Veinte Siete

1777 Words
    HINDI bumuti ang pakiramdam ko kahit matapos ang movie namin nila Kiko. Bagaman naging ka-close ko siya at sa kanya ako mas palagay ang loob, hindi ako naging ganoon kalapit sa iba pa naming kasama.   My irrational fear of getting clsoer to men became more intense as I realized how much I desired to see naked torsos and body of men during fashion shoots and runway walks. Kung noon ay normal lang at walang kaso sa’king makakita ng naghuhubad na lalaki lalo na kung nasa Runway kami ay nag-iba ang lahat matapos ang awards night. Nakakaraos lang ako dahil sa pag-iisip na isa lang iyong acting job na kailangan kong matapos at mapagtagumpayan.   Mas naging malala pa ang takot ko sa sarili nang dalawang buwan matapos ang successful movie premiere namin nila Kiko na humataw sa takilya ay lumabas ang isang eskandalo tungkol sa kanya na ikinagulat ng lahat.   Madaling araw noon nang makatanggap ako ng tawag. Pagsagot ko ay si Kiko ang nasa kabilang linya.   “Luke, tulungan mo ‘ko.” Napabalikwas ako ng bangon nang mapagtantong umiiyak siya. Sumisinghot at humihikbi habang ulit-ulit na sinasabing tulungan ko siya.   “Kiko, nasaan ka?” tanong ko sa kanya habang nagsusuot na ng pantalon sa ibabaw ng boxers na pantulog ko. Humila ko ng t-shirt mula sa closet at mabilis na nagsapatos habang kipkip ang cellphone sa aking tainga, “’Kiko? Tell me where you are. Pupunta na ‘ko.”   “Nandito ko sa Manila Bay. Malapit sa MOA.” Pinaulit ko pa ang sinabi niya dahil hindi ko masyadong naintindihan dahil sa dalas ng hikbi niya.   “Sige ito na papunta na ‘ko pasakay na ng kotse. May kasama ka ba? ‘Wag mong ibababa, mag-usap lang tayo habang on the way ako.” Hindi ko alam kung bakit ganoon ang takot ko na ibaba niya ang phone nang malamang nasa Manila Bay siya. Siguro naiisip kong hindi niya kaya ang eskandalo at baka maisipan niyang tumalon doon.   “Hindi ako magpapakamatay, don’t worry.” Sumisinghot niyang sabi.   “Sira ulo ka kung naisip mo ‘yon.”   “Nasisira na nga ata ang ulo ko. Paano ko nagawa ‘yon, Luke?” Humagulgol si Kiko. Iniatras ko agad ang kotse nang buksan na ng gwardiya namin ang gate. Sa malaking bahay naming naipundar ko ay lima lang kaming tao. Ang gwardiya na umuuwi din kapag dumating na ang karelyebo at ang kasambahay namin at ang driver kong si Mang Tonyo at kaming dalawa ni Papa. “Kiko—” Hindi ko alam kung paano sasagot o paano siya aaluin dahil sa pighati niya.   “I was hiding this for so long, Luke. Highschool pa lang ako alam ko na iba ang gusto ko. I just didn’t acknowledge it dahil ayokong masaktan ang parents ko. With my status, kahit noong bata pa ‘ko ay kilala na ko ng mga tao. Do you know how hard it was for me to live normally? Alam mo ba kung gaano kahirap na makipagrelasyon sa mga babae kahit na lalaki naman ang gusto ko?”   Tahimik lang akong nakikinig sa kanya habang binabagtas ang daan na ipinagpapasalamat kong thirty minutes lang daw ang biyahe dahil wala gaanong sasakyan. Weekday iyon at madaling araw na kaya’t kakaunti ang tao sa kalsada.   “Luke, hindi ko naman inexpect na tatanggapin nila ako kaagad pero sana matanggap nila eventually. I didn’t want to feel this way. Nangyari lang bigla. I tried to counter this by going out with women. Having s*x with them felt like torture to me hindi dahil hindi sila attractive o magaling sa kama kung hindi dahil alam ko at the back of my mind, I want someone else. I want something else.”   “Kiko---” hindi ko alam kung anong sasabihin. Gusto ko lang malaman niyang nasa kabilang linya pa ‘ko.   “When I met you, akala ko parehas tayo. I thought you were hiding the truth pero palagay ko mali ang hinala ko. Nakakatawa kasi akala ko dati bagay tayong dalawa.”   Halos mapapreno ako dahil sa sinabi niya.   “Don’t worry. I know that you’re not like me. Siguro dahil hindi mo pinansin ang advances ko.”   Napalunok ako dahil hindi ko alam ang sinasabi niya. Ang advances ba na sinasabi niya ay ang pag-aaya niya sa’king mag-dinner tuwing may chance? O ang panahong nag-basketball at tennis kaming dalawa sa village nila? Advances din ba ang pagpapadala niya ng pagkain sa bahay tuwing sinasabi niyang nagluto ang mama niya? Napamura ako sa isip dahil akala ko ay ginagawa niya iyon dahil nga magkaibigan na kami at gusto ako ng mga magulang niya.   “I’m sorry, I didn’t know.” Mahina kong sagot.   “It’s okay. Siguro frustrated ako kaya ako nagpunta sa Gay Bar na ‘yon. I was frustrated that I had to be the perfect son and perfect person sa mata ng mga tao dahil sa celebrity status ko. Pero I swear I just went there just to try being inside a place. Hindi ko alam na may mangyayaring ganoon.” Ikinagulat ng lahat nang mabalita sa TV at sa periodiko na nakitang nakikipaghalikan si Kiko sa isa sa mga dancer sa bar na pinuntahan niya. May nag-leak sa media ng mga litrato at video at iyon ang iniiyakan niya ngayon.   “They violated your privacy. Hindi nila dapat inilabas ang mga footage na ‘yon.”   “Hindi ko rin alam paano nangyari. Wala naman ako natatandaang lumapit sa’kin nang gabing iyon. May nagbigay lang sa’kin ng inumin tapos pagkatapos noon malabo na sa isip ko ang mga nangyaring sumunod.”   Naisip ko noong kumalat ang balita na baka na-drug si Kiko dahil sa tipo niya ay hindi siya gagawa ng ikasasama ng image niya at ng kanyang mga magulang.   “Nagpapark na ‘ko. Nasaan ka?” Nahimasmasan na marahil siya noong nasabi kong naroon na ‘ko dahil hindin na siya masyadong humihikbi at sumisinghot. Nakaparada ako sa may pinakamaliwanag na lugar na nakita kong malapit sa Bay at sa mall na sinabi ni Kiko.   “Pupuntahan na lang kita sa kotse mo. Hindi ko alam baka may nakamasid pala sa’kin dito. Saan ka nagpark?”   Nang sinabi ko ang location ay matiyaga akong naghintay. Nang makita ko siya ay ibinaba ko kaagad ang bintana at binuksan ang pintuan ng kotse kong dala. Umaalingasaw ang amoy ng beer ngunit nang tingnan ko siya ay mukhang sober naman at hindi ganoon kalasing.    “Beer lang ininom ko. Don’t worry.” Nag-seatbelt siya at ni-recline ang upuan.   “Kiko? Saan mo gustong pumunta?”   “Sa langit kung pwede kaso hindi yata ko tatanggapin doon.” He closed his eyes and sighed.   “Don’t be too hard on yourself. Wala ka namang maling ginawa,” bulong ko. Hindi ko alam kung paano ko siya icocomfort sa sitwasyong kahit ako ay hindi ko rin alam ang gagawin. Hindi muna ‘ko umalis sa lugar kung saan nakahimpil ang kotse. Ang ginawa ko ay nirecline ko rin ang upuan ko para magkapantay kaming dalawa. He heard the movement. Mula sa pagkakapikit ay dumilat siya at bumaling sa’kin. Sa maputi niyang balat at maliwanag na sinag ng poste kung saan kami nakapark ay kitang-kita ang pamumula ng ilong at pamamaga ng mata niya bunga nang matagal na pag-iyak.   “I don’t know what to say to my parents. More than anyone. Sa kanila ako pinakanahihiya.”   “Nagkita na ba kayo after lumabas ang balita kanina?” tanong ko. When the news broke out I tried to call him but his phone were out of service.   “I sent them a message. Nasa condo ako malapit sa studio nang lumabas ang balita. Umalis ako kaagad dahil baka magpunta doon sila Mama. I wasn’t ready to face them yet. Sinabi ko lang na uuwi ako kapag alam ko na ang sasabihin ko at mahal ko sila.”   “Kiko—” I reached out for his hand na iniabot niya naman. Hinigpitan niya ang kapit sa kamay ko.   “Luke, hindi ko alam kung anong gagawin o sasabihin. Tulungan mo naman ako. Anong gagawin ko?” His voice was pleading and his eyes were on the verge of tears. Pakiramdam ko ang takot na nararamdaman niya ay nananalamin din sa saloobin kong takot at pagkagulo ng isip at puso.   “Hindi ko alam kung my karapatan akong sabihin ‘to sa’yo o kung may kakahayan ako magpayo pero wala namang ibang makakasagot sa tanong mo kung hindi ikaw lang. Would you have peace of mind if you deny the allegations? Kung palalabasin ba na planted ang video at nilagyan ka lang ng droga sa ininom mo, sa tingin mo makakatulong? Based sa sinabi mo ‘yon ang pwede mong gawing story.”   “Kung idedeny ko at mangyayari na naman to ulit, mababansagan naman akong sinungaling.”   “Kung ayaw mong i-deny, then isa lang ang sagot. Kailangan mo nang umamin.”   Bumitiw siya sa’kin at nagtakip ng mukha. Maya-maya pa ay yumanig ang balikat niya at narinig ko ang pag-iyak.   “Tell me what you need. What do you want to do? I’ll help you.”   “Sabihin mo kung tama ba na saktan ko ang mga tao sa paligid ko dahil kakaiba ‘ko?”   “You didn’t mean to hurt anybody, Kiko. Sa pag-iisip mong ‘yan, mas sinasaktan mo ang sarili mo.”   “I deserve to feel this pain dahil kasalanan ko kung bakit nangyayari ‘to. I wasn’t careful. I was selfish and insensitive. Sarili ko lang ang iniisip ko—”   “How can you think that you’re selfish if you’ve been hiding this feelings for so long?”   “Dahil hindi ko nagawang pigilan ang pakiramdam ko. Dapat nanatili na lang nakatago at hindi na nabuklat pa kung ano talaga ‘ko.”   “Wala bang nakakaalam kahit na sino?” Umiling si Kiko. I sighed and realized how painful he might be feeling. Para umamin siya sa’kin ay siguradong napahirap at napakasakit din para sa kanya. He looked at me before he answered.   “I tried to suppress the feelings, Luke, kaso habang tumatagal, bumibigat dito,” itinuro niya ang dibdib niya at saka muling pumikit.   “Babalik at babalik tayo sa tanong na, anong gusto mong mangyari at anong gusto mong gawin?”   Ilang minutong katahimikan bago siya muling nagsalita, “I don’t know where to start.”   “Start from the beginning. Kung saan ka matatahimik at magkakaroon ng peace of mind baka nandoon ang sagot,” bulong ko.    Bigla akong napaisip kung applicable ba sa’kin ang payo ko sa kanya. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD