NAPAATRAS si Nhica sa mga sinabi nito, subalit bago pa siya makalayo ay nahawakan na ni Clyde magkabilang braso niya. “I am left with so many questions and doubts in my mind. Hanggang ngayon, dala-dala ko pa rin iyon!” Humigpit ang kapit nito sa braso niya. “C-Clyde!” Sinubukan niyang kumawala, pero hindi siya nito binitawan. “Ilang beses kong tinanong sa sarili ko kung minahal mo ba talaga ako noon? Kung oo, bakit mo ako iniwan ng gano’n kadali? You broke all of your promises easily and left me alone. Alam mo ba kung gaano kasakit iyon?” She knew to herself that it wasn’t that easy to leave him. Nagtiis siya. Nagparaya. For some time, she followed all of his decisions for her. Subalit sadyang napuno na siya, nasakal dito at sa mga ginagawa nito para sa kanya. Halos nawalan na siya ng

