Ilang araw na ang nakakalipas simula nang kumain ng dinner sa amin si Kreed pero hindi pa rin siya nawawala sa isip ko. Lagi niyang ginugulo ang sistema ko lalo na at magi siyang nagme-message sa akin. Minsan naman tumatawag siya at sa totoo lang magaan lang siyang kausap. I feel so comfortable talking to him, at isa pa may dulot ang kanyang boses sa buo kong katawan na nagugustuhan ko. Pinapagalitan ko na nga ang sarili ko dahil buntis na nga ako, lumalandi pa. Hindi na ko nahiya! Tapos itong anak ko kinakausap din si Kreed at parang unti-unti na itong napapalapit rito. Masaya naman ako doon dahil pamilya din naman si Kreed. Pero ayoko na masyadong maging attach sa kanya ang bata at baka may mangyari na ikakalungkot nito. Sa mura niyang edad, nakakaintindi naman ito. Pinaliwanang ko sa

