“Good morning!” nakangiti kong bati kay Seidon nang lumabas na siya mula sa kanyang kwarto. Kasalukuyan akong nagluluto ng breakfast ng umagang ‘yon habang natutulog pa rin si Triton sa taas. Nag-pause si Seidon sa paglalakad nang makita niya ako. Nagtaka naman ako ng una dahil namula ang kanyang mukha at umiwas siya ng tingin. Tapos naalala ko pala na na-witness niya ang s*x action namin kagabi ni Triton. Ako naman ngayon ang nahiya pero hindi ko na lang ito pinahalata. Bka mas lalong maging awkward kami sa isa’t-isa. “Gusto mo ng kape?” tanong ko sa kanya at kumuha ako ng mug. Napakamot naman siya sa kanyang ulo. Naglakad siya palapit at trumingin lang naman ako sa kanya. “Uhm, Maia… Good morning rin…” mahina niyang sabi. “Hindi ko alam kung anong sasabihin ko pero alam kong nakita mo

