Kinabukasan, nilagay ako ni Crius sa isang wheelchair at dadalhin niya ako sa NICU para makita ko ang aming baby. Hindi niya pa ito napapangalangan dahil hinintay niya ako na magising. Ayaw niya daw na pangunahan ako at gusto rin niya na ako ang magpangalan sa aming baby girl. Tulak ako niya ako palabas ng kwarto habang may nurse kaming kasama. Ayoko na sana na mag-wheelchair pero worried ang aking kasama at baka mas lalo akong masaktan pag naglakad ako. Hindi ako mapakali dahil excited na talaga na makita ito. Nakita ko ang sign ng NICU at pumasok kami sa hallway na ‘yon. Tumigil kami sa isang nurse’s station at sinabi ng kasama naming nurse ang pakay namin doon. Inalalayan ako ni Crius na tumayo at binigyan kami ng gown, hair cap at mask. Tinulungan ako niya ako na isuot ang mga ‘yon t

