Bahagyang tinatamaan na nga sila sa knilang mga iniinom na alak kung kaya nagka ayaan sila na sumayaw sa swet music na pinatugtog ng Dj. Si Myla ay isinayaw ni Kenneth ,si Ashley ka-partner si Cj at si Samantha naman ay ka-partner ni Janjan.Naiwan sila ni Daniel sa kanilang lamesa at parang wala yata itong yayain siyang mag sayaw.
'' hmmm napaka antipatiko talaga at talagang hindi man lang ako inaya na mag sayaw hindi tulad ng mga kaibigan nya'' bulong niya sa kanyang isip at habang tinititigan ito na abala sa pag pipindot ng kanyang cellphone. '' Baka ini expect nya ako pa mag aya sa kanya na sumayaw, no way! over my beautiful dead body''.
''Oh, bakit ka nakatingin sakin ? kung aayain mo ako na sumayaw ,sabihin mo ,wag ka mahiya hindi yung idadaan mo ko sa pag titig mo. Kilala ko na yung mga galawan na ganyan. Sanay na ko dyan.'' mayabang na sabi sa kanya ni Daniel nang mahuli sya nito na tinititigan nya ito.
''Aba! ang lalaking to! napaka hambog! ano tingin nya sakin, cheapipay? Ako pa talaga mag aaya sa kanya na sumayaw?'' inis na bulong ni Danica sa sarili.
''Excuse me!? '' maang na sagot na lang nya sa lalaki.
''Halika na! tumayo ka na dyan wag ka na mag pakipot, alam ko naman na gusto mo din ako na isayaw'' biglang tumayo si Daniel sa kinauupuan nya at hinila sya sa braso nito.
''Sandali nga! '' hinila nya ang kanyang braso mula dito. ''Ano ba ang tingin mo dyan sa sarili mo? sobrang pogi mo na ? na lahat ng babae gusto kang maisayaw?'' galit nyang sigaw sa lalaki.
''Halika na! pakipot ka pa!'' kinabig ni Daniel si Danica papunta sa kanya at mahigpit na hinawakan sa bewang kaya wala na nagawa ang dalaga kundi mapilitan na makipag sayaw sa lalaki.
DANIEL's POV...
Kanina pa nya tinititigan ang mukha ng dalagang kasayaw nya sa bar ngayong gabi, sobrang naaaliw syang titrigan ang maamo at maganda nitong mukha na ngayon ay inis na inis sa kany dahil sa kahambugan na ginawa nya.Paano ba naman ay pinilit nya itong mag sayaw at nag kunwari pa sya na ito ang gustong isayaw sya pero ang totoo ay kanina pa nya gustong hilahin ang dalaga sa gitna ng sayawan ngunit nahihiya lamang sya dahil wala sa bokabularyo nya ang maunang gumawa ng hakbang para mapalapit lamang sa isang babae.
Hindi sa pag mamayabang, sa Maynila ay pinag aagawan sya ng magaganda at sosyal na mga babae.Minsan nga sya na lang din ang umiiwas sa mga ito kapag wala sya sa mood makipag fling sa mga ito. Pero itong babaeng kaharap nya ngayon, na hindi nya akalain na may ganito pala kagandang babae sa probinsya ng mga tita nya at kaibigan pa ng pinsan nya. Babae na nakakaakit ang simpleng ganda, ang kanyang malalamlam at mapang akit na mga mata na binagayan ng mahahaba at malalantik nitong pilik mata at ang perpektong guhit ng mga kilaya nito ay talagang nakakaakit. Ang kanyang maliliit na labi na may natural na pula ay tila kay sarap halikan. Ang itim at medyo alon-alon nitong buhok na tila kay lambot at tila kay bango ay bumagay sa kanyang maliit na mukha,at ang amoy nya na dumidikit sa aking ilong na may simpleng bango ay kay sarap samyuin, ang lambot ng katawan nya na ang sarap yapusin at yakapin buong mag damag . Ahhhh nag-iinit ang katawan ko. Iba itong nararamdaman ko kumpara sa mga babaeng nakasama ko.
