Nagising ako na pagod na pagod at ang bigat ng aking pakiramdam. May naririnig akong beeping sound at naaamoy ko rin ang disinfectant na pamilyar na scent sa ospital. Tama, nandito ako sa ospital at habang nasa emergency ako, nawalan na ako ng malay. Nagmulat ako ng aking mga mata at nakita ko ang puting kisame. Ginalaw ko ang aking kamay at tinakip ito sa aking mga mata dahil nasilaw ako sa ilaw. “Theia…” tumingin ako sa nagsabi nito at pamilyar na boses. Bahagya akong napangiti nang makita ko ang nag-aalalang mukha ni Crius. Maingat niyang hinawakan ang aking kamay. “Mabuti at gising ka na, wife. I was so worried. May masakit ba sa’yo? Paparating na ang doctor, tinawag siya ni Diana.” napakunot noo naman ako. “Nandito si Diana?” paos ang boses kong sabi at tumango siya. Napahawak ako

