AOI’S POV Kita ko ang sandaling pagbago ng ekspresyon nito habang nakatingin sa aking cellphone bago nito iyon hablutin at saka pinatay. “Bakit mo pinatay? Baka biglang tumawag ang ospital at kailanganin nila ako,” sabi ko rito. “You’re on leave at may dalawa ng doktor na akong ipinadala kapalit mo. All you have to do is to relax and enjoy the island with me,” anito na itinataas ang cellphone ko nang pilit ko iyong kinukuha sa kanya. “Oo na. Naiintindihan ko na. Just give me back my phone.” “That won’t happen. Ibabalik ko lang sa iyo ang phone mo kapag nakabalik na tayo.” Pagkasabi nito niyon ay nagtungo na ito palabas ng apartment dala ang aking maleta. Napabuga ako ng malalim na paghinga dahil sa pagkabigo. Kahit ano talagang gawin ko rito ay mukhang hindi ako mananalo. Agad

