"wow, this is amazing! ang ganda pala dito hindi manlang sinabi ni kuya Ryan na meron palang ganito dito!" sabi ko habang namamangha.
Nag lalakad ako ngayon sa gitna ng sapa mababaw lang naman kaya walang problema.
Ang ganda kasi sa gilid ng sapa may mga tanim na makukulay na bulak-lak. Wala ka na ring makikita na mga rock formation, sa bandang bungad lang papasok sa lugar na to. Nag lakad lakad lang ako hanggang sa may nakita akong isang malaking puno sa gilid ng sapa kaya umupu muna ako dahil medyo na papagod na yung mga binti ko sa kakalakad.
ipinatong ko ang aking kamay sa lupa para suportahan ang bigat ko dahil nais kong humiga, pero nung may naramdaman akong parang matigas at maiilt na ewan ay itinaas ko ang kamay ko at nakita ko na may kulay purple yung palad ko kasi duhat pala yun.
"gosh kung sinoswerte ka nga naman sakto at na gugutom nako" sabi ko sabay tayo at nag pulot ng mga duhat na satingin ko ay kababagsak pa lamang at hinugasan ko ito sa sapa bago kainin.
Padilim na kaya napag disisyunan ko nang bumalik baka hinahanap na nila ako, sinundan ko lang yung daan na tinahak ko kanina kaya hindi masyado nakakaligaw.
Pero habang nag lalakad kumakain ako ng duhat. Sa lakagitnaan ng pag lalakad ko may nakita akong lalaki na nag lalakad na may hawak na flash light, nasatingin ko naliligaw o may hinahanap.
Bago pa nya ako makita nag tago na ako sa may bandang gilid na kung saan hindi nya ako makikita. Malay ko bang ibang tao sya kasi hindi sya pamilyar saakin, hindi rin namang kasama namin sya eh hindi ko sya nakita kanina ngayon palang.
Paano kung spirit lang sya tapos saakin sya nag papakita katulad ng mga nasa tv o kaya naman probinsyanong mangangahoy na murderer pala?.
Medyo madilim na rin naman kaya hindi nya rin ako makikita dito noh?. Ipinikit ko ng maigi ang aking mga mata baka kasi pag lumapit sya may pangas pala yung panga nya yung katulad sa mga horror movies.
Natatakot na talaga ako na naiiyak, dapat pala nag pasama na lang ako kay lina eh huhuhu.
"HAAAAAAAA wag kang lalapit wag mo akong hahawakan" may dumapo sa paa ko kaya napatalon at napasigaw ako sa takot at gulat.
Nag sisisigaw ako habang nakapikit nung may naramdaman akong kamay na humawak sa braso ko kaya lalo along natakot at sumigaw.
"relax kahoy lang yung dumapo wag kang matakot" isang malalim pero malumanay na boses ang bumulong sa tainga ko kaya medyo huminahon ako ng kaunti.
Pero nung maalala ko yung ghost at murder sumigaw ulet ako at nakuyom ko ang kamay ko sa sobrang takot.
"wahhh lumayo ka sakin marami pa akong pangarap sa buhay, kung multo ka man o murderer katulad sa mga movies please lang handa akong ibigay yung gusto mo wag mo lang akong sasaktan" Ramdam ko yung luha ko tumutulo sa pisngi ko. Hindi ko binubuksan ang mata ko dahil natatakot ako.
humakbang ako paatras para makatakbo sana pero natapakan ko yung medyo may kalakihang bato kaya nadulas ako. Hinintay ko yung sakit na pwedeng saluhin ng pwet at balakang ko pero naramdaman kong may brasong yumakap sa likod ko.
"relax hindi ako murderer okaya ghost" medyo napalakas ang boses nya kaya medyo nagulat ako ng kaunti pero hindi ko parin binuksan ang mata ko at ramdam ko parin yung luha ko.
Ilang minuto lang kumalma na ako at saka sya nag salita.
"pwede mo nang buksan ang mata mo dahil hindi masamang tao ang kaharap mo" sabi nya at sinunod ko naman. Unti-unti kong iminulat ang aking mga mata at tumambad saakin ang moreno at medyo may itsura na mukha.
Inalalayan nya na ako na ibalanse ang tayo ko at tsaka nya ako binitawan.
Nag lalakad na kami ngayon pabalik para hindi na mag alala ang mga kasamahan namin.
Nasabi nya pala na kanina pa pala nila ako hinahanap kaya nag hiwa hiwalay ang mga lalaking kasamahan namin upang hanapin ako at mag kitakita na lamang daw sa tent pag gumabi na.
"ahm sorry nga pala kanina ah na paranoid lang talaga ako" nakakahiya talaga sakanya.
Nagulat ako ng kinuha nya ang kamay ko at sumalok ng tubig galing sa sapa gamit ang kamay nya upang linisan ang aking kamay na may kulay purple.
"ano yung hawak mo kanina bakit kulay purple yung kamay mo?" takang tanong nya. Ilang minuto bago ako nag salita kasi nahihiya ako kung sasabihin ko ba o hindi.
"ahm duhat, kumakain kasi ako ng duhat pabalik nagugutom na kasi ako eh" sabi ko.
"saan mo naman nakuha ang duhat?"
"doon sa bandang dulo may puno kasi ng duhat doon, napagod ako sa kakalakad kanina kaya nag pahinga muna ako sa puno tapos ayun nadiscover ko na duhat pala yun kaya kumuha na ako" paliwanag ko. Tumango lang sya at binitawan ang mag kabila kong kamay nung matapos na nya ang pag linis doon.
"Cristine nga pala" pag papakilala ko nag dadalawang isip pa nga ako kung ilalahad ko ang kamay ko pero kalaunan nilahad ko parin.
"vilan pero levy na lang" tinanggap nya rin ang nakalahad kong kamay.
"ahm salamat nga pala ha kanina medyo natakot lang ako" tinanguan lang nya ako. Nag patuloy kaming mag lakad hanggang sa makarating kami sa bungad ng walang nag sasalita.
Pa baba na kami sa malaking rock formation na dinaanan ko kanina ng hinawaka nya ulit ang kamay ko. Napatingin ako sakanya ng may pag tataka at napansin nya iyon.
"Baka madulas ka medyo mataas ang batong ito" maikling sagot nya.
Nung nakababa na kami ilang hakbang lang ang ginawa namin upang mapansin kami ng mga nasa baba ng rock formation.
"jusko cris saan kaba nanggaling bruha ka?" umiiyak si lina nang makalapit kami sabay yakap nya ng mahigpit saakin.
"Ang OA mo lina nawala lang saglit eh" pag katapos kong sabihin yun nakita ko si levy na ngumisi malapit lang saamin habang kinakausap sya ni janwaine.
Alam kong narinig nya yung sinabi ko ngayon lang. Kumpara kay lina mas OA pa yung inakto ko kanina, nakakahiya talaga! .
"hoy anong saglit lang eh alas tres ng hapon nung huli kitang nakita at six thirty na ngayon, ano ba cris? at ano yang stain na nasa damit mo?" Napatingin ako sa damit ko, hindi ko to napansin kanina.
"Mamaya ko na I ku-kwento sayo medyo masakit kasi ang paako gusto ko ng mag pahinga muna." ayon na lang ang nasabi ko kasi totoo naman.
Nasa hapag na kami nag lu-lunch. Medyo marami ngayon kumpara kahapon nung nag breakfast kami.
"cris matanong nga kita, ang sabi ni levy natagpuan ka nya sa bandang dulo ng sapa malayo-layo yun, paano ka nakarating doon?" intrimitida talaga tong si ate love wala nga akong planong pag usapan yun eh, maski kay lina kinukulit ako kagabi pero hindi ko parin sinabi eh.
"Oo nga cris sabi mo sasabihin mo saakin hindi naman pala kahit anong pilit ko kagabi!" pag mamaktol ng bruha. ang sarap sipain ng dalawang to.
