Chapter 12

831 Words
#12 "What the f**k? Tinanggal ka nila sa trabaho dahil lang sa..." nasa isang coffee shop kami ni Pauline sa may Glorietta at nakipagkita nga ako sa kaniya dito dahil sa gusto kong sabihin sa kaniya ng personal iyong nangyari sa akin ngayon. At base na rin sa reaksyon niya ay hindi siya makapaniwala na nawalan ako ng trabaho nang gano'n gano'n nalang, at tinawag pa niya akong tanga, bakit raw hindi ko man lang naipagtanggol ang sarili ko. Bakit hindi ko man lang raw sinabi na, nagpapanggap ako. Bakit hindi ko raw sinabi na in the first place, si Abi naman talaga iyong nanloko at hindi ako. Hindi ko siya kinibo. "So nakipagkita ka sa akin, para ako? Titigan lang ako?" umiwas ako ng tingin sa kaniya. "Oh, tapos ngayon iiwasan mo naman ako ng tingin." Dagdag pa niya. "Akala ko ba, ayaw mong tinititigan kita?" sabi ko. "Ay, ang bobo talaga! Jusko, Gino! Anyway, since wala ka na rin namang trabaho, makakapagfull-time na tayo sa plano. So, are you ready?" so, plano na naman siya? "Ready for what?" pagtataka ko. "Magbabakasyon tayo," sabi niya sa akin. "What? No! Kailangan kong maghanap ng trabaho. Marami pa kaming binabayaran ni Abi, hindi naman ako papayag na siya ang magshoulder ng mga iyon." "Ang OA mo! Just to inform you, na iyang magaling mong asawa ay pupunta lang naman sa Boracay para makasama ang asawa ko. Okay na ba?" A-ano? Magbabakasyon silang dal'wa? Samantalang hindi man lang niya ako mabigyan ng oras, kahit man lang saglit? "So, ano? G?" "G!" nagulat siya nang sumagot ako ng gano'n. "Saan mo natutunan iyan?" "Watever!" sabi ko sabay tayo at hinabol na niya ako. ... Kinabukasan ay nakarating na kami ng Boracay. Nakapag-booked na kasi kaagad si Pauline ng ticket para sa aming dal'wa at kaagad na rin kaming bumiyahe. Sinabi sa akin ni Pauline na iyong hotel na pagsstayhan namin ay pagmamay-ari raw ng pamilya ni James. At nakapag-booked siya sa kwarto na kung saan katabi lang ng kwarto na kinuha nila Abi. Pagpasok namin sa unit ay napansin ni Pauline na tahimik ako. "Kinakabahan ka ba?" tanong niya sa akin. Umiling ako. "Weeeh? Hindi nga," parang hindi siya naniniwala. "Hindi ko alam. Hindi ko alam kung anong mangyayari. Uhm, may favor lang ako," Sabi ko kay Pauline. "Ano iyon?" tanong niya. "Pwede ko bang sapakin sa mukha iyong asawa mo?" imbis na magulat ay tumawa siya ng malakas. "Anong nakakatawa?" nainis ako ng bahagya. "Marunong ka bang makipag-away? Para kasing hindi e." sa totoo lang, hindi talaga. Kahit kailan, hindi pa ako nakipag-away o nakipagbasag-ulo kahit noong bata pa ako. "Basta, kapag nagkaharap kami, sisirain ko ang mukha niya." Naiinis na sabi ko. "Well, good luck nalang sa iyo." Sabi niya habang kumakain siya ng chips at nanonood ng movie sa Netflix. "Good luck?" "Uhm, basta good luck!" sabay halakhak niya. Kinuha ko ang phone ko't tinext ko si Abi. "Love, nasaan ka ngayon?" tanong ko sa kaniya. After 2mins nakatanggap ako ng reply mula sa kaniya. "Kanila, Mommy why?" kaagad akong tumawag sa kapatid niyang si Cholo na nasa bahay nila. "Cholo, nandiyan ba ang Ate mo?" tanong ko sa kaniya. "Kuya Gino, kahapon pa po wala si Ate dito." Sagot niya sa akin. "A-ah gano'n ba?" "Kuya Gino, ano po bang nangyayari sa inyo ni Ate? Bakit nandito po ulit siya? Magkaaway po ba kayo?" ramdam ko sa boses ni Cholo na nag-aalala siya sa amin dal'wa. "Nagkatampuhan lang kami ni Ate mo, maaayos din namin ito." Sabi ko sa kaniya. "Sana nga po, kasi napapansin ko po na parang..." maya-maya ay narinig ko ang boses ng Mommy Maureen. Ang mommy ni Cholo at Abi. "Sige na Kuya, tinatawag na kasi ako ni Mommy, bye!" saka niya binaba ang tawag ko. "Confirmed, right?" taas kilay pang sabi ni Pauline. Tumayo siya't dumiretso sa may kwarto. Habang ako inaayos ko ang gamit ko't nang matapos ay dumiretso narin ako sa kwarto, kaso pagbukas ko ng pintuan ay laking gulat ko ng makita kong nakabikini si Pauline ng minutong iyon at talagang nanlaki ang mga mata ko sa nakikita ko. Nang tila mapansin niya na may tao sa kanyang likuran ay humarap siya sa akin, tumigas ang alaga ko't kaya tinakpan ko ito pero napansin ito ni Pauline at natawa siya. Pinagtawanan na naman niya ako. "Para kang tanga! Ngayon ka lang ba nakakita ng babaeng nakabikini?" tanong niya sa akin. Napaka-casual talaga niya makipag-usap sa isang lalaki na para bang lahat ng lalaki ay madali niyang makapalagayan ng loob. "O-oo? Uhm, besides sa asawa ko, siyempre, wala na!" nahihiyang sagot ko sa kaniya. "Weird! Buti hindi ka pinag-isipan ni Abi na bakla. Para ka kasing bakla, pero masyado kang cute para maging bakla. Anyway, nasa beach tayo, so if I were you..." lumapit siya at akmang hahawakan niya ang harapan ko pero umiwas ako, tapos tumawa na naman siya ng malakas tapos pinalo niya ang pwet ko. Loko talaga ang babaeng iyon!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD