ILANG oras rin kaming nakahimpil sa lugar na iyon bago nagyaya si Kiko na umuwi. Sa ilang oras na iyon ay tahimik lang siyang nag-iisip. Palagay ko ay nakaidlip na rin ako ng ilang beses bago ko muling marinig ang boses niya.
“Luke, pakihatid mo na lang ako sa bahay. I think I really have to talk to my parents. Baka sila ang makatulong sa’kin.”
Bigla ko naalala kung may dala ba siyang sasakyan.
“Teka, wala ka bang dalang auto?”
“Wala. Nag-cab lang ako kanina.” Inayos niya ang upuan at isinuot muli ang seatbelt na inalis niya noong umiiyak siya. Sumunod na rin ako sa pagdiretso ng upuan.
“Sige. Sure ka na ba sa desisyon mo?” tanong ko habang itinataas na ang bintana. Pinaandar ko na ang sasakyan at binuksan ang aircon. I also turned on the headlights and locked the doors.
“Hindi pa ko sure sa gagawin ko pero alam ko naman na there’s no easy way out. Kailangan ko sana ng moral support, kung okay lang?”
I pulled out of the parking. Huminto muna ko at bumaling sa kanya.
“Oo naman. What do you want me to do?”
“Samahan mo ‘ko sa bahay. Just stay there until I’m done talking to them. Baka mawalan ako ng lakas ng loob kung mag-isa lang ako.” He looked at me pleadingly. Kung ganoon ang tingin niya ay kahit sino siguro ay hindi makakatanggi sa gusto niya.
“Sure ka ba na okay lang na nandoon ako?”
Tumango siya at ngumiti kahit alam kong pilit lang ito. “Please be there as my friend.”
Pinaandar ko na ang sasakyan at binagtas na ang daan papunta sa bahay nila Kiko. Kung tutuusin ay pangatlong punta ko na iyon sa kanila. I could see feel him fidgeting in his seat in conscious anticipation of what’s to come.
Matapos ang 45 minutes ay nasa may laba sna kami ng subdibdivision nila. Pagpasok sa guard house ay ibinaba ni Kiko ang bintana kaya’t pinapasok kami kaagad. Habang papalapit kami sa bahay nila ay ramdam ko ang tensiyon niya. Ilang beses din siyang naghugot ng hininga at bumuntonghininga ng malalim.
Pagdating sa bahay nila ay ala-seis pasado na ng umaga. Maliwanag na ang paligid.
“Gising na kaya sila?” tanong ko nang makitang nakakapit si Kiko ng mahigpit sa handle ng pintuan ng kotse. I wanted to relieve some of the tension and fear he was feeling ngunit kahit ako na spectator lang ay kinakabahan at tensiyonado rin.
“Maaga sila nagigising. Tara na alis na tayo habang hindi pa nila alam na andito ako.”
“You said you wanted to go through with this.”
“I know kaso lang natatatakot ako na magalit sila sa’kin at itakwil ako,” namumuo na naman ang luha mula sa mga mata niya.
“You’ll never know unless you try. Tingnan muna natin kung anong magiging reaksiyon nila sa pag-amin mo. That’s what you wanted to do earlier, hindi ba? To try and talk to them.”
“Unico hijo ako, Luke. Sa tingin mo ba hindi sila magagalit na gusto ko pala maging hija?”
Napangiti ako dahil alam kong gusto lang pagaanin ni Kiko ang usapan dahil masyado kaming kinakabahang dalawa.
“Your parents love you so much. Kitang-kita naman gaano sila ka-proud sa’yo. Siguro naman may bearing ‘yon hindi ba? Gusto lang nila anong makakabuti para sa’yo. Wala namang magulang na gustong masaktan ang anak, in the same way that you tried to hide this for fear na masaktan sila.”
“Malaking eskandalo to. Ako pa ang sumira ng pangalan nila.”
“Ang OA sa pagsira ng pangalan. Hindi naman nasira ang name nila. Isa pa, makakalimutan din ng press at media ang nangyari kapag may bago na namang kontrobersiya. Do’t mind them. Mas importante na magkaroon ka ng katahimikan sa sarili at ang mas importante din ay ang unawaan ninyo ng parents mo.”
Gusto kong palakpakan ang sarili ko dahil sa mabulaklak kong mga salita na kahit sa panaginip ay alam kong hindi applicable sa’kin.
“Thanks. Tara pasok na tayo.” Nasa tapat na kami ng bahay nila nang buksan niya ang pintuan at lumabas ng kotse. Lumapit siya sa guard at pinabuksan ang garahe. Pagkatapos noon ay sumakay siya muli at nagmaneho na ‘ko para makapasok ng kanilang driveway. Sa tapat ng mismong front door ng mansyon nila kami pumarada. Sabay kaming nagbukas ng pintuan.
Hindi pa man kami nakakababa ng kotse ay bumukas na ang main door ng bahay at lumabas ang ina ni Kiko.
“Anak, pasok kayo sa loob. Nag-almusal na ba kayo?” Bakas sa mata ng ina ni Kiko ang lungkot at halata ring kakatapos lang nitong umiyak.
“Ma—” Yumakap si Kiko sa ina at sumagot naman din ito ng mahigpit na yakap sa kanya.
“Mamaya tayo mag-usap anak, ha? Kumain muna kayo ni Luke.”
“Good morning po, Tita Kris.” Noon lang ako nagkaroon ng pagkakataon na bumati.
“Good morning. Salamat at sinamahan mo si Kiko. Tara na sa loob nagpapahanda lang ako ng almusal. Naliligo lang ang Papa ni Kiko. Pababa na rin ‘yon maya-maya.”
It would be my second time eating on their home but first time to eat with them as a family. Nakaramdam tuloy ako na out of place ako doon. Kung hindi lang dahil sa pangako ko sa kaibigan kong sasamahan ko siya ay baka nagpaalam na ‘ko at nauna nang umuwi.
Magkaakbay na pumasok ng bahay ang mag-ina. Maya-maya ay lumilingon si Kiko para masigurong naroon pa rin ako sa likod nila habang papunta kami sa Dining Area.
We were all seated around the table in no time. Hindi ko alam kung ganoon ba talaga sila karami maghanda ng umagahan ngunit iba’t-ibang klase ng prutas at pastries ang nasa lamesa. May scrambled eggs, tocino at tapa. May arrozcaldo din at may isang portion na may do it yourself na roast beef sandwich area.
Nang makita ni Kiko ang mga pagkain ay lalo siyang naluha. Marahil dahil paborito niya ang mga nakahain. Nabanggit niya noon sa’kin kung anu-ano ang mga gusto niyang pagkain at ang mga bagay na ayaw niya.
“Good morning. Nandito rin pala si Luke,” nakangiting bati ng ama ni Kiko. Agad akong tumayo at bumati.
“Magandang umaga po, Tito Joe,” magalang kong pagbati.
“Kain na tayo,” nakangiti niyang sagot. Habang nasa hapag ay natural na nag-usap ang mag-asawa habang kami ay matahimik na kumakain. Napag-usapan nila ang nalalapit na Festival sa Baguion na gusto nilang puntahan.
Habang kumakain ay nagkakatinginan kami ni Kiko. Kapwa namin hindi alam kung anong mangyayari sa mga susunod na minuto. Para kaming nasa mata ng bagyo. Hindi namin alam kung gaano magiging magulo ang paligid dahil sa kasalukuyan ay matahimik ito.