if we're not willing?" si Lou, mukhang hindi pa siya kumbinsido sa mga sinasabi ni Mr. Peligro dahil napapailing-iling siya.
"No, I will give you time to decide until tomorrow. Do not worry, hindi namin kayo pipilitin kung hindi kayo willing dahil mas maganda kung gagawa ka ng isang bagay na bukal sa loob mo," seryosong tugon ni Mr. Peligro.
"Pero no offense sir but I don't easily believe--sa mga bagay-bagay unless it has really an evidence, that story just came on your mouth but how about pictures, videos, or any evidences that you might show to us for we able to convince by your statement?" this time, si Vin naman ang muling nagtanong.
He has a point, ang hirap naman talaga paniwalaan yung mga sinabi ni Mr. Peligro. About sa dream wanderer, sa dream world na never maiisip ng isang tao pero kung hindi naman 'yon totoo, magsasayang ba siya ng laway para ipaliwanag ito saamin?
"I truly understand you, Vin dahil yung ibang dream wanderer din na katulad niyo ay hindi naniwala nang iexplain ko ito sa kanila until they witnessed this. Yes, there are some pictures but I need a consent from our Mr. School Director before I can show it to you."
"Other dream wanderer? did you mean there are others aside from us?" tanong ni Michelle, tumango lang si Mr. Peligro bilang tugon.
"Kung gayon, nasaan po sila? Bakit hindi pa po namin nakikita?" si Nef.
"You will meet them soon, they are probably doing something important as of this moment. For now, I want you to focus on yourself and ask if you're willing or not." sabi niya.
Napahinga ako ng malalim, kung willingness lang naman ang tatanungin hindi ko na kailangan mag-isip pa.
Kaso base sa narinig namin kay Mr. Peligro na ang mga dream wanderers ay ang pag-asa para mapuksa ang tinatawag na evil dreamers.
So as a dream wanderer, hindi sapat na may kakayahan ito na makapagtravel all over the world. Kinakailangan din ng lakas at talino sa pakikipaglaban.
Sino ba ako? I am just a simple girl that no one notice, hindi ako active sa sports, sa mga bagay na ginagamitan ng physical. Hindi rin ako pala-exercise at isa pa, wala akong ideya sa fighting. Magaling lang ako maglaro ng mga katulad ng 'King of Fighters' at iba pa pero sa totoong buhay, hindi ko siya maapply.
Palaban akong babae but that doesn't enough.
How can I take my responsibility as a dream wanderer if I am like this? Baka nga isang tulak lang saakin, tumba na ako.
Pero alam niyo kung sino ang iniisip ko ngayon? Si dad, I wonder kung isa ba siyang Lucid dreamer or isang Dream Wanderer na katulad ko? Isa ba siya sa mga nakikipaglaban before sa mga evil dreamers para isave ang iba?
Naiisip ko rin, kilala kaya siya nila Mr. Aguiluz, ni Mr. Peligro? ni Ms. Martinez?
"Kaya naman pala tumitingin saatin yung mga tao kahapon dahil nakapaskil pala dito na nanalo tayo sa dream game," sabi ni Michelle habang nakatingala at tinitignan ang mga mukha at pangalan namin sa announcement board.
Mabilis lang lumipas ang oras, parang kanina kakasimula pa lang ng klase ngayon ay lunch break na. Hindi ko rin talaga namamalayan dahil lumulutang nanaman ang utak ko kakaisip sa mga bagay na gumugulo saakin.
"Same, 'kala ko napopogian sila saakin 'yon pala may pa-announce ng ganto ang school para saatin." natatawang sabi ni Nef na hinahawi-hawi pa ang bagong gupit niyang buhok.
"Kaya nga Nef, 'yun din naiisip ko kahapon. Infairness angas mo dito." pagsakay ni Michelle sa biro niya at itinuro ang litrato ni Nef.
"Well," proud na pagkakasabi ni Nef.
"Ang hangin naman sa area na 'to, ang daming nagkakalat na GGSS. Pre, ramdam mo ba?" pabirong sabi ni Ian at itinapik si Vin sa balikat dahilan para mapapitlag si Vin na nagtataka kung ano ang nangyayari.
"Huh? What? Sorry, I was pre-occupied." sabi ni Vin, nginitian na lang siya ni Ian at sumenyas na wala 'yon.
Akala ko ako lang ang lutang dito, si Vin din pala. Hindi lang ako nag-iisa, iniisip rin kaya niya yung nalaman namin kanina? He seems like very curious.
"For your information pre. It is not that we are GGSS, self-love tawag 'don, alam niyo yun? SELF-LOVE" pagpapaliwanag ni Nef, ang lakas ng mga boses, umiling-uling lang si Ian sa kaniya at napapatawa.
