#22 Mukhang hindi nagbibiro si Pauline sa sinabi niya sa akin. Binalaaan naman niya ako na medyo may pagka-psychotic raw ang pamilya niya. Nang oras na dumating kami ay nagluluto sila sa bakuran. Ang daming tao. Ang daming nagtutulong-tulungan. Nabalitaan raw kasi nila na babalik na ang prinsesa nila. Kaagad na sinalubong si Pauline ng mga naglalakihang katawan na mga lalaki. Tapos napatingin ito ng masama sa akin. Ngumiti ako kahit na nangangatog na ang tuhod ko sa takot. Akala ko sa aha slang ako matatakot. Pero, iyong pagtitig nila sa akin na para bang isa na ako do'n sa mga lulutuin nila mamaya? Bala-bara Island. Occidental Mindoro! Halos apat na oras din ang binayahe namin sa dagat palang ah? Makarating lang sa isla nilang ito. Akala ko na sa ibang mundo na ako kasi, hindi ko akala

