AOI'S POV Pagkasarado ko ng pinto ay agad akong nahiga sa kama. Hindi man halata ay ambigat pa rin ang katawan ko dahil sa hangover, pagod sa biyahe sabayan pa ng fatigue na hindi kayang malunasan ng isang araw na pahinga. Paglapat pa lamang ng aking likod sa napakalambot na kama sa ilalim ng kulambo ay agad akong hinila ng antok. Naalimpungatan na lamang ako nang may mahihinang kamay ang tumapik sa aking balikat. Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata at nasilayan ko si Eoghan na nasa harap ko, ilang pulgada lamang ang pagitan ng aming mga mukha at napakalapad ng ngiti. “Sorry if I disturb you. Baka hindi ka na makatulog mamaya kapag hindi pa kita ginising.” Langhap na langhap ko ang mabango nitong hininga na nakakaakit at tila nagpapaalala sa akin ng halik na aming pinagsaluha

