Nasa living room ako at nagpi-print ng mga waybill habang hinihintay ko ang pagdating ni Triton. Pasulyap-sulyap din ako sa kwarto ni Seidon nagbabakasakali na lumabas siya. Gusto ko siyang kumustahin dahil nag-aalala ako sa kanya. Ano ba kasing nangyrai? Bakit gano’n na lang ang reaction ng katawan kosa kanya. Kanina ko p ahindi pinapansin ang kakaiba kong nararamdaman para sa kanya pero para itong nag-jump start nang maghawak ang kamay namin. May para pang kuryente na involved na pinagtataka ko talaga. Maging ito ay nagulat, eh, at baka nakaapekto ito sa emotions niya. Baka may bumalik sa kanyang traumatic na nangyari sa kanya sa pagkakahawak namin ‘yon. Tumitingin rin ako sa labas para maaninag ang sasakyan ni Triton pero wala pa talaga siya. Kung bakit kasi ang tagl niyang umuwi para

