Nagtataka naman ang ginoo dahil wala namang masama sa kanyang tanong. “Gusto ko lang malaman, dahil balak kong ipakilala siya kay Bobby.” Paliwanag niya, umigting naman ang panga ni Easton dahil sa narinig. “Hindi naman pumapatol si Bobby ng tulad ni Miss Murray, kilala mo ang iyong anak Mr. Harward mapili sa babae pero babaero.” Natatawa na sabi ni Easton, napailing naman ang ginoo. “Iyan nga ang problema ko, kaya gusto kong makilala niya si Miss Murray. Baka sakaling mapatino niya ito.” Napapailing na lamang ang ibang board dahil sa sinabi ng ginoo. “Mukhang ang meeting na ito ay mapupunta sa lovelife ni Miss Murray. By the way, i hope wala ng maging problema sa mga susunod pang buwan. Panatilihin mong maayos ang iyong trabaho Miss Murray.” Nakangiting sabi ni Mrs. Zamora. “Makakaas

