Pagbaba ni Aubree sa kanyang sasakyan, lumakad na siya papasok sa kumpanya pero laking gulat niya ng harangin siya ng dalawang guards. "Ma'am bawal na kayong pumasok dito, yan po ang utos ni Mr. Harrison." Hindi maiwasan ni Aubree na magkasalubong ang kanyang kilay. "Baka nakakalimutan mo kung sino ako?!" Galit na tanong ni Aubree, mainit na ang ulo ng dalaga pero dinadagdagan pa ng security guard. "Kilala ka po namin Ma'am, kaya nga hindi ka pwedeng pumasok dito. Sumunod ka nalang kami ang mawawalan ng trabaho kapag nag pumilit kang pumasok!" Agad na sagot ng isa pang security guard. Lalong nakaramdam ng galit si Aubree, wala siyang ideya kung bakit hindi siya pwedeng pumasok sa kompanya ni Easton. "Kilala mo naman pala ako, ano bang problema at bawal akong pumasok?! Makakarating ito

