•Felicity's Pov• ~~ Ilang araw ng hindi ko nakikita si Aubree dito sa kompanya, mabuti na din iyon para tuluyan ng maging tahimik ang buhay ko. Napapansin ko din ang kakaibang kinikilos ni Easton. Minsan sweet pero maya-maya masungit na naman. Lagi na din kaming sabay kumain, umoorder siya ng pagkain naming dalawa. Tulad ngayon, kanina pa siya lagay ng lagay sa aking plato. Para naman akong patay gutom sa ginagawa niya sa akin. "Sir, tama na hindi ko na mauubos ang dami muna pong nilagay na pagkain." Reklamo ko na dahil halos lahat ng ulam nilagay niya sa aking plato. "Kailangan mong mag pakabusog Miss Murray, dahil marami kang trabaho ngayon na kailangan mong matapos." Malamig niyang sagot bago sumubo ng ulam. Hindi na lang ako sumagot, dahil alam kong hindi siya magpapatalo sa akin

