Hindi na ako makatulog ulit kaya nag pahinga muna ako bago pumunta ng kwarto para ayusin ang higaan ko at maligo.
Nang matapos pumunta na ako sa kitchen para mag luto ng agahan, habang inaantay ko maluto ang manok nagbasa muna ako ng The Da Vinci code by Dan brown.
"oh bakit ang aga mo naman gumising 5 palang oh?" tanong ni ate habang humihikab pa.
"naalimpungatan kasi ako kanina tapos hindi na ako makatulog kaya nag luto na lang ako ng agahan natin" ang panget pala ni ate pag bagong gising lang.
habang kumain nag ku kwentuhan kami ni ate.
"ate alam mo ba kahapon ang weird ng lalaking costumer namin sa coffee shop nag order sya ng ristretto tapos warm water, anong klasing combination yun"
"tanga ganon yun para hindi masira ang ngipin mo" maka tanga naman to.
"anong plano mo ngayong araw cris?"
"Wala pa, maya tignan ko puntahan ko muna yung coffee shop baka kasi maraming costumer" sabi ko.
"sige text mo ako pag wala kang gagawin ngayon" tumango ako sakanya bilang sagot.
papunta na ako ng coffee shop ng tumawag si ate Julie.
"bakit na naman mag kasama pa lang tayo kanina ah?, miss mo na ako agad?"
"tanga may itatanong lang ako sayo. nasaan ka ngayon?" medyo kabadong tanong nya saakin.
"bakit parang kabado ka? natatae kaba ate?"
"sabihin mo na lang, nasaan ka ngayon?" medyo naiinis na sya.
"papunta sa coffee shop, bakit?" mabigat ang kanyang pag hinga parang kinakabahan na ewan.
"hoy ate anong nangyayare sayo? nasaan ka? okay ka lang ba?" medyo natataranta na ako ngayon.
"okay lang ako nasaan kaba kasi?" medyo naguguluhan ako sa sinasabi nya.
"papunta nga ako sa coffee shop ngayon titignan ko kung may kailangan sila doon para makatulong ako. may kailangan kaba ate? puntahan kita ngayon nasaan ka?" sunod- sunod kong tanong.
"nandito ako sa restaurant dito sa madalas nating kainan nila tatay, cris hindi ko alam na dadatnan ako ngayon may mga ka meeting ako ngayon hindi ko alam gagawin ko wala akong dalang pads" medyo naiiyak na sya ngayon base sa tono ng boses nya. medyo nabunutan ako ng tinik kala ko kung ano na ang nangyari sakanya.
"okay relax kalang may extra pads ako dito at malapit lang yung location ko jaan punta na ako tawagan kita pag nanjaan na ako"
habang nasa daan tumawag ako sa coffee shop kung kailangan nila ng tulong ko pero okay lang naman daw kaya dumeretso na ako sa restaurant kung nasaan si ate. Ilang minuto lang nakarating na rin ako.
"buti hindi ka natagusan ate?"
"buti nga hindi naka punta agad ako ng cr, salamat cris ha nakakahiya talaga" medyo nabuhayan sya ng loob ngayon haha.
"okay lang yun mas nakakahiya sa mga ka meeting mo, sige na una na ako tawag ka lang pag gusto mo"
paalis na sana ako ng tinawag kami ng mga ka meeting ni ate.
"oh I thought you already left Julie hahaha and who's this gorgeous lady?" tong kano na maka bola eh.
"Fred this is my sister christen, christen this is Fred, jade, monique and julio they're my colleague" pinakilala ako ni ate sa mga mukhang rich kid na to.
"hi nice meeting you all" I greeted them with a smile.
"well do you have anything to do if you want you can accompany us?" I can sense that he has agenda.
tumingin ako kay ate dahil hindi ko alam ang isasagot ko sa kanya.
"if you don't have we can accompany them, it's alright though they're annoying sometimes" mahina ang pag kakasabi ni ate, dahil sa sinabi ni ate napatawa ako nawala ang kaba haha.
"well i'm free" I said while smiling.I genuinely smile to anyone if they're genuinely accompany me.
umupo na kami at nag order sila ng para saakin. nakakatuwa sila ang gaaan ng aura nila.
"well christen what do you do for a living?" monique asked me. sa lahat sya yung maingay at kala mo close kayo kung mag tanong.
"ah may maliit na business lang" medyo nahihiya na talaga ako lalo na kay ate.
"anong business?" medyo na i-excite syang mag tanong ng mag tanong.
"kayo mga kupal talaga kayo eh noh?? ang galing nyo mag tanong" si ate na medyo natatawa.
"to naman ang panget mo jul tatanong lang eh" nag tawanan silang apat.
nung una na awkward ako pero kinatagalan natutuwa akong kasama sila ang natural nilang kasama. ilang oras din ang tinagal ng tawanan at kwentuhan namin.
"nakakatuwa silang lahat ate ang natural at kung makipag kwentuhan parang close kami ang gaganda ng aura nila" natatawa kong sinabi.
"oo mabait talaga yang mga yan kahit may pag ka baluga haha. hindi sila spoiled katulad ng mga ibang rich kid mayayabang hindi rin sila mata pobre kaya naka close ko sila agad haha" nakakatuwa talaga ka usually kasi hindi ako nakikihalu-bilo sa mga kaidaran ko.
Mailap ako sa mga tao pili lang ang mga sinasamahan ko. marami kasi akong na mi meet na mga tao ang habol lang ay libre at mangutang at ang paplastik.
nakauwi kami ng ate ng mga 4 na ng hapon at nag pahinga.
Nandito ako ngayon sa bahay nag mumunimuni. Hindi ko namalayan na nakatulog pala ako sa kwarto ko nagising ako mga 9:30 na ng gabi, lumabas ako ng kwarto at nakapatay na ang mga ilaw.
Pumunta ako ng kitchen para kumain na dahil nagugutom na ako. may iniwan na note si ate sa ref.
"cris nag luto na ako ng kakainin mo ngayong gabi, umalis ako next week na ako uuwi nasa manila ako ngayon tawag o mag text ka kung nabasa mo to yun lang"
kumain muna ako pag katapos tinext ko na si ate.
Hindi na ako makatulog kaya nag punta muna ako sa dalampasigan likod lang ng bahay namin para mag pahangin at nag dala rin ako ng beer.
naka upo ako sa dalampasigan at naka lublob yung paa ko sa tubig at habang humahampas ang alon tumatama ito sa paa ko.
kaya hindi ako natatakot kasi medyo maliwanag ang paligid ko dahil sa ilaw na galing sa buwan.
Ipinikit ko ang aking mga mata habang dinadama ang lamig ng simuy ng hangit at ng tubig.