Chapter 19

1371 Words

AOI’S POV Payapa ang dagat, malamig ang simoy ng hangin sa kabila ng tirik na araw. Ang mga tao ay abala sa kani-kanilang gawain. May mga nag-aayos ng lambat, nagbibilad ng isda at naglilipat ng mga nahuling lamang dagat sa mga banyera. May mga batang naglalaro at naghahabulan din simbolo ng masiglang kabataan ngunit ang mas lalong pumukaw ng aking atensyon sa baryong iyon ay ang dalawang matanda na nasa tapat ng kanilang payak na tahanan. Bakas sa mukha ni Nanay Luming ang labis na pag-aalala para sa asawa nito at gayon din naman si Tatay Kadyo, malinaw at kasing tingkad ng sikat ng araw ang kanilang pagmamahalan kahit na ang kanilang buhay ay nasa padapit-hapon. Tinapunan kami ng tingin ni Nanay Luming at kahit na halata na masama ang pakiramdam nito ay umayos ito ng tayo nang makita

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD