Chapter 1

1267 Words
AOI'S POV  Limang taon na kaming magnobyo ni Zyran at sa ika-anim na taon ng aming anibersaryo ay walang paglagyan sa saya ang aking nadarama nang mag-propose siya sa akin. Tandang tanda ko pa noong nanligaw ito sa akin noong ako'y nasa unang taon sa kolehiyo pa lang. Kung tutuusin, ang aming love story ay mala-teleseryeng tagpo. Isa lamang akong ulila na nagmula sa mahirap na pamilya, nagkaroon ng pagkakataon na makapag-aral sa isang mamahaling eskwelahan at naipagpatuloy ang pag-aaral sa kursong medisina dahil sa pagiging iskolar. Alam ko ang laki ng agwat ng estado ng aming pamumuhay kung kaya agad ko siyang binasted nang subukan niyang manligaw sa akin pero hindi ito nagpatinag sa kabila ng ilang beses kong pambabasted sa kanya Matapos ang pitong buwan nitong panliligaw sa akin ay sinagot ko na rin ito pero hindi natapos dito ang problema dahil para kaming si Sanchai at Daoming su nang malaman ng pamilya ni Zyran na nagmula ako sa mababang antas at isa pang ulila. Tumutol ang kanyang pamilya lalo na ang kanyang ina ngunit muling nasukat kung gaano niya ako kamahal nang ipaglaban niya ako. Doon ko napagtanto kung gaano niya ako kamahal kung kaya buong puso kong ibinigay ang aking pagmamahal sa kanya at pangakong magpupursige akong makatapos upang kanyang maipagmalaki. Fast forward, sa kabila ng sobrang hirap at pagod sa pag-aaral, dagdag pa ang aking part time job ay nakapagtapos ako sa kursong medisina na may pinakamataas na parangal. Agad akong nakapasok sa isang kilalang hospital at pinagbuti ang aking trabaho. Sa kabila ng sobrang hectic ng aking schedule ay nandiyan siya parati sa akin at handang umalalay lalo na sa tuwing napapagod ako, kumbaga siya na ang naging lakas ko. Malapad ang aking ngiti habang nakatingin sa singsing na bigay sa akin ni Zyran. Alam ko na hindi pa ganoon kaboto sa akin ang mama nito pero alam kong malapit ko na rin mapalambot ang kanyang matigas na puso dahil sooner ay magiging in law ko na rin ito. "Congratulations, Posh. Sayang hindi ko nakita ang wedding proposal sa iyo ni Zyran," bati sa akin ni Louisa, ang nag-iisa kong kaibigan simula pa noong high school ako. Ang kanyang pamilya ang minsang umaagapay sa akin lalo na ang kanyang mama na si Tita Vina na matalik na kaibigan din ni Mama. "Sana nga nakita mo. Alam mo,Posh. Sobrang saya ko, akala ko nakalimutan na ako ng Diyos dahil magkasunod Niyang kinuha ang parents ko Pero hindi pala. May daan pala Siyang inihanda para sa akin," sabi ko habang hindi tinatanggal ang tingin sa singsing na nakasuot sa aking daliri. Akala ko talaga noon ay wala ng kahahantungan ang buhay ko. Magkasunod na kinuha sa akin sina Mama at Papa, Wala akong ni isang kamag-anak na malapitan pero tingnan mo naman ngayon. Isa na akong doktor at malapit ng ikasal sa aking long time boyfriend na si Zyran. "Nakakainggit ka naman, Posh. Ako kaya, kailan kaya ipapadala ang para sa akin." Napangiti ako dahil sa kanyang sinabi. Maghintay ka lang, Posh. Malay mo, yung para sa iyo ay nasa paligid mo lang naghihintay lang ng tamang panahon para magkakilala kayo." "Naku, Sana nga Posh. Alam mo bang kinukulit na ako ni Mommy kung kailan daw ba ako mag-asawa, boyfriend nga wala, asawa pa kaya. Masyado na siyang excited magkaapo dahil na-bobored na raw siya sa kaka-toktik," anito na napapairap pa. Napatawa naman ako dahil sa sinabi nito dahil kagaya ko ay nag-iisang anak lang din si Louisa pero ito ay medyo nakakaangat sa buhay dahil sa isang businessman ang kanyang ama. "Doc Aoi, pinapatawag ka po ni Doctor Rivera," tawag sa akin ng isang nurse. "Sige, papunta na ako," sagot ko rito bago itinuon muli ang aking tingin sa aking kausap sa cellphone. "Sige Posh. Bukas na ulit, mag-rorounds pa ko," paalam ko saka pinatay ang tawag. Habang palabas ng quarters ay nakasalubong ko naman so Dr. Rivera na may Dalang folder. "Dr. Aoi, sumama ka sa akin," anito nang makita ako saka muling itinuon ang mata sa hawak na folder at naglakad patungo sa elevator habang ako ay nakasunod dito. "From now on, you'll be under my supervision. Malapit na matapos ang internship mo, hindi ba?" tanong sa akin ng doktor. "Yes po, Doc." "Break a leg, okay? Maganda ang status mo sa hospital na ito, malay mo ay ma-absorb ka kapag nakapasa ka sa exam." Napangiti ako sa papuri ng doktor at nagpasalamat. Hindi ko naman hinihingi na purihin ako dahil sa bawat taong aking natutulungan ay gumagaan ang pakiramdam ko. "I have a patient who sustained a 5th Metatarsal Fracture. His long bone on the outside of the foot that connects to the little toe was broken and what do you think would be the symptoms?" "The symptoms includes pain, swelling and bruising Doc." "And how do we treat this kind of fracture?" " It depends on the fracture' location and severity." sagot ko at dinagdagan ko pa iyon ng iba ko pang kaalaman. Simple lang naman kung tutuusin ang problemang tinatanong ni Dr. Rivera kung kaya madali ko lang iyong nasagot. "Listen to me, Dr. Aoi. My patient is not an ordinary person. He's rich, so we need to be careful," paalala sa akin ni Dr. Rivera pagkalabas ng elevator. Bigla naman akong kinabahan nang nagpatuloy kami sa paglakad at dumiretso sa Presidential Suite. Huminga ako ng malalim bago buksan ni Dr. Rivera ang pinto. "Good afternoon, Mr. Bergin. Kamusta na po ang pakiramdam nito?" bati ni Dr. Rivera sa isang lalaking nakahiga sa kama. "It's still painful. Do I need to undergo into a surgery?" anang lalaki na ang boses ay nagmula sa ilalim ng kweba sa sobrang baba kung kaya hindi ko napigilan na tingnan ito. Hindi ako nagkamali dahil hindi lang ang boses nito ang maganda dahil pati ang mukha nito ay napakagwapo rin. "Fortunately, we don't need it since wala naman akong nakitang displaced fracture sa ultrasound mo but we need to undergo treatment that will last for 6 to 8 weeks until you are completely healed." Hindi ito sumagot at sa halip ay natuon ang tingin nito sa akin kung kaya napakurap ako. "And who are you with?" "I forgot to introduce her. She's Dr. Aoi Montecarlo our best intern in Orthopedic Department," pakilala sa akin ni Dr. Rivera. "Good afternoon, Sir. I am Dr. Aoi Montecarlo, it's my pleasure to meet you," nakangiting pagpapakilala ko. Hindi naman ito ang unang beses na nagpakilala ako pero ngayon lang ako sobrang kinabahan. Hindi man lang ito ngumiti ngunit inilahad naman nito ang kanyang palad. "Eoghan Bergin," walang kangiti ngiting pakilala nito ganun pa man ay napakagwapo pa rin nito. Parang may kuryenteng dumaloy mula sa kanyang kamay patungo sa aking katawan na naging dahilan upang biglang bumilis ang t***k ng aking puso. Napapitlag pa ako dahil hindi ko iyon inaasahan kung kaya agad ko ring binawi ang aking kamay. "From now on, siya na ang tutulong sa iyo hanggang sa gumaling ang injury mo Mr. Bergin. Kung okay lang sa iyo?" "I don't mind," mabilis nitong sagot habang hindi mawala ang pagkakatitig nito sa akin dahilan upang ako ay mailang at ako na mismo ang mag-iwas ng tingin. Chineck ni Dr. Rivera ang injury ng lalaki pati na rin ang ibang vital signs nito bago kami nagpaalam. "Mauna na po kami, Mr. Bergin. Babalik na lang si Dr. Aoi mamaya kapag kailangan mo na ulit mag-take ng gamot," paalam ni Dr. Rivera. Yumuko na rin ako bilang pamamaalam ngunit bago maisara ang pinto ay nakita ko itong kumindat at ngumiti. Wait? Namamalikmata ba ako?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD