Chapter Thirty-Eight: Amnesia Nagising ako ng may benda sa aking buong katawan. Jusko, ano ba ang nangyari sa akin? Halos hindi ko maigalaw ang aking katawan dahil pakiramdam ko parang namamaga lahat. Inilibot ko ang aking paningin, nasa loob ako ng isang room, at may nakalagay sa aking bagay na hindi ko alam kung ano, may tubig rito! Walang katao-tao sa loob. Ilang sandali pa ng aking pagmuni-muni ay may pumasok sa pintuan. Isang lalaki na nakasuot ng puting kasuotan. Kakaiba ang kulay nito sa akin, masiyado siyang matangkad! “Gising ka na pala Miss. Saavedra.” Ngumiti ito sa akin. Sinong Saavedra? “Sino ka?” Tanong ko sa lalaki. Tumingin ito sa akin na tila gulat na gulat, pagkakuwan ay inasikaso na nito ang bagay na nakalabit sa akin iyong may tubig! "Hindi kita kilala."

