Veinte Nueve

1204 Words
    HINDI ko alam kung matutunawan ba ‘ko dahil sa tensiyon. Kahit masasarap at marami ang pagkain ay kinakabahan pa rin ako sa maaring kahinatnat ng pagsama ko roon. I could feel the tension start to build up when we finished eating.   “Ma, Pa, may sasabihin po sana ‘ko,” panimula ni Kiko nang matapos nang mag-almusal kaming apat. I felt awkward dahil feeling ko I’m invading their privacy ngunit tumingin sa’kin si Kiko na para bang naghahanap ng suporta. Tumango ako at nagthumbs-up sign. Gusto kong malaman niyang okay lang ang magiging resulta kahit na hidi naman talaga namin sigurado.   “Sa may study tayo. Let’s have tea or coffee. Luke, ikaw, kape ba o tea?”   “Okay na po ako, Tita. Thanks po.”   Napangiti ako dahil inacknowledge ng Mama ni Kiko na kasama ako sa magiging usapan kahit na dapat ay pampamilya lang ito. Marahil alam niya talaga ang ugali ng anak na nangangailangan ng moral support sa paligid.   “Let’s go. Mauuna na kami sa loob. Sunod kayo,” sabi ni Tito Joe nang tumayo ito at kunin ang kamay ni Tita Kris. Magkahawak kamay silang naglakad patungo sa isang hallway sa kaliwang parte ng bahay.   Nang hindi na namin sila tanaw ay lumapit ako kaagad kay Kiko.   “Sure ka ba isasama mo pa ‘ko sa loob?” tanong ko.   “Oo. Kung mautal ako at hindi matapos nang pag-iyak, baka pwedeng tapikin mo ‘ko sa balikat o sipain ang paa basta para lang maalala kong may sinasabi nga pala ko.”   “Kalmahan mo lang. Mukhang hindi naman sila galit.”   “Kaya nga ko mas kinakabahan. Hindi sila galit. Mas nakakaguilty tuloy ang sasabihin ko.”   “Tara na. Nakakahiya pinaghihintay natin sila.”   He sighed and stood up. Huminga pa siya ng tatlong beses bago tuluyang naglakad patungo sa lugar na pinuntahan ng mga magulang niya. Habang nakasunod ako ay napansin ko ang nakahilerang mga frames sa hallway. Sa kaliwang side ay mga portrait ni Kiko simula bata hanggang paglaki habang sa kanang bahagi naman ay mga larawan ng mag-asawang artista noong kabataan at kasikatan pa nila.   Pagpasok namin sa malaking oak door sa dulo ng hallway ay nakaupo na sa sofa ang mag-asawa. May tea set sa ibabaw ng lamesa na mukhang may naka-brew na na tsaa at isang coffee nespresson machine at maliit na tasa. Mukhang tsaa ang kay Tita Kris habang ang sa ama naman ni Kiko ay kape.   “Upo kayo. Luke, thank you for taking the time to be here. I know it may feel awkward but I appreciate that you’re here for my son.” Napahinto ako nang ako ang unang kausapin ng ama ni Kiko.   Hindi ko alam ang isasagot ko kaya’t ngumiti na lang ako at sumunod kay Kiko. May isang bakanteng upuan na solo kaya’t doon ako nagtungo habang si Kiko naman ay sa may isang upuan pa sa tabi ng pinuwestuhan ko.   “Anak, before you say anything, may gusto lang kaming linawin ng Mama mo,” panimula ni Tito Joe. Nakayuko noon si Kiko ngunit nag-angat siya ng tingin nang magsimula na muling magsalita ang kanyang ama.   “When we had you we were not married yet. Malaking eskandalo noong panahong iyon kaya nagtago kami sa US hanggang maipanganak ka. Wala rin nakakaalam noon na magkarelasyon kami at sumabog na lang ang balita nang may nag-leak sa Press na nasa US kami. We were at the peak of our careers when that happened.”   Naalala kong may nabasa nga akong article tungkol sa love story ng mga magulang ng kaibigan ko. Early 20s nang magkaanak ang couple at nagpakasal lang sila noong nakauwi na ng Pilpinas kasama ang baby nila na si Kiko. Nakatingin lang ako kay Kiko habang nagsasalita ang mga magulang niya. Magkasalubong ang kilay at nakakunot ang noo. Marahil dahil hindi niya maintindihan kung bakit ikinukwento sa kanya ang mga nangyari noon.   “Anak, when we knew we were pregnant with you, hindi kami nagdalawang isip ng Papa mo na lumayo for your sake and for our own happiness. Hindi namin naisip na aalis kami dahil ayaw namin ng eskandalo o nahihiya kami dahil sa nangyari. We just wanted to leave the spotlight para maging mas healthy ang pregnancy at para mas maging masaya. We wanted peace of mind and happiness as a family.” The tension in the air was palpable. Hindi ang tension na nakakasuffocate. It was almost as if the son was holding back into hugging his parents dahil sa takbo ng usapan ay mukhang maganda ang kahihinatnan.      “What we’re trying to tell you is that, what matters most for us is you, your happiness and your peace of mind. Kagaya ng paglalaban namin ng Mama mo noon na hindi magkahiwalay at maging isang buong pamilya para maging masaya, we want you to have that same drive too. Kung may gumugulo sa isip mo at nagpapabigat ng puso mo, tell us, son. Sa iyo lang kami maniniwala. We will always believe what you say and will try our best to support you in all means possible. Our parents supported us with our choice and decision kaya maganda at masaya ang buhay natin ngayon ay dahil sa kanila. We want to be like that to you, anak.”   “I don’t know where to start.” Tumingin sa’kin si Kiko at bumulong siya sa’kin ng help. Alam kong nakita rin ng mga magulang niya.   “Someone leaked unwanted photos of him and a footage taken somewhere. Hindi po aware si Kiko na may nangyaring ganoon. Ang hinala namin ay baka may nilagay sa inumin niya. I could only explain about the news. Your son will be explaining the rest.”   I tapped his shoulder na para bang ipinapasa ang baton sa kanya para siya naman ang magsalita. Sa palagay ko ay tapos na ang role ko dahil nasimulan ko na ang sasabihin niya.   “I’m sorry if you’re disappointed in me. Hindi ko alam kung bakit nagpunta ko sa bar na ‘yon. Siguro dahil---” mahabang katahimikan ang sumunod, halos hindi ako huminga sa pag-aabang ng susunod niyang sasabihin.   “You can do it,” bulong ko sa kanya. Tumango siya at nagbuntonghininga ng malalim.   “I’ve known I was different when I was younger. Since Highschool, I think. Pero hindi ko naisip kahit isang beses na ientertain ang pakiramdam na ‘yon dahil ayaw kong masira ang pagtingin ninyo sa’kin at mag-iba ang pananaw sa pamilya natin ng mga tao. I tried to think and feel differently. I really did. Wala din akong intensiyon na umamin kung hindi lang naglabasan ang balita. I would have taken this secret to the grave because of fear of not being accepted.”   Tumingin siya sa mga magulang niya na hindi pa rin nagbabago ang ekspresiyon ng mukha.   “I don’t know if it’s proper to apologize for being one so I won’t say sorry. But I’m sorry for being a cause of worry and disappointment...”   Tiningnan niya sa mga mata ang mga magulang at saka siya muling nagsalita, “I’m gay.”   Pagkasabi noon ay nagulat kaming dalawa ni Kiko sa sunod na nangyari.    
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD