PROLOGUE
Papunta kami ngayon ng kapatid ko sa plaza para kumain at kitain si tatay fad.
"Cris, bilis na punta na tayo doon sa bagong bukas na mall malapit sa plaza tsaka saktong sakto kikitain natin si tatay pag ka tapos nun punta na tayo" kinukulit ako ni ate julie na pumunta sa bagong bukas na mall dahil daw ang balita nya may mga jewelry din daw at mga designer bags na binebenta don.
"Ate jul, ano naman ang gagawin mo don ehh hindi kanaman nakakalabas ng brobinsya natin at isa pa marami kana nyan sa closet mo so tama na ang bayong para sayo" napasimangot sya na ikinatawa ko.
"Ang sama ng bibig mo, pero fyi aalis ako sa makalawa may pupuntahan ako sa maynila ang sabi ng kuya allan mo mag kikita kami kaya mainggit ka" nakuha pa mag yabang kala mo naman naiinggit ako.
Sa pag kakaalam ko kasi si kuya allan ay playboy at mahilig mag cutting classes noon at spoiled pa di porket anak ng isang may kayang pamilya dito saamin ang taas na ng tingin sa sarili buti nga lumipat na ng manila. Pero nakakagulat na isang araw sinabi sakin ni ate julie na sila na kala ko nga nag bibiro lang si ate ehh, alam kong may gusto si ate kay kuya allan noon pero si kuya papatulan si ate eh ang arte arte non at masyadong girly yuck.
"Ok lang di naman nakakainggit kung sya yung kikitain mo tsaka bakit mo pa ako isasama sa ka tangahan mo ehh may pera ka at alam mo naman mag byahe??" Isang masakit na batok ang nasalo ko galing sa kanya.
"Ikaw ha sobrang tabil ng dila mo ha alam kong hindi mo gusto si allan para sa aken abby Cristine pero wag mo ako matanga tanga jaan mas matanda ako sayo at higit sa lahat ate mo ako kaya irespeto mo ako, ayoko makarinig ng ganyang mga salita mula sa bibig mo na iintindihan mo ako abby cristine??" Grabe naman magalit si ate sya nga tong nam batok ehh.
"Ako nga dapat magalit ehh nam batok ka tsaka wag ka nga mang batok na di distract ako sayo ehh baka mabangga tayo at mawala pa ang julie ng buhay ni kuya allan " naiinis na ako kaya medyo napa lakas ang boses ko.
Hanggang sa makarating kami ng plaza nag babangayan kami kaya napapatingin saamin ang mga tao.
"Ayan na naman kayo walang araw yata na hindi kayo nag aaway mag kapatid" napa bunting hininga na lang si tatay saamin.
Usually maraming tao ang naaaliw 'daw' saamin dahil madalas kaming mag bangayan sa public kase libre daw ang concert sabi ni mama. Noong una nga lagi kaming napag sasabihan nila tatay at nanay dahil daw ang hilig namin mag bangayan sa public sila daw ang napapahiya pero wala na silang na gawa pa kalaunan, pero noon nahihiya din kami pero ngayon hindi na dahil nasanay na kami at kilala namin ang mga tao sa bayan namin yung iba sa mukha yung iba naman sa pangalan sa liit ba naman ng lugar na to.
"Tatay kasi naman si ate ehh nambabatok habang nag mamaneho ako nag sasabi nga lang ako ng totoo ehh tapos sasabihan nya ako ng wala akong karapatan na sabihin sa kanya yun nasaan ang freedom of speech doon diba??" Nakikita ko nanaman si ate na namumula ang mukha sa galit saakin ngayon.
"Hoy wag mo akong masumbong sumbong kay tatay Ikaw ngatong ang tabil ng dila ehh ang lakas ng loob mong okrayin si allan at ang malala tay sasabihan nya akong tanga, tama ba yung ganong pag uugale?? Ha Cristine??" Namumula na talaga sya sa galit kaya inabutan ko sya ng tubig.
"Anong gagawin ko sa putanginang tubig na Yan ha??" Ooppsss wrong move yata. "Ah ano ate galit na galit kana kasi kalma ka lang muna tsaka tay ohh kanina ko pa naririnig yung salitang yun" ang sarap talagang asarin ni ate.
"Itigil nyo na yan Cristine julie para kayong mga bata walang araw na hindi kayo nag babangayan, at ayus ayusin nyo yang mga bibig nyong dalawa ha makakatikim kayo sakin at Ikaw cristine tigilan mo ang pang aasar sa ate mo pag naasar talaga sayo yan baka sipain ka nyan at Ikaw naman jul dapat dinidisiplina mo yang kapatid mo at tinuturuan mo ng magandang asal at dapat pinapatikim mo rin" ngayon si tatay naman ang nagagalit ngayon kaya tumahimik na lang kami ni ate.
Natapos ang dinner date namin nila tatay at nag paalam na rin kami kay tatay. Pumayag na rin ako dahil tapos na akong mang asar.