AOI’S POV
Sa nakalipas na araw hanggang sa maging linggo ay patuloy ito sa pagtawag sa akin, nahihibang na ako o sa tingin ng iba ay nag-iilusyon dahil pakiramdam ko talaga ay nagpapalipad hangin ito sa akin at para niya akong inaakit dahil sa tuwing nagtutungo ako sa kanyang kwarto para i-check ang kanyang injury o di kaya para tulungan ito maka-recover ay lagi na lamang itong walang pang-itaas. Kung ang una naming pagkakakilala ay hindi ito ngumingiti, ngayon naman ay kulang na lang ay mapunit ang labi nito sa labis na pagkakangiti. Ang mga nakakasama kong nurse na pumapasok sa Presidential Suite ay tila nabihag na ng kanyang karisma pero sa akin ay pilit kong nilalabanan alang-alang sa aking mapapangasawa dahil ayaw kong magkasala.
Sa nakalipas na mga linggo ay halos iilang beses ko na lang matawagan si Zyran at hindi ko na rin napansin na hindi na rin ito masyadong nagparamdam. Pakiwari ko ay kasalanan ko dahil sa pagiging abala ko sa aking trabaho ay halos makalimutan kong may nobyo ako.
"Hindi bale. Kapag nakapasa ako ay babawi na lang ako sa kanya," ito ang tangi kong motivation para pagsumikapang makapasa.
Habang nasa Doctor's lounge at nagpapahinga ay biglang tumunog ang aking cellphone. Maluwag ang aking pagkakangiti nang makitang si Zyran ang tumatawag.
"Hi Hon, kamusta?" tanong ko kaagad dito.
"Fine. Ikaw, kamusta ka? Hindi na tayo nagkikita masyado sa sobrang pagkaabala mo," may himig ng pagtatampo sa boses nito.
"Pasensya na Hon. Malapit na kasi ang exam ko, hayaan mo. Kapag natapos na iyon ay pwede na tayo mag-prepare para sa kasal at babawi ako sa iyo, promise," malambing kong sabi rito.
Iginugol ko ang natitirang oras ko ng pamamahinga para makipagkwentuhan kay Zyran. Sa Isang linggo ay halos mag-straight duty ako ng dalawang araw mahigit dahil sa short staff kung kaya hindi ko na magawang makipagkita kay Zyran dahil ang oras na pakikipagkita ko rito ay inilaan ko na lang sa pagtulog.
Naputol lamang ang aming pag-uusap nang tumunog ang beeper ko.
"Sige na, Hon. Tawag na lang ako ulit mamaya, bye."
"Hon." Akmang papatayin ko na ang tawag nang tawagin niya ako.
"Bakit?" tanong ko sa kanya. Parang may gusto itong sabihin na hindi nito magawa sa huli ay ngumiti ito.
"Wala lang. I just want to say, I missed you."
"I missed you too. Sige na, ibababa ko na ha," paalam ko rito hanggang sa tuluyan ko ng patayin ang tawag.
Lumipas pa ang dalawang linggo ay unti-unti ng gumagaling ang tinamong fracture sa paa ni Mr. Bergin ngunit patuloy pa rin ang pagtawag nito sa akin. May mga pagkakataon na tatawagin niya lang ako para makita at may pagkakataon naman na tila ginagawa akong katulong na ultimo pagkain nito ay kailangan ko pang subuan.
Nakahinga na lang ako ng maluwag nang bigyan ako ng tatlong araw na pahinga ni Dr. Rivera para makapag-review pa at magkaroon ng dapat na tulog upang mapaghandaan ang aking exam.
Kinabukasan, maaga akong nagising upang maghanap. Isa-isa kong nilagay sa aking bag ang mga kailanganin ko para sa exam. Napasipat ako sa wall clock na nasa itaas ng maliit kong tv. Napag-usapan kasi namin ni Zyran na ihahatid niya ako at pagkatapos ay magda-date kaming dalawa. Agad kong kinuha ang aking cellphone na nakalapag sa ibabaw ng table nang marinig ang pagtunog nito. Malapad ang ngiti na sinagot ko ang tawag nang makitang ang aking nobyo ang tumatawag.
"Hon, sorry hindi kita maihahatid sa examination site mo. I have an important meeting today kasama sina Mommy at Daddy."
Nawala ang ngiti sa aking mga labi nang sabihin nito iyon ngunit agad na pinilit ko rin ngumiti bago sumagot dito.