"Tama, self-love. We should learn how to love ourselves" si Michelle at inapiran pa si Nef na nagtatawanan ngayon silang dalawa samantalang si Ian na malaki ang mga ngiti at napapailing.
"Alam niyo guys, gutom lang 'yan." sabi ko.
"Anyway, kakain ba kayo? Kung hindi kayo kakain sabihin niyo na agad, mauuna na ako because I've waste my three minutes standing here." nakakrus na brasong sabi ni Lou, napatigil naman si Nef at Michelle sa pagsasalita.
"Heto na nga boss, huwag na highblood" tugon ni Nef kay Lou, tinignan naman niya ito ng matalim.
"Shut up!" sambit niya kay Nef and she rolled her eyes.
Nauna na siyang maglakad at sumunod na rin kami.
"''Yan yari ka, ininis mo" pang-aasar ni Ian kay Nef. Halos pabulong lang ang pagkakasabi niya pero dahil malapit ako ay narinig ko pa rin.
"Hayaan mo siya" sabi na lang nito.
Habang naglalakad, pansin ko ang mga tingin saamin ng ibang estudyante na para bang isang karangalan na manalo sa Dream Game.
Kung sa bagay, hindi nga naman lahat biniyayaan ng abilidad na makita ang pinto na 'yon at mabuksan dahil tanging isang Dream Wanderer lang ang tanging may kakayahan na makagawa 'non.
And siguro nabanggit na rin ng ibang teachers about sa problemang kinakaharap ngayon ng bawat isa sa amin at naituro na rin ang patungkol sa responsibilidad ng Dream Wanderer.
Medyo naiilang ako, hindi ako sanay ng ganito, feeling ko sa bawat tingin nila saakin hinuhusgahan nila ako. Nasanay ako na nasa isang gilid lang habang nakikinig ng musika at walang pumapansin saakin.
"Lutang ka nanaman r'yan" sambit ni Michelle at sabay pulupot sa braso ko.
"Ano ka ba, bitawan mo nga ako" reklamo ko sa kaniya at inalis yung pagkalupot niya sa braso ko.
"Hala, sungit mo ngayon ah? Don't tell me nahahawa ka na kay Lou?" tanong nito saakin, napatingin naman saamin si Lou dahilan para magulat si Michelle at mapapatakip ng bibig.
"Joke lang 'yon, Lou." sabi niya at nagpeace sign. Hindi naman siya pinansin nito.
"Ba't ba kasi ang tahimik mo r'yan? don't tell me iniisip mo yung nalaman natin kanina?" tanong niya muli saakin, hindi naman siya nagkakamali kaya tumango tango na lang ako.
"Nako Lily, huwag mo muna isipin 'yon maiistress ka lang. Tignan mo oh, mukha ka ng haggard." sabay turo niya sa mukha ko, sinamaan ko siya ng tingin.
"Ewan ko sayo, ang daldal mo" sabi ko at nauna na sa kaniyang maglakad.
Dahil sa lawak ng school, mga sampung minuto pa bago kami nakarating sa isang restaurant dito sa Crescent High. Hindi pa rin namin kabisado ang mga daan kahit na tinour na kami no'ng nakaraan.
Sa limang restaurants dito, may mga iba't ibang pagkain, napagpasyahan naming kumain kung saan ang mga pagkain ay silog at mas mura. Mukhang lahat kami ay nagtitipid.
"Ano order niyo? Ako na magoorder," sabi ni Ian nang makaupo kami, nakapilas na rin siya ng isang papel at nakahanda na rin ng ballpen para maglista.
Ang gentleman talaga nitong si Ian tapos ang friendly pa. Actually, hindi ko sure pero parang familiar yung mukha niya sa'kin.
Parang nakita ko na siya somewhere pero hindi ko mawari kung saan o baka kamukha lang niya.
"Hey, lily?" nagulantang ako nang tawagin ako ni Ian.
"Huh? What?"
Lutang ka nanaman lily, tulala ka nanaman.
Bahagya siyang napatawa, "I said what's your order? Ang lalim ng iniisip mo ah" he gave me a wide smile.
"Ay sorry," sabi ko at madaling kinuha yung menu at kung ano yung makita kong mura ayon na lang ang aking pinili, "Sisigsilog na lang sa akin, salamat" sabi ko.
"No worries"
Napatingin ako sa paligid, may mga iilang estudyante ring kumakain dito.
Hindi pa dumarating yung order namin pero nagwawala na yung mga alaga ko sa t'yan dahil sa mabangong amoy ng mga pagkain.
Habang naghihintay, inilabas ko muna yung cellphone ko. Simula ng pumasok kami dito sa Crescent High, hindi ko na siya nagagamit.
