#6
Tinapos naming dalawa kainin iyong niluto niyang pakbet habang nanood ng showtime. Tawang-tawa siya kay Vice Ganda. Lahat ng mga jokes at banat niya ay bentang benta kay Pauline. Sa totoo lang ang babaw lang ng kaligayahan niya. Nang madapa si Vice, sobrang hagalpak siya sa kakatawa to the point na nahulog pa siya sa kinauupuan niya. Nagalala tuloy ako sa kaniya at inalalayan.
"Mabuti ka pa, natotolerate mo iyong ganitong arte ko, si James, naku! Kapag nakita niya na nanonood ako ng ganitong klaseng palabas, magagalit na siya." ano bang ikakagalit ng isang tao sa panonood ng ganitong klaseng palabas. Sa totoo lang, hindi na ako gaanong nakakanood ng palabas sa TV kaya kapag nagkakaroon ako ng chance na makanood ng TV ay chinicherish ko. Para kasi akong bumabalik sa pagkabata na excited kang umuwi para makanood lang ng palabas sa TV at ang genuine lang ng ngiti niya sa tuwing nakatutok siya sa TV.
"Alam ba ni James na nandito ka sa condo niya?"
"Hindi lang isang unit ang pagmamay-ari ni James. Siya mismo ang may-ari ng buong building na ito. Siya ang may-ari ng condo na ito! Sa tingin ko, iyong ginawang surprise sa iyo ni Abi, for sure pinaapprove pa niya iyon sa asawa ko." sa totoo lang nasaktan ako sa narinig ko. Para bang iyong kutsilyo na nakatusok sa puso ko ay mas lalo pang dumiin. Sumisikip ang dibdib ko.
…
Alas diyes na ng gabi dumating si Abi mula sa trabaho niya. Pero base sa mga narinig kong rebelasyon mula kay Pauline, sa tingin ko hindi siya nagsasabi ng totoo. Baka nga hindi rin totoo iyong sinasabi niyang finafinalized ng boss niyang si Sir Alfie iyonh presentation nila.
"Oh! Gising ka pa pala?" gulat na sabi ni Abi sa akin ng makita niya akong nakaupo sa couch at nanonood ng TV.
"Inaantay kasi kita," sagot ko.
"Sorry, hindi na ako nakapagtext kasi sobrang exhausted sa office, naririndi na nga tenga ko sa boses ni Sir Alfie." sabi niya na para bang sumasakit ang ulo niya.
"Kinansel ko na iyong nireserved kong restaurant para sana sa celebration natin ng 3rd year anniversary."
"Omg! I almost forgot! Love, I'm so sorry!" Lumapit siya sa akin at niyakap ako ng mahigpit habang patuloy siya sa paghingi ng tawad. Habang magkayakap kami, para bang may naamoy akong kakaiba. Amoy ng pabango ng isang lalaki. Tapos kumalas siya.
"What do you want? We can still celebrate our anniversary, Love. We still have time. The night is still young, saan mo gustong pumunta?" sunod sunod niyang sinabi sa akin.
"Pagod kasi ako, and i know na pagod ka rin. Uhm, i prepare a simple dinner for us."
"Okay then, let's celebrate. Aakyat lang ako sa taas para magpalit ng damit, then sabay na tayong kakain, right? Thank you, Love! I love you so much!" nag flying kiss pa siya habang patakbo siyang umakyat sa hagdan.
Mahal mo ba talaga ako, Abi o minahal mo lang ako para maging panakipbutas sa puso mong kahit kailan si James na ang laman?