NAALIMPUNGATAN si Nhica sa mabining haplos sa mukha niya. Masarap iyon sa pakiramdam pero nadi-distract niyon ang pagtulog niya. Hinawi niya ang kung ano’ng humahawak sa mukha niya at ibinaon ang mukha sa unan niya. Nagtaka pa siya nang maramdaman matigas ang unan niya, pero hindi niya iyon pinansin at pinagpatuloy na lamang ang pagtulog. Matigas man ang unan niya, mainit naman iyon at kumportable sa pakiramdam. She felt safer and contented. She heard a chuckle. She then felt a cotton-soft thing pressing on the side of her forehead. Her hair was being combed so gently. Para siyang pinaghehele niyon. “Nhica?” An angelic gentle voice was calling her. Napakasarap niyon sa pandinig. “Nhica Marae?” wika nito ulit kasabay ang mabining pagyugyog sa braso niya. “Mahal? How long are you g

