Napatili sa tuwa si Daphne nang buksan namin ang pinto ng magiging kwarto niya. Isang araw lang itong inayos ng magkapatid at tapos na agad ito ng hapon na. Mayos naman na kasi ang kwarto at lagayan na lang ng maliit na kama at kung anu-ano pa na paglagyan ng mga gamit ng bata. Naglagay na sila ng pink na wallpaper kahapon na may design na flowers. May mini dollhouse rin ito. May nakalapag na play mat sa isang sulok kung saan pwede siyang maglaro. Naging maganda ang kanilang ginawa at mukhang nagustuhan rin ito ng aking anak. “Wow! Kwarto ko-ko ito?!” tuwa nitong sabi at tumalon ito sa kanyang kama na kulay pink rin. Napatawa naman ako at lumapit ako sa kanya. “Mama! It's bawtiful and fink!!!" gumulong ito sa kanyang maliit na kama at tumwa lang ako. “Yes, anak, mula ngayon ito na ang

