"By the way, sino ba yung babaeng butler nya daw si Zyco? Totoo ba sinasabi nya?" "Ha! Maniwala ka sa babaeng iyon. Malamang yun ang sasabihin nya, ilusyunada din ang isang iyon. Sa mukhang 'yon? Magpapaalipin lang sya sa isang pandak at plat na babaeng iyon? Duh." Napakagat ako ng labi ko tsaka malakas na sinipaang pintuan sa cubicle. Gulat na gulat silang npatingin sa akin. Dumiretso ako sa lababo at naghilamos ng mukha. Nanantili silang tahimik at nakatingin lang sa ginagawa ko. Pinihit ko ang gripo at tumingin sa repleksyon nila sa salamin. "Stop talking nonsense behind my back, b***h squad. Kung ayaw nyong kaladkarin ko kayo palabas ng campus na 'to." Saad ko at humarap sa kanila "Sorry but let me tell you, He's my butler. I own him. Kawawa naman kayo." Napailing nalang ako habang