Sadyang napakasarap titrigan ng dalaga at hindi ako mag sasawa na gawin iyon kahit maghapon at mag damag pa.
Mabuti na lamang at natapos na ang tugtog at nag sibalik na sa kanilang mga pwesto ang mga nag sasayaw sa gitna pati na din ang mga pinsan at kaibigan nya kaya hinila na din nya pabalik sa kanilang pwesto ang dalaga na hanggang ngayon ay nakasimangot pa din sa kanya.
''Ang cute nya pala kapag nagagali '' natatawa sa isip na bulong ni Daniel sa kanyang sarili.
DANICA's POV..
Aba, at talagang nakukuha pang ngumiti ng kumag nato ah! mukhang masaya sya na naaasar ako sa kanya !hmp! inis na bulong niya habang pinag mamasdan si Daniel na nangingiti na nakatitig sa kanya. Sa kanyang inis ay muli syang nag salin ng alak sa kanyang baso at mabilis tinungga at inubos ito.At muli siyang nag salin ng alak at muling inubos ito , pagkababa nya sa baso ng alak nya ay tila umikot ang paningin nya at nakaramdam sya ng bahagyang pagkahilo.Nararamdaman din nyang nag-iinit ang kanyang mukha,mukhang tinamaan na sya sa alak na iniinom nya.Tumayo sya at nag paalam sa mga kaibigan na pupunta muna ng restroom para mag freshen up baka sakali mabawasan ang hilong nararamdaman nya.
''Sure ka ba na kaya mo pumunta sa rest room mag-isa? pwede kita samahan.'' Nag-aalalang tanong sa kanya ng pinsan nyang si Ashley.
''Oo ,ok lang ako.Kaya ko naman eh mas mukha ka pa ngang lasing sakin eh.'' makahulugan nyang sabi sa pinsan nya habang nakatitig sa braso ni Ashley at ng kaibigan ni Daniel na si Cj.Mukhang hindi matatapos itong gabi na to na uuwi ang pinsan ko na single ah. Lantutay talaga.
Tinungo na nga nya ang daan papuntang rest room at nang papasok na sya dito ay biglang may humablot sa kanyang braso at napaigtad sya nang bahagya syang nasaktan dahil nagulat sya.
''Aray! ano ba?!'' sigaw nya at mabilis na hinanap ang taong hitak sa kanyang braso.
Hindi nya kilala kung sino ito,isang lalaking malaki ang katawan at may kagwapuhan din naman at mukhang mayaman.
''Miss,baka lang kailangan mo ng kasama sa loob, pwede kitang samahan'' nakangising wika nito sa kanya.
''Bitawan mo nga ako!'' sabay bawi nya sa kanyang braso na hawak nito. ''Kaya ko ang sarili ko, at tsaka sino ka ba ha? bakit bigla ka na lang nang hahatak?!'' pagalit nyang sabi dito ,pero sa totoo lang pilit nyang tinatakpan ng kunwaring tapang ang takot nya dahil first time mangyari sa kanya ang ganito.
''Babe,may problema ba ? '' isang tinig na puno ng tatag at tikas ang narinig nya sa kanyang likuran habang naramdaman nya na may braso na pumulupot sa kanyang baywang.Pag angat nya ng kanyang tingin ay nag tama ang mata nila ni Daniel na hindi nya namalayan na sumunod na pala sa kanya.Tila nangungusap ang mga mata nito at naintindihan na nya ang ibig sabihin nito. ''ginugulo ka na nito?'' baling nito sa lalaking nambastos sa kanya.
''sino naman to? body guard mo?'' ngisi ng lalaking bastos sa kanya,''Alam mo mioss,pakipot ka lang eh, halika nga dito'' sabay hablot sa kanya ng lalaki ''Oh baka naman gusto mo dalawa kaming sabay sayo'' tila demonyong sabi nito na nakakatakot ang ngisi.
''bastos ka ah!'' isang malakas na sampal ang pinakawalan nya at mabilis na dumapo sa mukha ng lalaking nambabastos sa kanya.