"Ganoon ba? It's fine. Kaya ko naman ang sarili ko."
"Sorry talaga, Hon. Babawi ako sa iyo bukas, promise," pangako ni Zyran.
"Okay lang, ano ka ba? Sige na, mauna na ako baka ma-late pa ako. Ingat kayo, ha?!" sabi ko saka pinatay ang tawag. Napabuntong- hininga na lamang ako. Wala naman problema sa Daddy ni Zyran pero iba ang Mommy nito. Iyon ang dahilan kung bakit nagpupursige ako sa aking trabaho. Gusto kong ipakita sa Mommy niya na nababagay ako sa anak niya at may talento rin ako sa kabila ng pagiging mahirap.
Wala akong nagawa kung hindi magtungo sa examination site nang mag-isa. Fifteen minutes bago mag-umpisa ay nakarating na rin naman ako ngunit sa entrada ng paaralan kung saan ako mag-eexam ay may isang pamilyar na lalaki ang nakatayo.
"Anong ginagawa niya rito?" kunot-noong tanong ko at napatingin sa kanya pero napakibit na lang ako ng balikat nang maisip na baka nobya nito ang pinunta niya rito.
Mabilis ang lakad na nilagpasan ko ito ngunit bago pa man ako makalayo ay agad itong nakahabol sa akin at hinablot ang aking braso.
"Sandali, Dr. Aoi." Napahinto ako. Tinitigan ang mukha nito na malapad ang pagkakangiti saka ko tiningnan ang kanyang paa.
"Hindi na ba masakit ang fracture mo?" nakataas ang kilay na tanong ko rito.
"I am fully recovered, thanks to my lovely doctor na nag-alaga sa akin," anito saka ako kinindatan. Napaawang ang aking labi dahil sa inasal nito dahilan upang mapatingin ako sa paligid.
Is he flirting with me?
May pakindat-kindat pa itong nalalaman.
Napapansin ko na ang ginagawa niyang iyon sa akin sa nakalipas na mga linggo, ayaw ko lang mag-assume.
"Mr. Bergin, gusto ko lang inaalala sa iyo. May fiancè na ako at malapit ng ikasal kaya hindi magandang tingnan na—"
"I know. Someone told me about it but who cares? Asawa nga naaagaw, fiancè pa kaya," parang baliwala lang dito ang kanyang sinabi, walang pakialam kung may ibang makarinig.
"Naririnig mo ba ang sarili mo?" hindi makapaniwalang tanong ko rito.
"If your fiancè really cares about you? Bakit hindi mo siya kasama? Bakit hindi ka niya sinamahan sa pinaka-importanteng araw sa buhay mo?"
What is he saying?
Anong gusto niyang palabasin?
Hindi ako kaagad nakapagsalita dahil sa sinabi nito. ngunit agad naman akong nakabawi.
"M-May business meeting siya with his parents kaya hindi niya ako nasamahan," pagdadahilan ko.
"Fine. Here," ibinigay nito sa akin ang isang bugkos ng kulay pink na rosas at tsokolate. Para akong naubusan ng oxygen ng ilang sandali nang bigla nitong inilapit ang mukha sa akin. Napaawang ang aking bibig at nanlalaki ang walang kakurap-kurap kong mga mata dahil sa labis na pagkagulat dahil sa kanyang ginawa.
"Mas maganda ka talaga sa malapitan," nakangiting sambit nito.
"Break a leg, Dr. Aoi. Prove them that your worth it to be my wife," nakapamulsa ng sabi nito.
"Anong pinagsasasabi mo?" Para akong aatakihin sa mga pinagsasasabi ng lalaking ito.
Napakaimpossible ng sinasabi niya.
Ako? Magiging asawa niya?
Sa pagkakaalam ko, paa nito ang may tama pero bakit parang nadamay pati ang utak nito?
"I think your much better now. You're quite tense and stiff nang dumating ka kanina," naging malumanay ang boses nito at nawala ang tonong mapagbiro.
"Eat those chocolates habang nagta-take ka ng exam. They told me, it helps one person to think properly. I'll go ahead, good luck. Dr. Aoi," anito saka ako tinapik sa ulo at tuluyang lumayo.
It's a simple gesture but it has an impact to me. Hindi ko inaasahang sa kanya ko pa maririnig ang salitang good luck na hindi man lang nabanggit sa akin ni Zyran kanina.