Wala kasing wifi dito at isa sa mga rules ay ipinagbabawal ang pagpost sa social media ng mga bagay, lugar, kahit pagkain man lang dito sa Crescent High dahil wala raw dapat makaalam nito tanging mga Lucid Dreamers lang at Dream Wanderers.
Dahil maaaring matrack ito ng mga evil dreamers at ang bawat isa sa amin ay mapahamak. Ayon pala ang gustong sabihin sa'min before ni Ms. Martinez.
Hindi naman naging mahirap saakin, hindi naman din ako pala social media, usually ginagamit ko lang ang cellphone sa pakikinig ng music at pagbabasa o may kinalaman sa school.
"Vin, anong ginagawa mo? Sipag mo naman pre," tanong ni Nef sa kaniya nang mapansin nitong may isinusulat sa notebook.
Napatigil naman si Vin sa kaniyang ginagawa at tumingin kay Nef, "Ah eto? Wala, nililista ko lang yung mga nalaman nating impormasyon kanina para sure,"
"Huh? Para sure saan?" nagtatakang tanong muli ni Nef.
"Para sigurado akong nagsasabi si Mr. Peligro ng totoo, pwede nga siyang maglabas ng ebidensya pero baka magsabi siya ng bagay na 'di tutugma sa kinuwento niya saatin, kung mangyari man 'yon ibig sabihin nang-iimbento lang siya" pagpapaliwanag nito.
Napakunot yung noo ko sa sinabi niya at weird siyang tinignan. Pansin ko itong si Vin, mahirap siyang makumbinsi hangga't 'di siya satisfied sa explanation ng isang tao, hindi talaga siya madaling maniwala. Siya yung taong malaki ang trust issue.
Kung magiging panel 'to sa research, sigurong gigisahin niya ng sobra-sobra yung mga researchers.
"Do you actually think that Mr. Peligro is lying?" tanong ko sa kaniya at napatigil nanaman siya sa pagsusulat.
Napaisip siya sa tanong ko, "Hmm, not too much but there is doubt, basta hangga't walang ebidensya at hindi nakikita ng dalawang mata ko yung sinasabi niya, hinding-hindi ako maniniwala"
"Vin's right, nagtataka rin ako sa sinasabi niyang evil dreamers. If they are attacking us, why they are so happy?" sabay turo niya sa mga ibang kumakain, "Bakit parang hindi mo naman makikita sa kanila yung takot kung may panganib nga?"
"May point naman kayo 'don, actually miski ako nawiweirduhan sa mga nalalaman ko pero naiisip ko ano ang mapapala niya kung magsisinungaling siya? kung tinatakot lang nila tayo?" tanong ko.
"Sana may maipakita nang ebidensya si Sir para sure na totoo lahat ng 'yon. It's really weird dahil bago lang ito sa ating pandinig, kung iiisipin kasi natin imposible na may nageexist na ganon pero at some point, marami pa talaga tayong 'di nalalaman dito sa mundo." sabi naman ni Nef.
Naudlot yung pag-uusap namin nang dumating na yung pagkain. "Mukhang ang seryoso ng mga pinaguusapan niyo, huh? Share niyo naman sa'kin 'yan." sabi ni Ian habang pinipisil yung kalamansi na hinahalo sa toyo bilang sawsawan.
"Ikaw ba Ian, willing ka na ba itake yung responsibility natin? nakapagdecide ka na?" tanong ni Vin sa kaniya.
Sandali namang natigilan si Ian at napaisip, "Hmm, pag-iisipan ko pa. Mahirap magdecide, tinatantiya ko pa kung kaya ko bang panindigan yung responsibility. Medyo mabigat kasi,"
sabi niya.
"Pero naniniwala ka sa sinasabi ni Mr. Peligro?" tanong muli ni Vin.
"Oo, no'ng una hindi ako naniniwala until I asked my father about this" he said, napatingin kami lahat sa kaniya dahil sa binitawan niyang salita.
"Your father? Sinabi mo sa father mo ang patungkol dito? Diba bawal 'yon?" tanong ni Michelle.
"Of course, bawal sabihin sa ibang hindi nakakaalam. Kung hindi niyo naitatanong, my father is also a dream wanderer," natigilan ako sa pagnguya at gulat na tumingin kay Ian na ngayon ay pangiti-ngiti lang at natatawa sa reaksyon namin.
Ehh?
"For real? that's cool." hindi makapaniwalang saad ni Michelle.
"Yes, nagtatrabaho siya dito sa Crescent High as a teacher sa mga junior high student. His name is Stephen Jackson, soon mamimeet niyo rin siya."
"Look Vin, hindi lang si Mr. Peligro ang may alam means na nagsasabi siya ng totoo," sabi ni Nef sa kaniya.
"So bakit daw 'di niya sinabi sayo agad yung mga bagay na ito?" tanong ko.
"He actually don't want me to be to involve with this baka raw mapahamak ako, hindi niya rin pala alam na isa akong dream wanderer kaya nang malaman niya 'yon, nagulat siya.
"Nakwento pa nga niya, lagi raw niya akong ginagala sa other side ng dream world noong hindi pa nageexist yung mga evil dreamers, kaso pilit ko mang alalahanin, 'di ko na maalala"
"Pre, ang cool no'n. Sana all" naiinggit na sabi ni Nef kay Ian.
"Pero okay lang sa kaniya na itake mo yung responsibility mo?" tanong ni Vin.
"Nag-aalala siya pero si dad naman, he will let me choose whatever I wanted to choose. So it' up to me kung ano ang desisyon ko and he will definitely respect it."
"Nabanggit ba ng dad mo patungkol sa evil dreamers? Kanina may tinatanong si Lou," sabay turo niya kay dito, "and she's really curious kung bakit parang ang payapa ng paligid natin at yung mga estudyante dito ay hindi natatakot kung mayroon ngang danger?" tanong ni Nef.
Napatingin naman sa taas si Ian at tila inaalala yung usapan nila ng Dad niya, "Ah yes, may nabanggit siya." sabi niya saamin, uminom muna siya ng tubig bago magkwento.
"Sabi ni Dad, dalawang taon na simula ng matigil yung pambibiktima ng evil dreamers at hindi nila alam hanggang ngayon kung nasaan na ang mga ito."
"So ibig sabihin safe tayo ngayon? Wala dapat tayong ikabahala?" si Vin.
"Yes, pero hindi raw dapat tayo magpakampante. Malalakas daw ang mga evil dreamers, maaaring nagpapalakas pa sila ngayon kaya we have to be ready"
"Kinikilabutan talaga ako 'pag naririnig ko 'yang evil dreamers na 'yan" sabi ni Michelle.
***
"Okay class, that's it for today. See you on friday." sabi ni Ms. Buenaventura, ang prof namin sa Oral Communication, not a dream wanderer but just a lucid dreamer.
Ngayong araw dapat ay nakapagdecide na kami sa kung willing ba kami or not na itake yung responsibility namin as a Dream Wanderer pero kanina ay hindi nakapasok sa class namin si Mr. Peligro dahil may kailangan daw siyang asikasuhin.
Nagiwan siya ng note sa room at binigyan niya rin kami ng isa pang araw na makapagisip at makapagdecide. Siguro kasi napi-feel niya na hindi pa talaga kami handa na magdesisyon patungkol dito.
Big responsibility kasi ang pinag-uusapan dito, hindi kaya ng isang araw para makapagdecide. Actually, dapat nga binigyan nila kahit isang linggo.
"Guys! Guys! Guys!" natuon yung tingin namin kay Michelle na bumabalik pabalik sa room.
"Oh, napa'no ka?" nagtatakang tanong ni Ian sa kaniya, makikita mo sa mata niya ang pag-aalala habang nakatingin kay Michelle.
"Si Mr. Peligro, nasa labas at mukhang hinihintay yata tayo"
Napahinga kami ng malalim, "Akala ko naman kung ano na, Michelle. Akala ko may evil dreamers na sa labas," sabi ko sa kaniya at akmang papaluin.
Nauna ng lumabas si Nef at sumunod na kaming lahat, natanaw nga namin si Mr. Peligro sa labas at nakasandal sa pader.
"Good day, sir" bati sa kaniya ni Nef, agad naman siya napatingin at umayos ng pagkakatayo.
Ganoon pa rin yung awra niya, blanko pero mukhang pagod na pagod siya at inaantok ngayon.
"Good day" bati niya rin saamin.
"Hinihintay niyo ho ba kami?" tanong ko.
"Yes, I've been waiting for you. May klase pa ba kayo?"
Nagkatingin kaming lahat, sumenyas sila saakin na tignan sa schedule na binigay kung may klase pa, ako ang nagsilbing taga announce saamin.
"Ah sir, wala na. Last subj na po namin yung Oral Communication." sabi ko, mabuti na lang at sa bulsa ng palda ko ito nilagay kundi naghalukay pa ako ng bag.
"Bakit po sir, may kailangan po ba kayong sabihin saamin?" tanong ni Vin.
Tumango sa kaniya si Mr. Peligro, "Yes, I have something to tell you. Diba gusto niyo ng ebidensya? Mr. Aguiluz allow me to show these evidences to you."
Muli kaming nagkatinginan lahat, gulat na gulat.
"So if you don't have something to do, let's go"