AOI'S POV
Parang naging mas nakakapagod ang aking naging trabaho nang ipagkatiwala sa aking pangangalaga ni Dr. Rivera si Mr. Bergin. Bukod sa pag-rorounds ko sa ibang pasyente ay napaka-demanding nito, parang bawat oras ay kanya akong pinapatawag hindi para tingnan ang kanyang paang injured kung hindi ipa-check ang iba pang bagay na hindi naman apektado ng kanyang injury gaya ng puso.
"Doc, pinapatawag ka ulit sa presidential suite," tawag sa akin ng nurse nang makarating ako sa nurse station pagkatapos kong mag-rounds sa iba pang pasyente.
"Sige, papunta na ako," bagsak ang balikat na sagot ko. Napabuga na lamang ako ng hangin at saka lulugo-lugong naglakad patungo sa presidential suite. Dahil sa dalas ng kanyang pagtawag sa akin ay hindi ko na magawang makapag-review, pati na ang paghahanda para sa aking nalalapit na kasal. Napagdesisyunan kasi namin na idaos ang kasal pagkatapos ng aking Physician Exam upang kahit papaano ay magkaroon din ako ng time para makapag-review na naisisingit ko sa tuwing natatapos akong mag-ikot o sa tuwing nagpapahinga na hindi ko naman magawa ngayon dahil sa kakatawag ng mayamang lalakin pasyente ni Dr. Rivera na ipinasa nito sa akin. Hindi ko naman magawang magreklamo at hindi ko rin pwedeng ipasa sa iba dahil sa akin nga iniatang since he’s a super vip patient.
Tatlong mahihinang katok ang aking pinakawalan bago ko binuksan ang pinto. Agad na bumungad sa aking paningin ang lalaking nakasandal sa headrest ng kanyang kama at walang pang itaas na damit. Kita tuloy ang kanyang mabatong dibdib dahilan upang makaramdam ako ng hiya at agad na nag-iwas ng tingin.
“Sorry, Sir. Lalabas po muna ako.”
“No. You can come in,” pigil nito sa akin saka ako pinapasok sa loob. Naiilang at hindi tumitingin akong pumasok sa loob ng kwarto.
“Ano pong kailangan niyo Mr. Bergin? Kaka-check ko lang po ng vitals pati ng injury niyo about an hour ago,” tanong ko kaagad at tumingin dito nang makapwesto ako sa paanan ng kama kung saan ito nakahiga. Napalunok ako nang tanggalin nito ang kumot na nakatakip sa ibabaw ng ibabang bahagi nito at itinaas pa ang isa nitong paa na hindi injured. Kung titingnan ay para lamang itong nag-popose sa isang magazine dahil sa postura nito, idagdag pa na tila bumakat ang kanyang alaga dahil sa nipis ng pajama nito.
Agad kong muling iniwas ang aking tingin dahil pakiramdam ko ay magkakasala ako sa aking nakita.
“Wala naman, Dr. Aoi. I heard, nag-rereview ka raw para sa exam na magaganap next month,” nakangiting sabi nito na parang walang pakialam sa kanyang postura habang ako naman ay namumula na ang mukha dahil sa sobrang hiya.
“Paano naman ako makakapag-review, magpahinga nga hindi ko magawa, mag-review pa dahil sa kakatawag mo,” bulong ko rito.
“What are you saying?”
“Wala po Mr. Bergin. Ang sabi ko, baka po pulmonya naman ang abutin niyo dahil naka- full ang aircon dito nagawa niyo pang maghubo,” pekeng ngiti ko rito.
“Ah, medyo naiinitan nga ako that’s why I took my clothes off but now I think I’m okay na. Can you get me some clothes in the closet? Nasa labas kasi ang assistant ko, may iniutos ako sandali,” sabi nito. Ngumiti lang ako pagkatapos ay naglakad patungo sa closet na nasa pinakasulok.
“Doktor kaya ako rito, hindi katulong,” bulong kong muli habang kumukuha ng isang puting t shirt na nakatupi.
“Ito na po, Sir,” magalang kong sabi na nilagyan ko pa ng ngiti.
“Can you put it on me? Medyo masakit din ang kamay ko dahil siguro sa pagkaipit at ngalay,” rason nito. Wala akong nagawa kung hindi tulungan itong magbihis dahil wala akong karapatang magreklamo. Habang binibihisan ko ito ay hindi maiwasan na magdikit ang aming mga balat na para bang mas sinasadya pa nito. Titig na titig pa nga ito sa akin lalo na ng halos tatlong pulgada na lamang ang layo ng aming mga mukha, pinipigilan ko na lamang ang aking sarili na mapatingin sa kanya ngunit bago pa ako makalayo matapos ko siyang bihisan ay bigla niya na lamang akong kinabig at hindi inaasahang magtama ang aming mga labi. Parang bumagal sa pag-ikot ang mundo at nanlalaki ang aking mga mata nang mapagtanto na magkahinang na ang aming mga labi. Agad ko itong itinulak at mabilis na tumayo saka inayos ang aking sarili.
“Kung wala na po kayong ibang ipag-uutos Mr. Bergin, mauna na po ako dahil may mga pasyente pa pong naghihintay sa akin,” mabilis na paalam ko rito. Para akong kinakapos ng hininga nang makalabas sa kwartong iyon. Malakas ang kabog ng aking dibdib at pakiramdam ko ay nag-iinit ang aking mukha sa labis na pagkahiya.
“Jusko, Aoi. Maghunosdili ka. May fiance ka na at ilang buwan na lang ay magiging asawa mo na kaya masama ang ginagawa mo,” sermon ko sa aking sarili habang naglalakad patungong Docto’s lounge.
Tama, hindi ako dapat makaramdam ng kung anuman sa ibang lalaki lalo pa at malapit na kaming ikasal ni Zyran pero aaminin ko,habang magkalapit ang aming mukha kanina ay saka ko lang napansin na mas gwapo pa ito sa malapitan. May kung ano rin akong naramdaman nang magkadikit ang aming mga labi.
“Pagod lang iyan, Aoi. Mabuti pa, matulog ka muna at magpahinga.”Sinampal ko ang aking sarili upang magising ako sa kahibangan na aking nadarama.