Chapter 99

1896 Words

Bigla akong nagising sa malakas na pagkatok sa pinto ng bahay. Nagmulat ako ng mga mata at kaharap ko ang chest na may naglalakihang pecs. Tinaas ko ang aking ulo at sumalubong sa akin ang natutulog na mukha ni Kreed. Narinig ko ulit ang malakas na katok sa may pinto at nagising na rin ang lalake. Ngumiti siya sa akin at nahihiya rin akong ngumiti sa kanya. Napansin ko na wala na siyang suot na shirt samantalang kagabi ay fully clothed siya. Sandali, hindi ko ba naaalala na may nangyari pang iba sa aming kagabi? Hinalikan niya ang aking ulo at nauna siyang bumngon. Napatitig ako sa perfectly sculpted niyang katawan. Kinuha niya ang kanyang shirt na nakasabit sa upuan na roon at sinuot niya ito. “Sasagutin ko lang ‘yon. Baka magising pa si Daphne.” pagkasabi nito, lumabas na ito ng kwarto.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD