AOI'S POV Makalipas pa ang dalawang araw na pamamahinga sa aming bagong bahay namin ni Eoghan ay nagpasya na akong pumasok. Pinipilit pa nga ako ni Eoghan na manatili pa ng isang araw sa bahay kasama ito pero hindi na ako pumayag pa. Lugi ako dahil kahit nasa bahay ito ay nagagawa nitong magtrabaho habang ako ay walang ibang ginawa kung hindi makipag-cariΓ±o, humiga, matulog at magbabad sa social media. Gustong-gusto ko na bumalik sa aking trabaho dahil parang hinahanap na rin ng aking katawan ang pagiging doktor. Wala naman itong magawa kung hindi sundin ang gusto ko dahil una pa lang ay sinabi ko na rito na ang paggamot sa maysakit ang aking pinagustong gawin. Maaga itong gumising upang maghanda ng aming makakakain. "Ang aga mo magising?" takang tanong ko rito habang pababa ng hagdan.

