AOI’S POV
Parang nagkaroon ng sariling buhay ang aking mga kamay na ipinulupot ko ang aking mga ito sa kanyang leeg at ang kanyang mapang-akit na mga mata ay para bang may dalang hipnotismo habang nakatitig sa akin. Sa paglapat ng aming mga labi ay agad kong nalasahan ang pinaghalong lasa ng tamis at pait mula sa alak na kanyang ininom na para bang nagpadagdag ng kalasingan sa akin dahilan upang mas lalo akong malunod sa kanyang halik.
His lips were as soft as marshmallows and as sweet as cotton candy, and I couldn't get enough. Pakiramdam ko ay noon lang ako nakatikim ng ganoong klasing halik sa kabila ng tagal ng pagiging magkasintahan namin ni Zyran.
Well, aaminin ko naman na ngayon lang ako uminom ng ganito.
Ito ang kauna-unahang beses na nag-club ako at uminom ng mahigit sa tatlong bote dahil nga priority ko noon ang aking pag-aaral.
Trabaho-bahay lamang ako para lang makapagtapos ng pag-aaral at naisisingit ko lamang ang relasyon namin ni Zyran kapag may bakante akong oras o di kaya kapag dinadalaw niya ako sa bahay.
Hindi ko alintana ang ingay ng paligid at parang nawala sa aking isip na nasa loob kami ng club dahil pakiramdam ko nang mga oras na iyon ay tumigil ang mundo. Pareho kaming kinakapos ng hininga nang maghiwalay ang aming mga labi. Makahulugan at malagkit pa rin ang kanyang titig habang patuloy sa paglunok samantalang hindi ko naman maipaliwanag ang aking nararamdaman. May bahagi sa akin ang tila nabitin at naghahanap pa ng kasunod subalit may bahagi rin naman na natatakot.
Inubos ko na muna ang natitirang laman ng bote ng beer na halos kalahati pa. Inisang lagok ko iyon na halos masamid pa ako para lang kumuha ng lakas ng loob upang gawin ang isang bagay na tumatakbo sa aking utak at pagbigyan naman ang aking katawan sa gusto nito.
Akmang tatayo na ako nang makaramdam ako ng hilo. Agad niya akong nahagip at hinawakan sa balakang para masalo dahilan upang mapakapit ako sa kanyang braso.
“Okay ka lang?” tanong nito.
“Nahihilo na ako, can you give me a ride?” sabi ko rito sa namumungay na mata.
Kita ko kung paano gumalaw ang kanyang adam’s apple habang napapagawi ang kanyang tingin sa aking mga labi na waring naiintindinhan nito ang iba pang ibig kong ipakahulugan.
Maagap ang naging pagkilos nito.
Hindi ko alam kung paano ito nakapagbayad dahil sa isang tingin lamang nito ay hinayaan na kaming lumabas ng mga naroon lalo na ng bouncer. Inakay niya ako patungo sa kanyang kotse. Habang ako’y nasa kanyang mga bisig ay hindi ko mapigilang mapasinghap nang dumampi sa aking ilong ang kanyang mamahaling pabango. Hindi iyon masakit sa ilong, sa halip ito ang tipo ng pabango na nakakapang-akit at maiinlove ka sa sinumang may gamit nito.
Napakabilis ng mga pangyayari dahil hindi ko rin namalayan na nakarating na kami sa isang bahay. Isang napakalaking bahay sa isang kilalang subdivision na tanging sa mga balita at palabas sa telebisyon ko lamang naririnig dahil sa mga bigating tao na nakatira rito.
Binuksan nito ang pinto at binuhat niya ako na parang isang prinsesa papasok sa malaking pintuan na gawa sa nara. Malakas ang pintig ng aking puso habang naririnig ko ang yabag ng kanyang mga paa paakyat sa itaas na bahagi ng bahay kung saan sa tingin ko ay naroroon ang mga kwarto. Dinig na dinig ko rin ang malakas na pintig ng puso nito na para bang nakikisabay sa ritmo ng akin.
Nagtatalo ang aking puso at isip kung itutuloy ko ang aking balak.
Nag-aalangan ako dahil alam kong kapag ipinagpatuloy ko ito ay mawawala ang isang bagay na matagal ko na iniingatan.
Isang bagay na nakaplano kong ilaan kay Zyran pagkatapos ng aming kasal pero may malakas na pwersa na tumutulak at nag-uutos sa akin na gawin ko iyon na naramdaman ko kanina nang maglapat ang aming mga labi at matikman ang kanyang halik. Mas lalo pang tumindi ang pagnanasa ng aking katawan nang madama ang matigas nitong dibdib habang walang tigil sa paglanghap sa kanyang pabango na nagpapabaliw sa aking sistema.
Alam kong hindi ito ang aking inuupahang bahay pero hindi ko ito pinigilan at hinayaan ko lang ito na dalhin ako rito. Nahinto lamang ako sa pag-iisip nang lumapat ang aking likod sa napakalambot na kama.
Nang maihiga niya ako ay sandali pang naghinang ang aming mga mata at pagkuwa'y tumayo ito ng tuwid pagkatapos ng isang malalim na paghinga.
"Matulog ka na. I know you're tired and drunk. Bukas na lang kita ihahatid sa inyo," anito saka akmang lalayo. Kusang gumalaw ang aking kamay at hinawakan ang kanyang braso. Sabay kaming napatingin rito. Napapalunok ako habang tila mas lalong lumakas at bumilis ang t***k ng aking puso. Kasunod ng pagtingin nito sa aking kamay na nakahawak sa kanyang braso ay tinitigan niya ako. Isang titig na nangungusap at nagtitimpi.
I have to stop but deep inside of me, there's something is forcing me to do it.
Humugot ako ng malalim na paghinga kasunod ng sunod-sunod na paglunok bago ko marahang pinisil ang kanyang braso saka tumayo.
This is not me.
Hindi ko to ginagawa but I want to prove myself na kung ganoon lang ako kadali ipagpalit ni Zyran ay ganoon rin ang aking gagawin.
Ayaw kong magmukhang talunan sa harap ng dalawang iyon.
Kung kaya niya akong ipagpalit, pwes kaya ko rin.
Gusto kong patunayan na hindi ako katulad ng iniisip nila, na patay na patay at sobrang mahal na mahal si Zyran kahit iyon ang totoo.
This is my chance but I am not sure kung tama ba ang gagawin ko.
Bahala na si batman.
Marahan kong hinila si Mr. Bergin at pinaupo sa gilid ng kama saka ako tumapat sa kanya bago walang paalalang hinalikan ang kanyang mga labi.
Marahan ang aking bawat paggalaw na parang ninanamnam ang bawat sandaling ang mga labi namin ay magkahinang. Sa una ay tila nakikiramdam ito, sinasabayan ang paggalaw ng aking mga labi ngunit ilang sandali pa ay ramdam ko na nag-iba ang kanyang pagkilos.
Naging mas mabilis at mapusok na tila nagugustuhan ko na rin kung kaya napaupo na ako sa kanyang kandungan at naipulupot ko na rin ang aking mga braso sa kanyang leeg habang ang kanyang mga braso Naman ay nakayakap na sa aking bewang.
Sa kabila ng mainit na palitan ng halik ay patuloy sa pagtatalo ang aking puso at isip.
Dapat ko bang ituloy?
Baka pagsisihan ko ito sa bandang huli?