Chapter 8

1064 Words
AOI’S POV Sa kabila ng maharot na saliw ng makukulay na ilaw na sumasabay sa ritmo ng tugtugin ay sinubukan kong titigan itong maigi. Lasing na ako subalit hindi ko maiwasang aminin na talagang may itsura nga ang lalaki. “May gusto ka ba sa akin?” diretso kong tanong sa kanya. Hindi ko alam kung bakit ko iyon nasabi, siguro dahil iyon sa nainom kong alak. Ganun pa man, malinaw pa rin ang aking mga mata at nasa tamang pag-iisip pa naman ako. Napamaang ito sa aking tanong pagkuwa'y napangiti ito na kung saan ay lumabas ang kanyang pantay- pantay at mapuputing ngipin. Ang ngiti nitong nakakadala na tila ba walang problema. "Hindi pa ba obvious? Dra. naman. Do I need to confess first bago mo malman ang feelings ko para sa iyo? Crap, I forgot to give you flowers back then," anito na biglang naalala ang nakaraan noong panahong nasa ospital pa ito habang ako ang kanyang attending doctor. Sumilay ang ngiti sa aking labi. Tama nga ang bulong-bulungan sa nurse station tungkol sa pagkagusto nito sa akin. Naging tampulan pa nga ako ng tukso ng mga nurses at doctors dahil sa kaniya. Hindi ko nga lang iyon pinapansin dahil masyado akong tapat sa relasyon namin ni Zyran. "You can use me," bigla nitong sabi. Nawala ang ngiti sa kanyang mga labi at seryosong tumitig sa akin. Napako naman ako sa aking pagkakaupo at parang naging yelo ang aking mga labi. Nabasa niya ba ang nasa isip ko? Masyado na ba akong halata at desperada para lang makaganti sa pamangkin nito? Para akong binuhusan ng malamig na tubig at tuluyan na nawala ang ngiti sa aking labi kasabay ng pagkawala ng ideya na gamitin ko siya para lamang makapaghiganti sa kanyang pamangkin dahil sa ginawa nitong panloloko. Ako ang naunang nagbawi ng tingin na para bang isa akong kriminal na nahuli sa aking kasalanan. Tinungga ko ang bote ng beer at diretso kong nilagok ang laman nito na halos makalahati ko ang laman nito. Hinawakan nito ang aking kamay na nakapatong sa lamesa. "You're joking, right?" "I'm dead serious," sagot kaagad nito na walang kangiti-ngiting nakasilay sa kanyang mga labi. Pilit kong kinukuha ang aking kamay subalit mahigpit ang pagkakahawak nito. "Let me help you mend the wound in your heart. Kung gusto mong maghiganti kay Zyran, tutulungan kita. Wala akong hihilinging ibang kapalit. Bigyan mo lamang ako ng isang linggo para makasama ka. Just seven days, Aoi," anito. Isang linggo ko? Hindi ko alam kung papayagan ako ng ospital na magkaroon ng ganoon kahabang leave lalo pa at isa pa lang akong baguhan. Pero sa tingin ko ay maganda itong pagkakataon upang makalayo. My heart turned into pieces at ngayon hindi ako doktor kung hindi isang pasyente. Sa tingin ko rin ay hindi ko makakayanang makapaggamot ngayon, baka bigla na lang akong umiyak habang nag-rorounds. "Hindi kita gagamitin, tulungan mo na lang ako makapag-move on," sagot ko dito. Kahit papaano ay nabawasan ang pagkaseryoso ng kanyang mukha dahil sa aking sinabi. Pinisil nito ng marahan ang likod ng aking palad saka ito pinakawalan. Tama. Hindi ko dapat idamay ang ibang tao. Hindi ko ito kailangan gamitin para lang makaganti sa mga nakapanakit sa akin. Hahayaan ko na lang siguro na tadhana na ang bumawi para sa akin though deep inside of me, there's something that keeps telling me that I have to do something. "I admit, naisipan ko talaga yun but I think I don't have enough reason to do that. To use other people just to take revenge. Let's let karma do the work," sabi ko. Nginitian ko ito ng mapait saka tumungga ulit sa bote. Hindi naman kasi ako yung tipo ng tao na marunong gumanti. Ginagamit ko lang ang lahat ng pinagdaanan ko maging ang mga pagmamaliit sa akin bilang steppingstone. Maybe that's the reason why I became a doctor also. Habang lumalalim ang gabi ay hinayaan ko ang aking sarili na mailabas ang aking saloobin sa kanya na para bang antagal ko na siyang kilala. Umiyak, tumawa, humagulgol ako habang inilalahad ang aking nararamdaman. Maging ang panahon kung kailan kami nagkakilala ni Zyran at panliligaw nito sa akin noon ay nakwento ko na. May halong kirot, saya at lungkot habang inaalala ang nakaraan. Mga alaalang gusto ko ng kalimutan at ibaon na lamang sa lahat dahil sa kahayupang ginawa nila sa akin. "Isipin mo iyon, after niyang nag-propose sa akin last year sa best friend ko naman siya pumunta para magpakamot ng kakatihan niya. Siguro deserve ko to dahil wala akong ginawa kung hindi ilaan ang halos buo kong oras sa pagtatrabaho kaya halos mawalan na ako ng time sa kanya. Pero anong gagawin ko? Mas kailangan ako ng mga tao. May mga pasyente akong naghihintay sa akin," himutok ko pa habang nakakalumbaba at namumungay ang mga mata dahil sa kalasingan. "It is not your fault. You just follow your path and choose to help those people in need. He's the one who doesn't deserve you. Hindi niya lang alam kung gaano kahalagang diyamante ang sinayang niya," walang kurap na sabi nito habang titig na titig sa aking mga mata. Bakit parang nagkakadiperensya na ang aking mga mata? Dala lang ba ito ng kalasingan at masyado ng marami ang nainom kong alak dahil bakit pakiramdam ko ay mas lalo itong gumagwapo sa paningin ko. Hinayaan ko na lang ang aking sarili na malinlang sa kanyang kagwapuhan at nagpatuloy sa pag- inom. Tipsy, medyo hilo na pero kaya ko pa at matuwid pa ang aking pag-iisip nang maisipan kong tumayo. Gusto ko na umuwi. Nang makatayo ay doon ko lang mas lalong naramdaman ang tama ng alak sa aking katawan. Parang umiikot ang aking paningin kasabay ng pagpintig ng aking sentido dahilan upang bigla na lamang ako matumba. Hindi ako kaagad nakakapit sa likod ng upuan pero sa kabutihang palad, may isang matipunong braso ang sumalo sa akin, dahilan upang hindi ako tuluyang lumanding sa sahig. "Are you okay?" tanong nito, ilang pulgada ang pagitan ng aming mga mukha sa isa't isa. Ang kanyang mabango at mainit na hininga ay tila nagpabuhay sa aking sistema nang akin itong maamoy. Parang may isang bagay ang nag-uudyok sa akin na gumawa ng isang kapangahasan. Ilang sandali pa na pagtitig dito ay tuluyan ng nagapi ng pwersa ang aking katawan. I wrapped my hands around his neck and kissed his lips.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD