Treinta

2689 Words
    SABAY na tumayo ang mga magulang ni Kiko at lumapit sa kanya kaya’t agad ding tumayo si Kiko. Yumakap sila nang mahigpit. I felt teary eyed as I watched the whole family hugging each other. Parang gusto kong i-capture ang moment na ‘yon para hindi ko makalimutan. Alam kong hindi darating ang ganoong pagkakataon sa’kin lalo na at alam ko ang stand ng aking ama pagdating sa kasarian. Ito ang pinakamatibay na dahilan para pigilan ko pa rin ang aking nararamdaman.   "We were just waiting for you to tell us, son,” bulong ng Mama ni Kiko.   “We noticed you weren’t happy and contented whenever you introduce girls to us. Mas excited ka pang magkwento tungkol sa mga kaibigan mo at barkadang lalaki.”   “A-alam n’yo?” Marahang bumitiw sa pagkakayakap si Kiko at umatras nang bahagya upang makita ang mga mata ng mga magulang. They weren’t joking. Seryoso silang nakatitig sa anak para kumpirmahin ang sinabi.   Para akong nanonood ng isang palabas. Palabas dahil para sa’kin ay mapapanood ko lang ito at hindi mararanasan.   “When we saw the news we weren’t surprised. Mas nag-alala kami sa’yo dahil siguradong didibdibin mo. We tried to call you pero you weren’t answering.”   “Sorry po.” Doon na nagsimulang tumulo ang mga luha niya. Ang mahinang pag-iyak ay naging paghagulgol. Ibinuhos ni Kiko lahat ng takot at pangamba sa iyak niyang iyon habang yakap siya ng mga magulang. Habang tinitingnan ko sila ay hindi ko maiwasang mainggit. Hindi dahil isa silang buong pamilya kung hindi dahil may ganoong klaseng tapang si Kiko para umamin at ang mga magulang naman niya ay may bukas na isipan at puso upang tanggapin ang hindi kayang tanggapin ng karamihan.   “We love you, anak. Whatever you decide, susuportahan ka namin. Kung gusto mong sabihin sa mundo, okay lang. Kung ayaw mo naman, we’ll still be here for you.”   Naramdaman ko na ring tumutulo ang luha ko dahi sa sinabi ng ama ni Kiko. Pinunasan ko agad ito habang sinisiguradong walang nakakakita.   Isang maskulado at taong maprinsipyo ang ama niya. Isang batikang aktor na hinahangaan ng lahat hindi lang dahil sa galing sa pag-arte kung hindi pati na rin sa mga charity na pinangungunahan niya at ng kanyang maybahay. Para makita ang ganoon ka-open na pagtanggap ay isang milagro para sa’kin.   I felt awkward and alone all of a sudden. Mas naramdaman kong hindi ako dapat naroon sa lugar na iyon. Sa puntong iyon ay para kong pinarusahan ang sarili ko. At the back of my mind I know kahit papaano ay aasa ako na sa hinaharap ay magagawa ko rin ang ginawa ni Kiko kung sakaling hindi ko maitatama ang sarili kong pagkatao. Hindi ko alam kung kailan ko magagawa ang umamin ng tunay kong pagkatao at nararamdaman dahil wala akong aasahan na taong makakatanggap sa’kin.   Ilang minuto pa silang nag-iyakan bago naalala ni Kiko ang presensiya ko. He asked me to come join them ngunit umiling lang ako at ngumiti. Lumapit ang Mama ni Kiko sa’kin at hinila ako sa isang yakap.   “Thank you for bringing our son home, Luke.”   Sumunod naman ang mag-ama at nagkaroon na ‘ko ng chance na makauwi na para mabigyan silang tatlo ng privacy. Hindi naman na kailangan ni Kiko ng suporta ko dahil nakuha na niya ang ultimate support sa sunod na chapters ng buhay niya, ang mga magulang niyang mapagmahal at maunawain.   “Walang anuman po. Tutuloy na rin po ako, Tita Kris, Tito Joe. Baka hinahanap na rin po ako sa bahay.” Nagdahilan lang naman ako dahil nagmessage naman ako kay Papa noong madaling araw na may pinuntahan akong importante.   “Sige, ingat ka. Salamat ulit,” sabi pa ng ama niya.   “Hatid kita.”   “Thank you po sa breakfast.” Panghuling bati ko at magkasabay kami ni Kiko na lumabas ng silid na iyon. Habang naglalakad papuntang main door ay hindi mapuknat ang ngiti ng kaibigan ko.   “I’m so happy for you,” sabi ko.   “Thank you so much, Luke. I hope you know that I’ll also be here for you as your friend no matter what, okay?”   “Madrama na? Wala naman tayong shooting,” nakangiti kong sagot.   “Basta lang. Tawagan pa rin, ha. Don’t be a stranger lalo na ikaw ang unang nakaalam ng sikreto ko,” pabiro pa niyang itinulak ang balikat ko. I nodded my head and smiled.   Kahit naiingit ay masayang masaya ako na naging maayos ang lahat para kay Kiko. Alam kong magiging mahirap pa rin para sa kanya kung malalaman ng iba dahil maraming taong mahilig manlibak at manlait ng kapwa lalo na kung hindi nila maunawaan, ngunit dahil nakuha niya ang acceptance ng mga magulang niya ay siguradong mas magiging bearable para sa kanya ang lahat.   “Siyempre naman. Sige na, uwi na talaga ko. Ingat ka.” Naghandshake pa kami at bro-hug bago ako tuluyang sumakay ng kotse. Habang lumalabas ang kotse sa gate ay nakita ko pa rin na nakatayo siya sa may driveway nila at inaabangan akong umalis.   That was the last time that we saw each other in person during that year. Matapos ang araw na iyon ay nagpress conference si Kiko at nagpaalam na sa pag-aartista. He bravely admitted that he is gay but then he chose to migrate to the US with her parents. Noon pa naman silang may planong umalis ngunit dahil sa gusto niya munang subukang mag-artista ay nanatili sila sa Pilipinas ng ilang taon matapos magbalik ng ina niya nang gumaling na mula sa sakit. When he decided to live a normal life away from the spotlight ay saka sila nagpasiyang mangibang bansa. Nang araw ng flight nila ay nagkataong nasa France naman ako para sa isang Runway fashion show kaya’t hindi kami nagpang-abot.       ANG istorya ni Kiko ang nagbukas ng daan sa’kin para mas lalong makilala ang sarili. Mula nang araw na iyon at sa paglipas ng mga taon ay unti-unti kong natanggap na walang mali sa’kin. Hindi ko man maamin sa kahit na sino, hindi ko na masyadong itinatanggi kung anong hanap ng puso at katawan ko. Kapag mag-isa ako ay nanonood ako ng mga palabas na may temang homosekswal. Sa tablet ko naman ay nagbabasa ng mga fiction stories sa mga online reading platforms. Iginugol ko ang personal kong oras sa pagkilala ng sarili. Isang offer sa’kin ang mas nagpabago ng pananaw ko.   “Luke, may bagong series hango sa isang libro. Ikaw ang naisip ko dahil sabi mo gusto mo ng challenging roles. Ikaw rin ang gusto ng producer kaya sabi ko ay kakausapin kita kung gusto mo,” bungad ng manager kong si Resty nang kumakain kaming dalawa sa isang Japanese restaurant after ng commercial shoot ko.   Ilang taon na rin ako sa pag-aartista, 29 years old na ‘ko at marami na ring nagampanan na roles na kakaiba. Ngunit ngayon pa lang ako mabibigyan ng pagkakataong gumanap bilang isang bakla sa telebisyon.   “Anong klaseng character ba niyan?”   “Hindi siya masyadong feminine pero mahal na mahal niya ang kapartner niya. May mga kissing scenes and intimate scenes din. Susubok ‘to ng kakayahan mo bilang aktor,” pageenganyo pa ng aking manager.   “Give me the script and I’ll think about it,” sagot ko. At the back of my mind I’m already considering it. Gusto ko iexplore kung kaya ko na nga ba unti-unting mag-let go. Still, my father’s health condition is lingering in my mind. Nang lumipat kami sa mas malaking bahay ay nag-lie low ako sa simbahan dahil na rin abala ako sa pag-aartista. Gayumpaman ay aktibo naman si Papa sa bagong parokya bilang Lay Minister. Isang linggo din kada buwan ay may pa-bible study siya sa bahay namin kasama ng mga ka-parokya namin.   “Sige, don’t worry. Professional ang mga katrabaho mo. Magugustuhan mo sila. Ah, si Kiko pala ang isang inoofferan na gaganap na kapareha sa istorya kaso ay hindi pa tinatanggap. Comeback project niya after, how long na nga ba? More than three years na yata. Nabalitaan mo naman na active sya sa mga theater at stage plays sa New York, ‘di ba?”   Tumango ako at ngumiti. Hindi man kami madalas mag-usap ay nagpapalitan kami ng emails at nag-vivideo chat din tuwing may okasyon at kapag may importanteng kaganapan sa’ming dalawa.   “I knew about the stage plays pero hindi itong offer na ‘to. Baka hindi niya rin alam na isa ‘ko sa pinagpipilian sa role ng kapareha?” I imagine seeing his face na nakanganga at parang gulat na gulat kung malalaman na ako pala ang makakasama niya. Iyon ay kung tatanggapin naming dalawa ang role.   “I suggest you call each other. Kayo kasing dalawa talaga ang gusto ng producer. It was the same producer ninyo sa una niyong project together.”   “Sige. Don’t worry. Pagkabasa ko ng script tatawagan ko kaagad, okay?”   Ilang araw din akong nagbasa ng script at nag-isip kung tatanggapin ko ang role. Naisip ko na magiging outlet ko iyon kahit na nang mga nagdaang araw ay masyado akong abala sa trabaho na hindi ko na naiisip pa ang mga bagay na personal.   I was lying on my bed when my phone beeped. Napangiti ako nang makita kung sino ang gustong makipag-usap.   "Friend,” sagot ko. Ngumiti nang napakalapad ang nasa kabilang linya.      “Friend! May nabalitaan ako,” nakangisi niynag sabi. Wala naman halos nagbago kay Kiko. Hindi siya nag-cross dress at hindi rin nagbago ng pananamit. Pati ang way ng pananalita niya ay pareho lang ng dati. Ang pinag-iba lang ay open na siyang makipagrelasyon sa mga lalaki.   “Ano?” nakakunot ang noo kong tanong. Magpapanggap muna ‘kong walang alam.   “You were offered the other half of the Two Daddies series!” nanlalaki ang mga mata niyang sabi.   “O? So? Tinanggap mo ba ang other half? Alam mo namang nagseselos sa’kin yang jowa mong hilaw.” Biro ko sa kanya. Umirap ito at tumawa ng malakas.   “Nagbreak na nga kami. Kanina lang actually. Nageempake ako ng gamit ngayon. Kaya nga ‘ko tumawag para sabihin na tatanggapin ko na ang offer.”   “Okay ka lang? Bakit parang ang saya mo? ‘Di ba kaka-anniv niyo lang ng jowa mong hilaw?” Biro ko laging hilaw dahil masyadong maputi ang karelasyon niyang may lahing Chinese.   “Pinauwi ng mga magulang sa China. Ipinakasal sa babae. Anyways, hayaan mo na siya. Last month ko pa gustong makipag-break masyadong seloso. Pati ang mga kasama ko sa trabaho pinagseselosan.”   “Ganda mo kasi!” pabiro kong sabi. Dumila lang siya at tumawa.   “Seryoso, friend. Okay lang ako. So, paano? Uwi na ‘ko ng Pinas kapag tinanggap mo tatanggapin ko na rin. Game na?”   “Parang excited ka naman masyado,” nakangisi kong tanong.   “Siyempre! Comeback offer ko to sa TV. Sabi may movie installment din daw ito kapag maganda ang kinalabasan?” Excited niyang sabi.   “Hindi pa ‘ko nakipagusap talaga about the offer. I’m still reading the script,” pag-amin ko.   “Hindi ko pa rin nabasa masyado. Naglilinis akong bahay. Nageempake na nga." Tumayo siya mula sa inuupuang lamesa at umikot-ikot. Ipinakita na nasa apartment siya. Iyon ang apartment kung saan sila magka-live in ng kanyang nobyo.   “Huy, sure ka ba na okay ka lang? One year din ‘yon.” Napabuntonghininga ako dahil sa ngiti niya ay mukhang may itinatago siyang lungkot.   “Oo naman, okay lang. Ano naman panama ko sa heritage nila hindi ba? Sabi nga ng parents niya, legacy and bloodline nila ang nakataya kapag hindi ko pinabayaang makasal sa babaeng may matres ang jowa kong hilaw, kaya ‘yon pinawalan ko na.”   “Kiks,” nakanguso kong sabi. Iyon ang naging tawag ko sa kanya simula noong magpunta na siya ng US.   “Okay nga lang ako! Alam mo naman ang motto ko, kapag parehong may bukol, minsan hindi uukol.” Nagkatinginan kaming dalawa at maya-maya pa ay sabay na humagalpak ng tawa.   “Sa limang jowa na nagdaan sa buhay mo, puro ‘yan ang sinasabi mo.” Napabuntonghininga akong bati sa kanya.   “Friend, aminin mo na. Ang gusto mo talagang sabihing term ay, sa limang nagdaang jowa sa buhay mo na iniwan ka,” nakataas ang kilay niyang pagbanat.   “Sige na, change topic na lang. Kung gusto mong murahin ko ang ex mo, sandali, hihinga lang ako.”   “Hindi na!  Magkakasala pa ang kaibigan kong banal! Keri lang promise. I can live without d***s because I have one myself.”   “Pssst! Ingay mo!” nakangiti kong sita sa kanya. Kunwari ay naeeskandalo ako sa sinasabi niya. Iyon lang marahil ang nagbago sa kanya. Ang pagiging outspoken niya tungkol sa sekswalidad niya.   “Friend, sige na. Tanggapin na natin ang offer.” Nagpa-cute pa ito sa kabilang linya.   “Sige. Kapag umamin ka sa’kin na mahal mo pa ang jowa mo, papayag ako.”   “Luh, bakit naman?” Tumaas ang isang kilay niya at umirap sa'kin.   “Baka madevelop ka sa’kin gaga ka.” Biro ko sa kanya. Nanlaki ang mga mata niya at nagpaypay gamit ang dalawng kamay.   “Gaga ka din! Kapag narinig ka nila Mama at Papa sa sinabi mong 'yan baka mapikot ka nang di oras. Ilang beses na ‘kong sinabihan tuwing maghihiwalay kami ng mga jowa ko na akitin na lang daw kita.” Nakataas ang kilay at nakangisi niyang sabi.   Natawa ako ng malakas. Alam kong pinaghihinalaan ako ng mga magulang ni Kiko maging ni Kiko minsan na pumapatol din sa lalaki. Totoo naman, ang kaso ay hindi ko pa ito magawa kagaya ng ginagawa niya. Sa totoo lang ay hindi ko pa nagawa at naamin kahit kanino. Walang nakakaalam pa rin na kahit na sino.   “Sige, gawin mo na ang pinagagawa ko para tawagan ko na si Resty at magkapirmahan na ng kontrata,” paghamon ko kay Kiko.   “Ayokong sabihn na mahal ko pa siya dahil hindi na. Hindi na talaga. Promise. Mamatay man siya now na.” Nagtaas pa siya ng isang kamay para mangako. Nagpalinga-linga pa si Kiko na parang tinitingnan kung may nakarinig ba sa kanya.   “Huy! Masama ‘yan!” pagsaway ko kahit na natatawa ko sa kalokohan niya.   “Sige, sige, heto na. Dali. Lapit ka.” Inilapit niya ang mukha sa screen at ganoon din ako.   “O, nakakaduling, ano ba?”   “Hindi ko na love si Stephen pero ikaw love ko. Hindi ko na kailangang madevelop sa’yo kasi dati pa naman love na kita. Okay na?” Napalunok ako at pinanlakihan ng mga mata. Nang makarecover ako ay saka ako napasigaw ng sagot.  “Ano!?!” Muntikan kong mabitiwan ang phone ko dahil sa sinabi niya.   Maya-maya pa ay tumawa na siya nang malakas. Lumuluha ang mga mata sa katatawa bago muling nagsalita.   “You should have seen your face. It was so funny. Joke lang! Hidi ba sabi mo, we’ll remain friends forever. Hindi tayo talo, ‘di ba?”   Napakagat ako ng labi habang bumilis ang t***k ng puso ko. Ilang beses ko na nga bang sinabi sa kanya ‘yon. Tuwing sasabihin niya sa’kin na sana ako na lang para hindi na siya masaktan ay napapaisip ako kung totoo ba ‘yon o biro lang.   “Gaga ka talaga. O sige na. May tumatawag sa isang phone. I’ll call you later or call me when you decide. Okay?” Pag-iba ko ng usapan kahit wala namang tumatawag sa landline ng phone. He was smiling at the other end of the line. Kapag ganoon na ang ngiti niya ay napapaiwas ako ng tingin.   “Thank you, Luke for always being there for me. You’ll always be the best for me. I’ll see you soon, okay?”   “Ingat ka sa paglilipat. Say hi to your parents for me.”   “They'll say hi to you, too. Bye, friend.”   “Bye.”     TINANGGAP naming dalawa ang offer na gumanap sa palabas na iyon kung saan unti-unting nagbago ang buhay ko.    
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD