CHAPTER 2

893 Words
"Tara na sa dining area baka nagugutom na kayo sakto tapos na yung pinaluto kong masarap masarap na adobo alam kong favorite mo yun cris" sabi ni nanay na may ngiti sa labi "Tara na ate may I ku-kwento ako sainyo" mukhang natutuwa talaga si laurence na makita kami HAHA. tatayo na sana ako ng hilain ako ni ate pa upo, sinundan nya ng tingin sila nanay paalis bago ako hinarap "anong iniisip mo ha cristine?? sabi mo sa lugar na mapapagaan pakiramdam ko?? tara na ayaw ko dito" minsan ang taas talaga ng ego nito ni ate. "ate hanggang ngayon ba naman ha galit ka pa rin ba sa kanya?? Ikaw nga nag turo saakin noon na huwag magalit kay nanay tapos ngayon ikaw pala tong may lihim na galit sa kanya?? matagal na yun ate kaya please ate kahit ngayon lang" alam kong hindi nya gagawin yun mahirap mag patawad kung matagal mo na itong kinimkim lalo na at mataas ang lipad ng kapatid ko. "kahit ngayon lang para kay laurence" biglang na alarma ang reaksyon ni ate. " anong ibig mong sabihin cris??" may pag ka OA talaga minsan to si ate may kasama pang pag yugyog sa balikat ko. "pag katapos ng graduation ni laurence aalis na sya doon na sya sa abroad mag aaral" napa buntong hininga na lang ako dahil wala talagang ka alam alam si ate sa paligid nya kasi puro yung allan na lang ang iniintindi nya cheater naman. "teka bakit hindi ko alam to ha?? " sunod sunod na tanong nya. "masyado ka kasing nakatutok kay kuya allan ehh tuloy hindi mo na alam kung anong ng yayari, at na mi-miss ko na kasi laurence" tumayo na ako at sumunod sa dining area. Actually kaya hindi kami pumupunta dito ng madalas pag may importanteng okasyon lang katulad ng birthday ni laurence at christmas lang kami nag pupunta dito kasi hindi kami comportable kay tito niel kasi lagi kaming pinag bibintangan at sinasabihan ng masasakit na salita pag nakatalikod si nanay kaya noong 16 years old si ate nag sikap sya para maka bukod kami. Ang hirap makisama sa taong ayaw ka naman kasama. "ahm, nakakatuwa naman na makita na makita kayo ngayon" si mama ang bumasag ng katahimikan. "ahh ano pong ibig nyong sabihin ma??" tanong ko dahil mukhang walang planong mag salita ang kapatid ko haha. "Minsan lang kasi kayo umuwi dito namimiss ko na yung bangyan nyong tatlo dito, pag nandito kayo sa mansion laging maingay yung bahay nakakatuwa" nginitian ko lang si nanay ng pilit dahil nahihiya na ako. natapos ang tanghalian namin ng si laurence lang ang nag dadaldal minsan sumisingit si nanay sa usapan. Pag ka tapos ng lunch unang nag paalam si tito dahil may gagawin pa daw sya at naiwan kami nila ate, nanay, at laurence sa living room. "ahmm ren, may ibibigay ako sayo" nilabas ko ang box sa jacket ko a inabot ko sakanya yun. "luh ate ano to??" takang tanong nya mukhang ayaw pa nyang tanggapin sa una. "wag na mag tanong buksan na lang". "wow ate saang bangka mo ito kinuha ang mahal neto" pinag halong gulat at saya ang reaksyon ng kupal. "hindi ko ba kayang kumita ng pera?? baket ayaw mo?? akin na" kukunin ko na sana kaso nilayo nya agad saakin HAHA gusto naman pala mag tatanong pa. "baket sinabi ko bang ayaw ko?" Nag kwentuhan kami nila nanay at laurence bago kami umalis. Maaga akong umalis ng bahay dahil tinawagan ako ni jade marami daw tao sa coffee shop ngayon, hindi nila kayang tatlo dahil naka maternity leave si jamelle ngayon. "Hi, how may I help you sir?" tanong ko sa isang costumer. Ako ang nag asikaso sa cashier para kumuha ng order. Wala akong natanggap na sagot kaya nag angat ako ng tingin. "sir? can I get your order?" Nakatitig lang sya na kala mo nakita ng multo, Naiimis na ako dahil naka ilang tanong na ako ayaw nya paring magasalita. "Mr. if you don't want to order you can step aside because we have a costumer waiting" isapa masasapok na kita. ilang sigundo pa ipinitik ko sya ng mahina sa balikat nya para magising. "ahhm sorry miss, give me 1 order of ristretto and warm water that's all thank you" mag sasalita ka rin pala ehh pinatagal pa. "huh? tubig at coffee?, ang weird nya" mahinang bulong ko. Nairaos naman namin ang araw na ito ng hindi nagkakaroon ng problema kahit papaano. Medyo ginabi na ako ng uwi dahil nag linis pa kami sa coffee shop. "bakit ang aga mo namang umalis kanina? tinatawagan kita kanina hindi kanaman sumasagot" napatalon ako sa gulat dahil bigla-bigla sumusulpot. " ano bayan ate nakakagulat ka naman ehh" "to naman nag tatanong lang eh, San galing? may date?" mapang husga talaga tong isang to. "hindi ah, tinawagan ako ni jade kanina ang dami daw costumer sa coffee shop hindi nila kaya ng sila lang naka leave kasi si jamelle ngayon" sana naman tumigil na to kakatanong nakakainis eh. kumain lang kami ni ate at nag paalam na ako, gusto kong matulog ng maaga ngayon kasi ang sakit ng mga binti ko kakatayo kanina. Naalimpungatan ako kaya bumangon ako at tinignan kung anong oras na and it's already 03:11 am. lumabas ako ng kwarto at pumunta Ng kusina para uminom ng tubig.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD