Patricia's POV "Oh, ang aga mo atang nagising ngayon?" nagtatakang saad ni Kriz habang umiinom ng gatas. Katatapos ko lang magpa tuyo ng buhok at ngayo'y suot suot ang white v-neck shirt at jeans. Suot suot ko din ang half-moon necklace at itinago ito sa loob ng damit. Tinext ko na si Zyco na gusto kong bumisita sa school ko dati, para kay Clyde at Miyami. Sasama pa sana sina Kriz pero di ko pinayagan. Sigurado akong magiging maingay lang kapag kasama sila. Isinilid ko na ang chocolate sa bag ko at nagpaalam sa kanila. Natawa nalang ako sa inasal nila na nakangusong nagpapaalam. Habang naglalakad ako papunta sa labas ng gate, nakita ko si Zyco na naka shades. Suot suot nito ang ¾ maroon polo shirt, black pants, and a maroon shoe. Nakabukas ang unang butones nito. May card muli siyang in