Tinignan ko sila isa-isa at nahinto kay levy. kinakabahan ako ayoko talagang sabihin!.
"ahm kase naligaw ako eh" pag dadahilan ko pero hindi parin naka takas sa peripheral vision ko ang tagong ngisi ni levy. Nang aasar?.
Pag katapos ng luch nandito kami ngayon sa sala, inusog lang namin ang mga sofa para maka pag circle formation kami. malawak ang sala dito kaya kasya ang walong tao.
"pwedeng mag tanong?, anong meron bakit naka circle formation tayo ngayon, waine?" tanong ni hyuri isa sa mga kasama namin at medyo ka close ko naman sya.
"Hindi kayo informed? kala ko sinabi na sainyo ni love ang mga activities kahapon bago tayo umakyat?, tsk!! mga hindi nakikinig eh!" hindi na lang sabihin nangangaral pa alam naman na medyo may pag ka absent minded tong si hyuri.
"Etong bowl na to, kukuha kayo ng isa dito at ang bawat papel na makukuha nyo ay may mga task" sabi nya with matching irap pa.
"Kailangan gawin nyo yung task na yun at pag hindi nyo nagawa syempre may parusa" Madali lang pa eh.
"yun lang pala eh madali lang" sabi ni denver at ang shokoy tumawa lang.
"okay sinabi mo eh, o sya hala kuha na!" nilagay nya sa gitna ang bowl at kumuha naman kami ng tig isa.
"okay impisahan kay mackie" Isa sa mga kasama namin.
"Yung number na nakuha ko ay 3, kailangan pumunta kayo ni number 1 sa dagat at mag hanap ng 10 different types of sea shells" Ang weird ng mga pinapagawa.
"okay sino si number 1?" tanong ni janwaine. Nagtaas naman ng kamay si ate love at mukhang ayaw pa eh ang dali lang naman nun eh.
"Ang nakuha kong number ay 1, kailangan matukoy nyo kung ano anong shell ang inyong nakuha at i recycle ito bago matapos ang araw na ito" si ate love.
"okay anim na lang ang kulang, sunod" epal talaga tong si janwaine maka utos wagas.
"Ang nakuha kong Numero ay 8, pumunta ka sa isa sa mga farm dito sa Cebu para pag aralan ang mga bagay na makikita dito kasama si number 5" si Hyuri naman ngayon.
"ahm ang nakuha kong number ay 5, kailangan nyong gumawa ng video presentation about sa mga nalaman nyo sa farm" si lina. ano babalik kami sa school??
"wait bakit parang kailangan namin bumalik sa school neto?" tanong ni hyuri.
"basta mag tiwala ka na lang saakin, next" sabi ni janwaine.
"ang nakuha kong numero ay 2, Umakyat sa bundok kasama ang iyong partner at mag palipas ng gabi" WHAT THE f**k?! IS THIS A JOKE?!
"Well good luck sayo cris, walang daya yan ha!" masyadong difensive tong si janwaine.
"Ang nakuha kong numero ay 6, umakyat sa bundok at obserbahan ang kalikasan kasama si number 2." si levy. Gusto ko na lang mag laho, nananadya ba toh??
Punyeta okay na sana si hyuri para saakin kesa dito sa isang to. nakakainis ano ba tong pinapagawa ni janwaine at para saan ba to?.
"well it's my turn. ang nakuha kong numero ay 4, Pumunta sa bukid at mag tanim?" hindi nakakatuwa yung task nila pero natatawa ako sa reaction ni janwaine.
Parang mangangain ng buhay kung makatingin si janwaine sa papel na.
"syempre ang natira na lang na number ay 7, Pag aralan kung ano ang importansya ng agriculture sa bansa kasama si number 4" si Denver.
"well mukhang maganda yung sainyo janwaine, hindi pa nga nag uumpisa mukhang masaya kana" medyo na tatawang saad ni ate love.