Ito na yata ang pinakamatagal na dinner na naranasan ko. Parang tumigil ang oras para sa akin especially dahil nasa close proximity lang si Kreed. I mean prang katabi ko na siya pero nasa pagitan namin ang anak ko na laging nakatingin sa kanya. Kung lilingon naman rito si Kreed pa-cute na ngingiti si Daphne tapos ay nag-uusap na sila na para bang matagal na silang magkakilala. Medyo naiinis ako sa anak ko dahil sa pagpapa-cute niya. Pero yan din ang kinaiinisan ko sa aking sarili ngayon dahil naiinggit ako sa sarili kong anak na komportableng nakikipag-usap kay Kreed. Habang ako ay parang pipi na hindi makapagsalita. Nakahinga ako ng maluwang nang tumayo na ang dalawang lalake. Inaya siya ni Apollo sa porch at nagligpit naman kami ni Diana. Sinabi niya na siya na ang maghuhugas at magpah

