AOI'S POV Nakakahibang at tila napakahirap pigilan ng aking sarili na huminto at itulak ito. Sa halip na tumigil ay lumapit pa ako sa kanyang leeg at umupo sa kanyang kandungan. Pakiramdam ko ay nag-iinit na ang aking katawan, hindi dahil sa alak na ininom ko kung hindi sa nakakabaliw na halik nito. Ilang beses na rin naman kaming nag-kiss ni Zyran, natural lamang iyon sa magkatipan pero kakaiba ang pakiramdam ko ngayon kumpara kapag si Zyran ang humahalik sa akin. Nakahawak na rin ito sa aking balakang habang hinahaplos ang aking bewang habang patuloy kami sa paghahalikan. Napatda ako nang mas lalong naging agresibo ang paggalaw nito lalo na ang kanyang paghalik. Ang halik nito ay puno ng pananabik na kagaya ko. Ilang sandali pa ay walang kahirap-hirap nitong inikot ang aming pwesto

