Napalunok ako nang matuon ang aking tingin kay Zyran na nakatitig sa akin. Hindi ko alam kung ano ang aking dapat gawin ngunit bago pa man makalapit si Zyran sa akin ay nagsalita na si Eoghan. Ang braso kong nakakawit sa kanyang braso ay kanyang tinanggap. Bagkos, ipinulupot niya ang kanyang braso sa aking bewang at inilapit sa kanya. "Good afternoon everyone. I want to thank all of you who are here this afternoon and who accepted my invitation. This afternoon, we are not only celebrating the successful opening of the new venture I started in this country. I also wanted to introduce this lovely lady beside me Aoi Xyriel Montecarlo, my fiancèe. And tomorrow will be the day where we exchange our vows. So, everyone here will be invited," anunsyo ni Eoghan sa lahat. Ipinakita pa nito ang suot

