Chapter 5

1039 Words
AOI’S POV Para akong napako sa aking kinatatayuan. Ang ngiti na nakapaskil sa aking mga labi ay tuluyang nabura at napalitan ng pagkalito ang ekspresyon ng aking mukha. “Sorry po. H-Hindi ko po naiintindihan ang mga sinasabi niyo. Ang alam ko po kasi ay family dinner ito para sa nalalapit na kasal namin ni Zyran,” nalilitong tanong ko sa mga ito. Tiningnan ko si Zyran upang makahingi ng paliwanag sa kung ano ba talaga ang nangyayari ngunit nakakuyom lamang ang mga kamay nito sa ibabaw ng lamesa habang hawak ang tinidor. “Anong pinagsasasabi mo, Aoi? Baka nasosobrahan ka na sa pagtatrabaho at hindi mo na alam ang nangyayari sa paligid mo. Sa tingin ko ay kailangan mo na rin magpahinga dahil baka kulang ka lang sa tulog at nananaginip ka na,” biro ni Tita Vina kasunod ng pagtawa. “No, Tita. Nagsasabi ako ng totoo. Zyran, hindi ba kinuha mo sa akin two weeks ago ang mga requirements at sinabi mo na ikaw na ang mag-susubmit sa simbahan? Sinamahan mo pa nga akong magsukat ng gown para sa gagamitin ko at kinausap na natin ang organizer. Si- Si Louisa, nakasalubong pa nga natin sa boutique hindi ba? Posh, Zyran. Magsalita naman kayo,” sabi ko sa dalawa na tila nanghihingi ng tulong sa kanila. Akmang tatayo na sana si Zyran nang pigilan ni Louisa ang kamay nito. Tumingin si Zyran dito saka nagsalita. “Hon, magpapaliwanag ako,” sabi ni Zyran at binitiwan ang kamay ni Louisa saka naglakad papalapit sa akin. “Hon? Ano nga ulit ang tawag mo sa kanya? Hon? Zeny, alam mo ba ang nangyayari rito? Akala ko ba ay wala na sila ni Aoi?” sabat kaagad ni Tita Vina nang marinig ang pagtawag sa akin ni Zyran. Tumayo si Louisa at sumunod kay Zyran na nasa harap ko. Kumapit ito sa braso ng aking nobyo dala ang isang nagmamakaawang mukha. “Posh, I’m sorry. Hindi namin nasabi sa iyo pero, kami talaga ang ikakasal ni Zyran,” anito saka inabot sa akin ang isang maliit na sobre. Nanginginig ang aking kamay at nag-aalinlangang kinuha ang iniaabot nito. Parang kinakapos ako ng hangin habang dahan-dahang binubuksan ang laman niyon. Tama nga si Louisa, hindi ito isang panaginip. Imbis na pangalan ko ay pangalan ng bestfriend ko ang nakasulat kasunod ng pangalan ng aking nobyo. “Pa-Paano nangyari to? Zyran, nag-propose ka na sa akin, hindi ba? Pero bakit sa kanya ka ikakasal?” parang may tinik na nakabara sa aking lalamunan habang sinasambit ang mga salitang iyon. Hindi ko rin magawang umiyak dahil sa sobrang pagkabigla. “I’m sorry, Aoi,” tanging nasabi lang nito na nagpatigil sa aking mundo. Hindi nito magawang tumingin sa aking mga mata. “She was with me when you’re not there. Abala ka kasi sa pagtatrabaho and suddenly I fell in love with her nang hindi ko namamalayan. I thought it’s just because she’s your bestfriend but then I realize na gusto ko na pala siya,” mahina ang boses na pag-amin nito. “Gaano katagal niyo na akong niloloko?” wala sa sariling tanong ko sa mga ito. Gusto ko magwala, gusto kong sumigaw dahil sa kanilang ginawa pero pilit kong pinapakalma ang aking sarili kahit pa alam kong hindi ko na kaya. “After I proposed to you,” nakayukong sagot ni Zyran. Napaawang ang aking bibig dahil sa kanyang sinabi. Wow. Halos isang taon na pala nila akong niloloko at hindi ko man lang naisip iyon. Hindi makapaniwalang napatingin ako sa kanilang dalawa. Gusto ko silang pagmumurahin. Gusto ko silang saktan pero wala akong lakas na gawin iyon. Hindi ko lubos maisip na magagawa akong pagtaksilan ng aking matalik na kaibigan na itinuring ko ng kapatid, naging sandigan ko sa lahat ng oras. Simula ng high school ay kasanggang dikit ko pero siya palang magiging ahas na tutuklaw sa lalaking mahal ko. At hindi ko rin inaasahan na mahuhulog ang loob ni Zyran sa kaibigan ko. Binigay ko sa kanya ang buo kong pagtitiwala pero matagal niya na pala akong niloloko. Isipin mo na lagi ko silang kasama pero yun pala mukhang ako na lang ang humahadlang sa kanilang pag-iibigan. “Posh, hayaan mo na si Zyran. Buntis ako at siya ang ama. Ipaubaya mo na lang siya sa amin ng magiging anak ko at sana ay maging masaya ka pa rin sa amin,” nagmamakaawang sabi ni Louisa. Gusto kong matawa sa sinabi nito. “Ha? Maging masaya sa inyo? Eh pinagmukha niyo nga akong t4nga. Akala ko kaibigan kita pero ahas ka rin pala. Nagpabuntis ka na nga sa fiance ko, inagaw mo na nga sa akin tapos hihiling ka sa akin na maging masaya ako para sa inyong dalawa? Are you out of your mind?” imbis na maiyak ay parang gusto kong sumabog dahil sa sinabi ni Louisa. “Aoi! Tumigil ka sa pag-eeskandalo. Buntis ang anak ko, kung anuman ang mangyari sa kanya ay kasalanan mo,” banta sa akin ni Tita Vina na tumayo na rin at lumapit kay Louisa. “Posh—” “Stop calling me, Posh. You are not my friend, Louisa. From now on, wala akong pakialam kung may pamilya pa ako o kaibigan,” matatag na sabi ko habang titig na titig kay Louisa. Aalis na sana ako nang may maalala ako. Hinugot ko mula sa aking palasingsingan ang singsing na ibinigay sa akin noon ni Zyran nang mag-propose ito sa akin. “Muntik ko na makalimutan. Here, sa’yo na ang fiance ko tutal naman gustong-gusto mo kung anong meron ako. Mukhang botong boto nga si Tita Vina, eh. Wish granted ka na, Tita. Hindi ba palagi mong sinasabi na sana makahanap ang anak mo ng kagaya ng fiance ko? Ayan na, natupad na. Oh, kung ipapamukha niyo sa akin ang mga naitulong niyo sa akin. Pinagtrabahuan ko lahat ng iyon kaya wala akong utang na loob sa inyo, isa pa nakuha niyo na rin naman ang boyfriend ko kaya sana masaya na kayo,” sabi ko saka ibinato kay Louisa ang engagement ring saka ako naglakad papalayo. Mabilis ang aking lakad papalabas ng restaurant. Hindi ko tinangkang tumingin pa sa kanila at agad na sumakay sa isang nakaparadang sasakyan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD