Nanatili si Eli sa kanyang opisina, matapos niyang maglinis at timplahan ng kape ang binata. Iiwasan na lang niya ito kung kinakailangan. Pati na din kay Aubree, lalo lang siyang magiging masama sa mata ng binata kung mananatiling ang alitan nilang dalawa. Huminto sa pagta-type si Eli dahil tumunog ang kanyang cellphone. Si Mr. Flores, nag-message ito sa kanya na malapit na sila ng binata. Inayos na ni Eli ang kanyang sarili bago kinuha yung notebook niya. Tinignan niya muna ulit kong tama ba ang naisulat niya kahapon. Lumabas na siya sa kanyang opisina. Pumunta na siya sa tabi ng elevator, sumandal siya sa dingding habang nakatingin sa suot niyang relo. Maya-maya, tumunog na yung elevator at bumukas. Seryoso ang mukha niyang nakatingin sa binata. Nanibago naman si Easton, dahil hindi

