"bisitahin ko kaya ngayon sila mama noh??" nakakabaliw talaga ang mag isa wala kang makausap kundi sarili mo lang.
"tawagan ko kaya si ate?? oo tama tama" minsan nga mag bar na lang ako pag wala akong magawa hihi. inihinto ko muna ang sasakyan sa tabi at tinawagan si ate.
"abbyyyyyy Huhuhuhu" nagulat ako sa sigaw ni ate sa kabilang linya.
"ate bakit ka sumisigaw pero teka umiiyak kaba?? teka nasan ka pupuntahan kita" na tahimik sa kabilang linya kaya nag alala na ako ,nilagay ko sa stand ang cellphone ko at papaandarin ko na sana ang sasakyan ng bigla syang nagsalita.
"Cristine my little sister wag ka mag alala sakin magiging ayos lang ako potangina kasi yung allan na yun ehh tangina talaga sya he's a cheap and dumb huhuhu" umiyak lang sya ng umiyak at nag paalam na rin agad at sabi mag kita kami bukas pag ka uwi nya at sasabihin nya ang lahat.
"oh kape pampa nerbyos habang nag ku kwento" pang aasar ko sa kanya pero kahit ganon nalulungkot at nasasaktan din ako dahil nakikita kong nasasaktan ang nag iisa kong kapatid, in short teasing her is my way to show my love to her.
"kita mo ng nasasaktan ako tapos mang aasar kapa alam mo minsan iisipin ko na napalitan ka nung pinanganak ka sa ospital" bumuntung hininga ako at kinuha ang tissue, at adidas at tumabi na sa kanya.
"alam mo ate sabihin mo na lang ang ng yare para mabanatan natin yung gagong allan na yun Ikaw naman kasi masyado kang martyr dapat isipin mo rin sarili mo " tinignan nya ako ng masama at hinampas ako sa braso.
"Hanggang ngayon ba naman ipagtatangol mo parin sya?? gosh you're unbelievable" kung hindi ko lang kapatid to i-uuntog ko na to sa pader.
"ano ba, ang sakit na ng nararamdaman ko ehh sasabay kapa" I just shut my mouth and looked at her.
"alam mo bang ang tanga nya sa part na mag hahanap sya ng iba at ang malala ay friend ko pa, naalala mo ba nung isang araw sabi ko sayo aalis ako pupunta ako ng manila?? may dinaanan ako sa city tower that day kasi tinawagan ako ng kaibigan ko tapos nakita ko sya sa parking lot nun na may ka halikan. Nag dahilan na alang ako sa friend ko na masama pakiramdam ko kaya hindi ako makaka tuloy. tapos umalis na lang ako agad kasi ang sakit nila sa mata. Huhuhu kakausapin ko sana sya pag luwas ko ng manila kahapon about doon sa nakita ko pero nagulat ako ng makita ko sila ni angelina at allan na nag halikan tapos sya pa may ganang sigawan ako at makipag break pota sya huhuhuhuhuhu" habang nag sasalita sya nginangata ko yung adidas, nakakaawa ang taong broken kaya niyakap ko na lang.
"he's a cheater huh??" sabi na nga ba hindi pag kakatiwalaan yan ehh.
"alam mo ate tumayo kana jaan may pupuntahan tayo para malimutan mo na yang allan na yan" pag aya ko sa martyr kong kapatid. "teka saan naman tayo pupunta??" sa lugar na magugustuhan mo.
"sa lugar kung saan gagaan ang pakiramdam mo" habang nasa sasakyan kami ni ate kinukulit ako kung saan ko ba sya dadalhin.
matapos ang mahigit kalahating oras na byahe sa wakas nakarating na rin kami. binaba ko ang salami ng sasakyan ko para kausapin ang guard para papasukin kami.
"ahmm manong nandyan po ba sila nanay??" nakatitig lang sakin si manong guard ng ilang sigundo hanggang sa nakilala na rin nya ako.
"ay ikaw po pala yan ma'am Cristine di ko po kayo na mukhaan pasensya na ay ma'am julie ikaw po pala yan magandang araw po sainyo , nandito po ang inyong mama alam nyo po lagi ako nun tinatanong kung dumaan daw kayo dito" magalang na bati ni manong saamin.
"ahh aganon po ba sige pwede na po ba kami pumasok??" hanggang ngayon madaldal parin si manong.
"ay sige po ma'am" pinapasok na rin kami ni manong at ipinarada ko ang sasakyan ko at inihinto ito sa gilid.
Pag ka labas ko ng sasakyan may lumapit saakin na driver yata nila nanay upang igarahe yata ang sasakyan ko, lumapit na rin saamin si manang ng mamataaan kami.
"hija kamusta na kayo?? ang laki nyo na ahh" niyakap kami ni manang ng mahigpit.
"ok lang naman po kami manang kayo po dito??" Tanong naman ni ate
"ahh ok lang din naman kami dito".
"ahh manang nasaan po sila nanay busy po ba sila si laurence po??" tanong ko kay manang masyado kasing tahimik yung bahay.
"ahh nasa taas saglit lang at aakyatin ko maiwan ko muna kayo ha"
pinapasok kami ni manang at umakyat na si manang at bigla ako hinila ni ate paupo.
"anong ginagawa natin dito ha? nakakahiya kay nanay lalo na kay tito wala tayong pasabi!" nakikita ko nanaman ang paborito nyang facial expression.
"kahapon nung tinawagan kita gusto sana kitang isama dito kaso broken ka kaya pinagpaliban ko na muna" mukha namang naiintindihan nya ang sinabi ko !noh?? kasi di na nya ako pinansin hehe.
"tsaka gusto ko sana ibigay to kay laurence" dagdag ko pa at kinuha ang kulay itim na box mula sa bulsa ng jacket ko
"ano naman yan ha anong okasyon??" sabi na nga ba nalimutan nya.
"advance gift ko sakanya malapit na kasi graduation nya at nag request sya nito" inilabas ko ang box at ipapakita ko sana kaya lang ay narinig ko ang sigaw ni laurence kaya itinago ko muna ang box sa bulsa ng jacket ko.
"Ate cris ate jul sa wakas nandito rin kayo " tumakbo si laurence pababa ng hagdan at niyakap kami.
"chillax ka lang wag masyadong excited, so where's nanay huh??" pag ka tanong ko sakanya nun itinuro nya kung saan naroon sila nanay.
"oh himala at nag pakita kayo saamin mga hija" sabi ni tito niel. natahimik ako at siniko naman ako ni ate.
"ahh tito kasi itong si cris nag aya ehh" alanganing sagot ni ate. Bumaba na ng hagdan sila nanay at tito niel.
" Tara umupo muna tayo habang inaantay ang tanghalian" sabi ni nanay at ang sama na ng tingin saakin ni ate ngayon.
"bakit mo kasi ako dinala dito ha??" bumulong si ate saakin ngunit may diin habang papuntang living room.
"ahh cris jul matagal ko na kayong inaantay bakit ngayon lang kayo dumalaw?" ngumiti ako sa kanila bago nag salita.
"ahh bakit po masama po bang dalawin ang magulang ngayon??" tumawa sila mama at laurence pero si tito ay tumawa lang ng pilit.
"kala ko mang hihingi kayo ng pera eh hoo" parang nabunutan ng tinik si tito base sa mahinang bulong nya ngunit rinig parin namin.
mukha namang hindi narinig ni nanay si tito dahil busy ito sa pag tawag sa mga kasambahay. Nginitian ko na lamang si laurence nung tumingin sya saamin matapos bumulong ni tito, alam kong alam din ni laurence kung paano kami pakitunguhan ng papa nya.